parito sina Desiderio,[12]
Hilario del Pilar, Gainsa't
Gimeno[13]
Roxas,[14] Regidor,[15] Ramirez[16] parito
Calderó't[17] Esquivel[18] iba pang totoo.
Gaya ni na Tisca[19] at sina de la Rosa[20]
Acuelle[21] at
Agustin[22] pauang nagsipirma
sa escritong yaon cusang pinadala
sa Corte nang Madrid nang caracaraca.
Parang naligalig fraileng calahatan
sa nangyaring itong man~ga
caisipan
nitong Burgos natin caya silang tanan
sinilaban n~gani
niyaong cagalitan.
Dito na isinumpá nag-isip nang cagyat
na paghigantihán, caya silang
lahat
cusang nagpupulong halos oras-oras
cung anong magaling
nang ito'y maampat.
Lalong-lalo na n~ga fraileng recoleto
at ang dominico siyang
gulóng-guló
dito sa nangyaring hindi mamagcano
caya silang tunay
ang mausig dito.
Caya niyaong minsang sila ay magjunta
Prior sa convento nang
Recoletos baga
sa bayan nang Tan~guay na ang n~galang dala
Fray
Mariano Gómez dito naquisama.
At gayon din naman ang castilang uldóg
Fray Antonio Rufian órden
S. Juan de Dios
ay nacasama rin at silang tibobos
nan~gacong
gagauang higanti cay Burgos.
Sa pan~gacong ito dito nan~gagalac
ang lahat n~g fraileng may galit
na in~gat
sa cay Dr. José at maipahahamac
nang dalauang ito na
magcapua oslac.
Hindi na naglicat nang magcahiualay
itong man~ga fraile na aquing
sinaysay
mabuting paraan mapapatay lamang
ang naguing catotong
quinagagalitan.
Caya ang na-isip nitong si Fray Gómez
si Miguel Zaldua[23] at ang
casing ibig
cusang hinicayat na sulsulang pilit
tanang sa Arcenal
jornalerong tiquís.
Upang silang tanang tumutol na cagyat
sa upahang dati cung hindi
itaas
at siyang bahala cusang magliligtas
cung ito'y umabot sa di
hinahagap.
Sa paquiquinyig n~ga ni Miguel Zaldua
sa aral nang fraile'y cusang
inaquit na
tanang jornalero sa Arcenal baga
na sila'y tumutol sa
ugaling upa.
Cung sacasacaling ayao na itaas
sila'y man~gag-alsa huag na magulat
sapagca't tutulong ang caual na lahat
sa Maynila't Tan~guay at
pauang casabuat.
Napahinuhod n~ga, ang lahat nang jornal
sa mabuting aquit ni
Zalduang nasinsáy
caya ang guinaua nitong Fray Rufian
umisip
naman siya nang ibang paraan.
Caya ang sumagui sa caniyang acala
sina Montesino't Morquechong
daquila
pinaquiusapan na tulun~gang sadiya
ang lahat nang jornal
sa pag-aalsa n~ga.
Ang dalauang ito ay castilang taal
na capua tenienteng napipiit
lamang
sa Castillong sacdal sa bayan nang Tan~guay
n~gala'y San
Felipe lipós cahirapan.
Sa sabing matamis sa dalauang ito
ay hindi tumangui sumagot nang
oo
upang sila lamang macalabas dito
sa pagcacapiit doon sa
Castillo.
Ang lihim na ito ay hindi nagdaan
arao nang sábado dumating na
tunay
nang pagbabayaran sa lahat nang jornal
na nagsisigaua doon
sa Arcenal.
Icadalauang puo buan nang Enero
siyang cabilan~gan nang arao na
ito
caya nagsitutol, sinunod ang trato
nang sila'y bayaran sa di nila
gusto.
Nang ito'y matanto nang coronel Buttler
bunying Gobernador nang
caual na tambing
sa lalauigang Tan~guay ay hindi pinansin
reclamo
nang jornal na ualang cahambing.
Ang caniyang guinaua umaga nang lingo
humin~gi nang "fuerza" sa
General dito
hayág na Izquierdo pagca't natanto nito
ang lahat nang
jornal ibig na mangulo.
Naisipang isa pahaliling tunay
nang oras ding ito sa isang capantay
nang coronel Roxas nang di niya camtan
yaong caguluhan
naramdamang tunay.
Saca pinaglirip sa sariling isip
magcaroon man siya nang caual na
cabig,
cung uala naman siyang escuadra sa tubig
ay uala rin anyang
tunay masasapit.
Pagca't ang nangyari guinaua ni Mac-Rohon
contra-almirante sa
escuadra noon
tanang cañonero nang panahong yaon
ay pauang
dinala sa Isla del Sur[24].
Sucat na natira dito ay iisa
caya't si Buttler nagpumilit baga
ang
lupa nang Tan~guay iuan muna niya
nang huag nang datnin
caguluhang sadya.
Capagdaca naman caniyang cahilin~gan
ay agad inamin biglang
pinayagan
nang caniyang general Izquierdong maran~gal
nang
umagang yaon na hindi lumiban.
N~guni't bago siya sa Tan~guay umalis
sina Montesino't
Morquechong nasambit
ay caniyang hini~ging dito na mapiit
sa
Maynilang Ciudad na sacdal nang diquit.
Cahilin~gang ito ay di na nahintay
sapagca't guló na ang lahat nang
jornal
sa hindi pagpayag sa ibinibigay
dating caupahán, caya
binayaan.
Ugali't salita madaling malutas
nang ito'y matanto ni Rufiang
dulin~gás
lalong sinulsulan jornal na alin~gas
sila'y maghimagsic
sa castilang lahat.
Sinabi pa nito huag mag-alaala
sila'y tutulun~gan tanang caual baga
dito sa Maynila Infantería't Guía
sampuong artillero na ualang
pagsala.
At hindi dadaan dugtong na sinambit
ang mamayang gabi
mag-aalsang pilit
ang taga Maynila cung inyong marin~gig
ang
putucan doon sumabay na tiquís.
Aco ma'y castila muli pang uinica
nitong si Fray Rufian uldóg na
cuhilá,
n~guni't sa aua co sa inyo n~gang paua
dugó co'y naculo sa
tanang castila.
Caya sa hatol co cayo ay sumunod
nang cayo'y lumaya na man~ga
tagalog
huag naman cayong magcaroong lubós
niyaong
«desconfianza» sa ipinatalós.
Sapagca n~ga't aco'y catotong mahigpit
ni Burgos n~ga ninyo at
caisang isip
sa nilalayon niya na lubhang mapilit
ang pananarili ay
macamtang tiquís.
Caya cun sacali cayo'y man~gagdiuang
ay inyong ihiyao si Burgos
mabuhay
at ang Filipinas guilio ninyong bayan
España'y mamatay,
mamatay na tunay.
Sa «enga~nong» ito sa hina nang isip
niyaong man~ga jornal sila ay
naquinyig
sa hicayat nitong lalaquing mabait
uala nang inimbot
cundi gauang lihis.
Sa madaling tacbo nang panaho't oras
yaong cagabihan sumapit na
cagyat
ano't nagcataon parang pinagtiyap
pista sa San Anton[25]
guinauang magalac.
Nagcaroon nang putoc castillo at bomba
cuites saca luces na ualang
capara
sa boong magdamag at iba pang sayá
na nacauiuili sa
guinauang pista.
Caya n~ga't maraming tauong nagsidaló
taga ibang pooc na di
mamagcano
sa canilang toua sa pistang ganito
na sa cailan man di
naquiquita ito.
Baquit nasabay pa ang pistá n~g Calmén
na pinagsasayá na ualang
cahambing,
fraileng recoleto pauang nahihimpil
sa San Sebastian
n~ga pooc na maalio.
Sa sabing matulin itong casayahan
dito sa Maynila nang cusang
malaman
jornales sa Tan~guay paua nang gumalao
hindi naapula
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.