Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos | Page 4

Honorio López
del Rosario natin
sa Lagunang bayan
ay nag alcalde rin.
At si D. Mariano Villafranca naman
sa bayang Misamis alcaldeng
nahalal
na pauang tagalog may dunong na taglay
nagcamit n~g
tungcol sa cacastilaan.
Nagcaroon pa rito n~g m~ga Jueces
pauang filipino't man~ga
Relatores,
at lahat pa disin n~g m~ga napiit
dito nacauala't cusang
nacaalis.
Pinatiguil pa n~ga ang pag-eembargo
sa tanang lupain n~g naramay
rito,
at pinagalang pa man~ga bahay dito
sa tanang justicia
nagalang totoo.
Sa madali't sabi ating pagbalican:
ang cusang sinapit nitong si Luis
Parang
sampuo ni Eduardo Camerinong hirang
niyaong macaraan

yaong ilang arao.
Pagca't di nalaon sila ay piniit
pinatay sa bitay, sa namucong galit

sa dibdib n~g tanang Fraileng m~ga ganid
uala n~g inimbot cung di
gauang pan~git.
Sila'y nag-gasta rin n~g lubhang malihim
sa general ditong lumabo
ang tin~gin
sa saganang pilac canilang inyahin
mapapatay lamang
dalauang butihin.
Naualang halaga ang pinag-usapan
tratadong guinaua sa Malabóng
bayan
at cusang naniniig lubos na guinitao
pagtin~gin sa yaman
nasabing general.
Nagn~git-n~git na naman n~g ito'y matalós
ang lahat n~g dibdib n~g
m~ga tagalog,
n~guni't sa uala rin dito ay inabot
caguluhan baga
gaya n~g natapus.
Sa panahóng ito siyang pagcacamit
nitong ating Burgos «ordeng»
ninanais
niyaong Pagcapari sa tanang tiniis
man~ga cahirapan na
ualang cauan~gis.
Hindi n~ga nalaon na nagcantamisa,
sa ating Catedral nahalal na cura,

at siyang pagtamó n~g mahal na «borla»
niyaong pagca "Doctor"
sa Santa Teología.
Saca sa Derecho Canónicong mahal
ay gayon din naman "Doctor" na
mahusay
caya sa Tribunal n~g exameng tunay
naquiquialam na sa
colegiong tanan.
Caya bala noong ibig na cumuha
magcamit n~g grado sa facultad
baga
sa Santa Teologia't bunying Filosofía
at sa Canónico daraan sa
caniya.
Sapagca't n~ga siya nahalal na cagyat
na "Examinador" at una sa
lahat
cusang "eexamen" estudiong facultad
na sino ma't aling ibig

macalabas.
Sa caniyang pagsunod sa tungcol na dala
naguing masamá siya sa
fraileng lahat na;
datapua gayon man di cumibo sila
uari hindi
pansin tanang naquiquita.
Cusang nagsaloob higantihan lamang
putulin ang gayong man~ga
cahigpitan
n~g pag-eexamen sa sino't alin man
sa Fraileng capua
lipós n~g casam-an.
Caya ang nangyari n~g lumubhang tiquís
yaong pag n~gin~gitn~git
cay Burgos na ibig
dito na ang lahat; ang Fraile'y lumupít
sa Paring
tagalog na casanib-sanib.
N~g ito'y malaman nitong Burgos natin.
lahat n~g capua ay inipong
tambing
pinaquipagtalo lahat n~g inilíng
na Paring tagalog n~g
Fraileng butihin.
Sa nangyaring ito, dito na inusig
sa Arzobispado ang leyes ni Moret

ay sundin totoo pagca't natititic
sa pinag-usapan ito'y susunding
pilit.
N~g ito'y matanto n~g fraileng si Roxas
Cornejo, Ariaga, Cabrerang
dulin~gás,
Pardo, Gala't ibang lumahóc na cagyat
si Padre Burgos
n~ga cusang pinaghanap.
At ipinaglaban canilang catuiran
cahit nalilicó sa magandang daan;

n~guni't sa uala rin silang hinanganan
cung di yaong hiyá na ualang
cabagay.
Sapagca't n~ga sila'y nan~gabilangó pa,
ang canilang ari
enembargong sadiya
sa nangyaring ito na usapín nila
sa bunying
Juzgado Eclesiástico baga.
N~g ito'y masapit nilang calahatan
sila'y nacaisip pasaclolong tunay

sa cay P. Burgos at paquiusapan,
n~g sa pagcapiit macalabas

lamang.
Gayon din ang tanang man~ga Presbítero
na pauang linupig man~ga
fraileng ito
sampuo niyaong ibang man~ga filipino,
cay P. Burgos
din ay napasaclolo.
Sa nangyaring ito itong ating Burgos
hindi nagmalaqui't
pinaquingang lubós,
ang sa tanang Fraile at man~ga tagalog

man~ga paquiusap sa gayong inabot.
Siya n~ga'y naggugol lubos nagcagasta
na hindi sinin~gil capaguran
niya,
sa fraile't tagalog n~g macamtan nila
ang pagcacauala sa
cárcel n~g dusa.
Itong si Fray Galan recoletong hirang
si Fray Ariaga franciscano
naman
at si Fray Cornejo Domenicong tunay:
si Padre Burgos n~ga
siyang nagsangalang.
Sila'y napabalic at cusang nagcura
sa bayang tagalog dating lagay
nila
at ang ari nila na enembago baga
ay cusang nagbalic na
caracaraca.
Sa panahóng íto lubos nagcaroon din
n~g isang sumbong n~ga taga S.
Rafael
sacop n~g Bulacan mula baga't dahil
sa canilang cura na
nag-asal suail.
Caya ang guinaua dagling pinatauag
ni Padre Burgos n~ga't inaralang
cagyat
na sa uli't uli ang guinauang lahat
huag n~g gagauin
sapagca't di tapat.
Ito hindi iba ay si Fray Antonio
Piernavieja n~gani bunying agustino

totoong nasinsay, cusang umabuso
sa ipinag-uutos n~g
Eclesiástico.
Macaraan ito ay hindi naluatan
sa Corte n~g Madrid may isang
lumitao
diariong casang-ayon n~g catagalugan
«Eco Filipino» ang

siyang pan~galan.
Dito n~ga si Burgos ay cusang tumulong
naggugol n~g yaman at
sampuo n~g dunong
upan n~g lumauig at cusang yumabong

magcaroon n~g madla na m~ga suscritor.
Nagtayó rin naman isang capisanan
dito sa Maynila sa nagpapaaral

sa reinong España filipinong tanan
ibig na dumunong lahat ay
malaman.
Caya sa dalauang Regidor na tiquís
nangyaring lumagda n~g
usiguing pilit
tanang filipinos may dunong sa Madrid
magcamit
título't condecoraciones.
At gayon din naman ang catagalugan
cusang natatan~gi't may in~gat
na yaman
nagcarón nang uagás bunying catungculan
sa lahat nang
poóc nang sangcapuluan.
Saca isinunod na caniyang inusig
yaong pagcucura nang fraileng
balauís
sa bayang tagalog sila'y mapaalis
at pauang clérigo ang
siyang mapalit.
Dito pinasunod utos sa "Concilio
ni Trento" ang tauag at biling totoo

marapat na sundin nang simbahan dito
nang man~ga castila sa
silan~ganang daco.
At sinabi pa niyang ipinagmatigás
sa lahat nang fraile cun ang
caniyang han~gad
ay hindi susundin arao'y di lilipas
sila'y
pasasacop sa inglés na cagyat.
Caya ang nangyari lumagdá pagcuan
nang isang "escrito't" inihaying
tunay
sa Ministrong hayág nang bunying Ultramar
sa reinong
España na cabalitaan.
N~guni't bago ito ipinadalang lubós
cay Izquierdong hirang general
na bantóg
ay nuhang sanguni't bilang pahintulot
nang huag

masinsay sa catouirang puspos.
Ang escritong ito'y pinaayunan niya
at pinapirmahan bago ipinadala

cay Padre Mendoza[5] Lasa[6] at Sevilla[7]
Danda't[8] del
Rosario[9] Guevara't[10] Zamora[11].
Napisang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.