naaayon tanang artículo
sa tanang tagalog, Fraile
siyang talo.
Baquit ang isa pa naquiayong tunay
isang tubo rito na naguing
general
D. José Orosco Zuñiga ang n~galan
at iba pa n~gani na
may catungculan.
Na sina D. Juan Záenz de Vismanos[1]
José Ochoteco[2], Rafael[3]
na bantog
García López n~gani ang pan~galang lubós
n~g m~ga
nag-usig na pauang tagalog.
Sa pagtulong nito na lubhang malihim,
ang lahat n~g Fraile ay di
napatiguil,
lalong inululan n~g galit na tambing
sa dalauang ito na
Regidor natin.
Lalong lalo na n~ga n~g sila'y lantacan
sa diariong «Discución»[4]
halos arao arao
n~g binatang Manuel, Fraileng calahatan
lalong
nan~gag-usig panalo'y macamtan.
Dito na si Burgos cusang sumulat na
ilang «artículong» casagutan
baga
sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang
naquiquipagtalo
mag-uagui ang pita.
Sa usapíng ito n~g cusang malaman,
ang ating si Burgos dito ay
capisan,
ang lahat n~g Fraile lubós n~g tumahan,
tinimpi sa loob
yaong cagalitan.
Dito na umusbong sa canilang dibdib
si José Burgos n~ga ay
sinumpang tiquís
at paghigantihan gauan niyaong pan~git
lihim na
pacaná na asal balauis.
Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil
ang lahat n~g Fraile sa
gayong usapín,
di rin naampat at napatuloy rin
sapagca't tumauid sa
lupain natin.
Sa boong lauigan nitong Filipinas
caguluhang ito cusang lumaganap
dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~gás
ay pauang nagbago n~g
ugaling in~gat.
Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan
nang lupa at buquid sa
catagaluga't
cusang pataasin ang dating cabuisan
n~g m~ga
hacienda na atin di't tunay.
Caya siyang mula n~g panghihimagsíc
niyaong si Eduardo
Camerinong sulit
na taga Caviteng nahalal na tiquís
pan~gulo sa
hocbo na pauang nilupig.
Isa pang casama ni Eduardong hirang
ay yaong si Luis Parang ang
pan~galan
na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay
n~g
paghihimagsic sa Fraileng sucaban.
Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo
sapagca't nacuha nitong si
Eduardo
caya't n~g mahuli ang dalauang "lego"
sa "casa hacienda"
binitay n~ga nito.
N~g ito'y matanto n~g bunying general
nagulo ang diua caya't
naisipan
tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal
na m~ga tagalog
n~g ito'y mahusay.
Pagca't yaong guló lubhang malaqui na
di na naapula ano mang gauin
niya,
hangang sa inabot ang «casa hacienda»
sinilabang tunay n~g
nag si pag alsá.
Caya naisipan n~g upang tumahan
caguluhang ito nasabing general,
ang tanang tagalog na may carunun~gan
at caunting yaman
bigyang catungculan.
Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos,
Ascarraga't Tuáson,
González na lubós,
Padilla't Esquivel, si Calderóng bantog
saca si
Icasa pauang filipinos.
Sila hindi iba ay cusang nahalal
«vocales civiles» na puno sa bayan,
saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay
niyong cay Regidor
«reformas» na tanan.
Dito na naghalal sa corte n~g Madrid
n~g isang Comisión sa
nag-uusig
nitong si Regidor na di naiidlip
tayong calahatan
mapaiguing tiquís.
Caya ang Ministro de Ultramar noon
ay siyang namuno gayong
pagpupulong,
at ang m~ga vocal sa ganitong layon
m~ga generales
na ualang caucol.
Na sina Orosco, Saportillang tunay
Gandara at sina Ochoteco naman,
Coballes na pauang coroneles lamang
Rodriguez, Bona't Pillon iba
pang capisan.
Ang pulong na ito pauang nag caisa
at pinaayunan ang tanang
"reforma"
nitong si Regidor na capisan nila
gayong pag-uusap sa
guinauang junta.
Caya n~g matapos itong pag-uusap
dito sa Maynila'y pinahatid agad
niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag
ang naguing pasiya n~g
upang malutas.
N~guni sa samá din n~g pamamahala
n~g Gobierno rito'y
isinalamuha
sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla
uala n~g
inimbot cundi ang masamá.
Dina naalala itong ating Burgos
doo'y isinama't cusang inilahóc
caya sa uala rin dito'y napanuod
na "caliuanagan" tanang filipinos.
Sa gayong nangyari yaong caguluhan
dito sa Maynila, Bulacan at
Tan~guay
Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan
ay lalong lumubha
apuy ang cabagay.
Ang man~ga pinuno't tanang autoridad
dito sa Maynila'y nagulong
cagyat
caya napatulong sa loob na tapat
n~g m~ga tagalog may
dunong na in~gat.
N~g upang maampat cusang mapatiguil
caguluhang ito na ualang
cahambing
caya sinunod na ang lahat n~g hilíng
n~g tanang tagalog
may dunong na tambing.
Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua
comisióng nahalal cusang
papayapa
sa cay Camerino na naghimagsic n~ga
sa bayan n~g
Tan~guay, Imus na daquila.
N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez
ay hindi nalaon ang
paghihimagsic,
dahil sa pan~gaco n~g autoridades
sa tanang
tagalog na nag-alsang tiquís.
Caya ang "tratado" biglang pinirmahan
sa bayang Navotas n~g
bunying general
sa pinamansagang balitang tulisan
na si Camerino
at si Luis Parang.
Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galác
pagca't napayapa
caguluhang cagyat,
at tanang «hacienda» nilang ini-in~gat,
ay
muling babalic na di magluluat.
Baga ma't sila'y cusang nagastahan
nag-gugol n~g pilac na hindi
mabilang,
di na alumana humusay n~ga lamang
lacad n~g
panahong man~ga caguluhan.
Ang general noong balitang D. Cárlos
de la Torre n~gani ang
pan~galang lubós
na naguing mabuti sa man~ga tagalog
at sa
tanang Fraileng nag-asal balaquiot.
Nabalita naman sa panahong yaon
ang ating si Gómez cura sa Bacoor
dahil sa guinaua at pag dedefensor
sa tanang tagalog na piniit
noon.
At gayon din naman sa pagpapahusay
sa nangyaring guló sa bayan
n~g Tan~guay,
caya yaong puri at uagás na dan~gal
ay tinamó niya
sa catagalugan.
Dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap
ang napi-it noon tagalog na
lahat
na napacaualan cay Gómez nagbuhat
sa cárcel n~g dusa na
dilang bagabag.
At pati ni Parang sampuo ni Eduardo
cusa ring nagcamit n~g
mabuting trato
sa man~ga castila tumirá pa rito
sa bayang Maalat
may «pencióng» totoo.
Saca sinunod pa ang pinag-usapan
niyaong caayusang magcura sa
bayan
at yaong "reforma" niyaong pag-aaral
ay pinaghusay din na
hindi naluatan.
Nagcaroon pa noon n~g carrera civil
lahat n~g tagalog may dunong
na tambing
caya si Vivencio
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.