tinamó yaong mantong azúl
at belang mapula na ualang
caucol,
caya ang caniyang familia n~ga noon
ang toua nang dibdib
ay hindi gagayon.
Madali't salita nang ito'y malaman
na sa Pagpapari ang pag-aaralan
nang caniyang magulang cusang binayaan
tanang hanap buhay sa
ciudad nang Vigan.
Dito sa Maynila sila'y tumahan na
dahil sa pagsunod sa anác na sinta
na di man nangyari caibigán nila
ano mang pamanhic di nangyari
baga.
Ang luhang tumulo sa man~ga magulang
hindi man pinansin at
pinagpilitan
ang hilig n~ga niya na mag-paring tunay
Ministro nang
Dios sa lupang ibabao.
Baga ma't gayon ang nangyaring lubós
pag-ibig nang Ama'y
lumalalong puspos
sa naquiquita niya't napapanuod
sa caniyang
anác carunun~gang impóc.
Mula sa hindi n~ga na nahuhulog man
sa tanang "exameng"
pinagdadaanan,
at caya't baga man may lungcot na taglay
ang galác
sa puso'y siyang gumiguitao.
Gayong pag-aaral ay hindi nagluat
"órdenes menores" ay quinamtang
cagyat
caya lalo na n~ga ang "familiang" lahat
toua'y mago't mago
sa dibdib namugad.
N~guni't uala pa siya na apat na buan
n~g pagca tangap niya n~g
"órden" quinamtan
nagcaroon nang gulo sa tinatahanan
Colegio
nang Letran sa fraileng casaman.
Mula baga ito sa pagpapasunod
"sa m~ga colegial" pauang filipinos
nang m~ga Fraileng sa samá ay supot
n~g m~ga abuso at gauang
pag-ayop.
Caya nacaisip ang tanang Colegial
gayong pag-aalsá sa pacanáng
tunay
binabago nila ang caugalian
na dating paquita sa canilang
tanan.
Oras n~g hapunan n~g mangyari ito
na aquing sinabi na pagcacaguló
caya ang guinaua n~g Fraileng pan~gulo
sa justiciang bayan ay
napasaclolo.
Dahil sa marami ang Fraileng nasactan
may bali ang butó at may
nasugatan;
caya yaong habla umano sila rao
ibig na patain nang
tanang colegial.
Naparatan~gan pa na naguing pan~gulo
itong ating Burgos sa
nangyaring guló,
datapua uala rin naguing hanga ito
cundi ang
pasia iuan ang Colegio.
Silang calahatan paalisin lamang
sa Colegiong yaon sa iba'y mag-aral
n~guni't di nangyari pagca silang tanang
sa m~ga Fraile curang
namanhican.
Dahil sa marami di nacatapos pa
n~g canicanilang tun~guhing carrera
caya't napilitan nagtiis din sila
sa m~ga pasunód n~g Fraileng lahat
na.
Lalong lalo na n~ga itong ating Burgos
dahil sa _Derecho
Cómicong_ lubos
siya'y hindi pa na nacacatapos
caya nagtiaga rin
sa iba'y umayos.
Hindi rin naluatan ang pagca Decano
sa laong panahón cusa ring
tinamó
sa aua n~g Dios at dusang totoo
na tinitiis niya sa Fraileng
abuso.
Caya di nalaon siya ay lumipat
n~g hindi na siya tumagal sa hirap
sa m~ga pasunod niyong Fraileng lahat
Colegiong S. José, ang
tinun~gong agad.
Ang namamatnugot sa colegiong itó
ang quilalang doctor si Padre
Mariano
García ang caniyang dalang apellido
tunay na tagalog
tauong filipino.
Nang siya'y matira at dito mag-aral
ay hindi nagtagal siya'y inordinan
nang pagca «Diácono» gayong cabataan
mulá sa talino nang isip na
tagláy.
Hindi nacaraan ang ilang panahón
sa madaling sabi nama, i,
nagcataon
nagcaron nang isang noong "oposición"
sa tanang
Diácono mag "cura" ang layon.
Noon ay "vacante" yaong catungculan
segundo curato sa sagrariong
mahal
nang bunying S. Pedro balitang Catedral
sa sangcapuluan
nang Maynilang bayan.
Sa guinauang ito: "oposicióng" tiquís
nan~guna sa lahat si Burgos na
ibig,
caya tinamó niya sa talas nang isip
gayong "Pagcucurang"
caloob nang Lan~git.
Ang tungcol na ito hindi matatamó
nang sino't alin mang cahit may
"empeño",
cungdi ang may taglay pagca Presbítero
ay siyang
marapat na magcamit nito.
N~guni at sa dunong nitong ating Burgos
baga ma't Diácono ay
quinamtang lubós
palibhasa dising naasa sa Dios
matalinong lubha
maganda ang loob.
Maca ilang buan ay quinamtang cagyat
pagca licenciado sa bunying
«faculcad»
niyaong filosofía sa gayong capahat,
gayong pag-aaral
na lubhang mahirap.
Hindi nacaraan ang malaong arao
nahalal na mulí siya, i, maguing
"fiscal"
sa "juzgadong" sacdal "eclesiásticong" hirang
at sa
"ceremonias" ay "maestro" din naman.
Ito ay caloob nang daquilang Rector
sa Sto. Tomás n~ga, mula sa di
gayong
carunun~gan niya na ualang caucol
na napagquiquita nang
tanang naroon.
Nang ito'y matamó dito na nagcamit
nang dan~gal na lalong ualang
cahulilip
caya ang bala na n~ga nagalang na tiquis
baga ma't
matanda't caniyang cauan~gis.
Ang boong Maynila dito na nagtaca
sa dunong na in~gat ualang
macapara
nitong ating Burgos na caaya-aya
pati n~g ugali at loob
na dala.
Di pa nagluluat ang panahong ito
n~g caniyang pagtangap ng lahat
n~g «grado»,
ano't nagcataon sa Españang reino
nagcaron n~g
isang malaqui n~gang gulo.
Ito'y noong taóng isang libong ganap
ualong daan anim na puo't
ualong singcad
buan n~g Septiembre sa istoriang saad
n~g ito'y
mangyari caguluhang cagyat.
Dalauang binata ang naguing pan~gulo
na taga Maynila, Manuel at
Antonio
Regidor ang n~galan sa nangyaring gulo
sa bayang España
niyaong unang daco.
Caguluhang ito ay ualang ano man,
na hindi n~ga gulo n~g
pagpapatayan,
cung di isa lamang na pag-uusapan
n~g Fraile't
Tagalog sa Gobiernong mahal.
Pagtatalong ito ay di nai-iba
cung di yaong gustó nito n~gang dalaua
ang magcaron dito mabuting reforma
n~g pamamahala tayong
lahat baga.
Ang tanang clérigo, ang dapat n~ga lamang
mag cura sa lahat m~ga
bayan bayan
nitong Filipinas, at magcaron naman
n~g
representacion de Cortes ang n~galan.
At cusang baguhin, pag-ayusing cagyat
ang escuelang bayan at
colegiong lahat,
at ito'y ibigay ang siyang marapat
sa Paring tagalog
tubong Filipinas.
Ang gayong usapín ay lumaquing tunay
ang lahat nang Fraile'y
pauang naguluhan,
caya't napilitang sila ay naghalal
n~g
Procuradores na Fraile rin naman.
Si Fray José Checa at Fray Joaquin Coria
ang naguing defensor taga
usig baga
ng usapíng ito sa dalaua'y habla
na taga Maynila sa
baya'y may sinta.
Sa lahat n~g «diario» ang usapíng ito
sa Corte n~g Madrid nalagdang
totoo't
pauang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.