A free download from www.dertz.in
The Project Gutenberg EBook of Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose
Burgos by Honorio Lopez
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos
Author: Honorio Lopez
Release Date: August 20, 2004 [EBook #13233]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
0. START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG TUNAY
NA BUHAY NI P. DR. ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng,
mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog
na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
ANG TUNAY NA BÚHAY
NI
P. Dr. JOSÉ BURGOS
=at nang man~ga nacasama niya=
=na sina
P. Jacinto Zamora,=
=P. Mariano Gómez at ang=
=nadayang
Miguel=
=Zaldua=
SINULAT NI HONORIO LÓPEZ
Periodistang tagalog, Director
artístico sa Kapisanan nang man~ga autores lírico-dramático La
Juventud Filipina at Autor nang maraming casulatan: Kalendario,
istoria, biografia, etc., etc.
=ICALÁUANG PAGCAHAYAG.=
MAYNILA: 1912.
=IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA=
NI
=J.
MARTINEZ.=
_Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderón 108 at
Estraude 7, Binundok._
=Ang ala-alang handóg=
_Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P.
Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na
dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa
canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó
Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872._
_HONORIO LÓPEZ_.
[Larawan: P. DR. JOSÉ BURGOS.]
=Sa man~ga nanasang liyag=
PASIMULA
Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib,
tapát na pagsintang namahay
sa isip
na maipahayag canilang sinapit,
tanang guni-guni'y linupig
na tiquís.
Cusang pinatuloy tumiim sa hagap
ang pinanghauacan ang nanasang
liag
may ganáp na bait camahalang in~gat,
macapagpupuno sa
caculan~gang lahat.
Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan
n~g canilang «búhay» sa
Mundong ibabao,
na cusang natapos sa abang bitayan,
sa
pagsintang lubós sa tinubuang bayan.
Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat,
unang «monumento» ng
pagpapahamac
niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat
n~g
dunong at yaman tubong Filipinas.
Sila namang tunay ang unang larauan
na dapat tularan nating
calahatan
sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan
nitong ating
bayang lagui sa ligamgam.
Caya ang marapat, oh m~ga capatid:
silang m~ga «Martir»
alalahaning tiquís,
huag lilimutin laguing isa-isip
alang-alang baga
sa m~ga sinapit.
Gayon din naman sa cailan pa man
dapat casuclaman ... m~ga
fraileng tanan
na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal
«n~g Dios
na Poon», bago'y m~ga hunghang.
Caya ang mabuti ay tularang lubós
m~ga halimbaua ni na Padre
Burgos,
Gómez at Zamora na pauang tagalog
sa tinubuang bayan
marunong umirog.
Sa baua't may nasang ibig na bumatid
n~g canilang búhay tunay na
sinapit
basahing tuluyan pagtiagaang tiquís
cusang ipatuloy itong
natititic.
Bahala na sana inyong camahalan
mag lapat nang ganap sa labis at
culang
sa baua't talatang inyong matagpuan
uari'y nalilihis doon sa
catuiran.
N~guni't ang samo co bago mo punahín
ang lihís sa uari, maiguing
linin~gin
maca ca sacali naman na malinsil
sa daang casamaan
malagos na tambing.
Cung magcacagayon ang pasasalamat
sa camahalan mo aquing
iguinagauad
at mag-utos naman sa lahat nang oras
sa laang capatid
na casuyong tapat.
=Honorio López.=
=ANG TUNAY NA BÚHAY
NI
Dr. JOSÉ BURGOS, Pbro.=
AT NANG MAN~GA CASAMA.
PÚNO NANG SALITÁ
Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad
Fernandinang sacdál sagana
sa galác
sa buong Iloco na ualang catulad
doon naguing tauo si
Burgos na hayág.
Taóng isang libo ualong daang tunay
apat na puo't dalua siyang
cabilan~gan
nang siya'y ianác nang ináng hinirang
may tacot sa
Dios, mabuting magmahal.
Siya'y na-uucol sa isang «familia»
na iguinagalang natatan~gi baga
sa buting ugali at gauang maganda
sa ciudad na yaong mayaman sa
sayá.
Mulang camusmusan nitong ating Burgos
sa bait na taglay uala nang
aayos
gayon din sa talas nang isip na impóc,
caya't maaga siyang
pinaturuang lubós.
Hindi nalaunan caniyang pag-aaral
naisipan n~gani nang m~ga
magulang
dito sa Maynila iluas na tunay
upang pag-aralin sa San
Juan de Letran.
Caya iniluas itinuloy muna
sa bahay nang canyang tióng sinisinta
teniente práctico nang artilleria
Juan Antonio Aelle ang pan~galan
baga.
Siya'y itinirá na hindi naluatan
sa Letrang colegio, ang nacacabagay
ay duc-hang ulila sa m~ga magulang,
sa loob nang Dios tinangap
din naman.
Sisiyám na taón cabilan~gang edad
nang siya'y parito at masoc na
cagyat
sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad
nang caniyang
budhi at loob na in~gat.
Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan
hangan sa sinapit at cusang
nacamtan
ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral
sa "artes"
nahayág ang siyang pan~galan.
Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin
gumising sa caniyang puso
ang tun~guhin
yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing
sa
"eclesiásticong carrerang" mahinhin.
At hindi na niya tinuloy na lubós
"carrerang derechong" sinisintang
puspus
nang m~ga magulang, ang cusang sinunod
ang buco nang
dibdib gumising sa loob.
Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan
Teologiang mahal sa isang
maalam
na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan
na hindi nalaon ay
naguing Cardenal.
Dito na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.