ninyó n~g boong in~gat ang tan~gi
kong hiyás, ang minúmutyâ kong sinsing, upang huwág maágaw sa
akin n~g m~ga kaaway. Isauli lamang kay Liwaywáy, sakalìng siyá'y
matagpûán.
--Huwág na kayóng makilaban--ang amuki ko--mahál na katoto,
pagkâ't kayó'y malubhâ at matitiyák kong dî ka pô aanhin n~g m~ga
kaaway sa kalagayang iyán.
--Hindî maáari--ang mapusok na sagót sa akin--lahát n~g kawal na may
dan~gal, ay dapat mamatáy muna, bago sumukò sa kanyáng kalaban.
Tumakbó ka pô't aytó na silá.
Dî n~gâ naman nagkabulà at sa isáng kisáp-matá'y pinaputukán kamí
n~g m~ga americano at agád parang pinutakti ang aming bahay sa tamà
n~g punlô na lusót-lusutan sa lahat n~g dako. Itinulak akó ni Pusò at
siyá'y naláglagán n~g isáng paták na luhà sa pagiinit, n~g mákitang
ayaw ko siyáng iwan at anyá:
--Lumákad ka pô, kapatíd ko at iligtá ang singsing na lábis kong
minámahál.
Sa gayó'y tumakbó akóng dalá ang singsíng at kamuntî na akóng abútin
n~g isáng americanong kábayúhán, kundî n~g mákita ni Pusò na akó,y
hináhabol ay agád siyáng pinaputukán at noón di'y patáy na nahulog sa
kabayo ang americano.
Kinubkób n~g m~ga kaaway ang bahay na kinároroonán ni Pusò at n~g
akó'y makalayô na sa katamtamang agwát sa loób n~g isáng masukal
na tálahibán, ay nákita kong marami pang nápatáy si Pusò, palibhasà't
may mabuti siyáng panudlâ at sa bawa't punlô n~g kanyáng revolver ay
isáng americanong patáy ó sugatáng malúbhâ ang kapalít.
N~gunì't sa wakás ay tinamàan naman siyá at nátanawán kong nahulog
na parang patáy.
Nang walâ náng sumásagót sa putók n~g m~ga americano ay
dumaluhong na silá't tinalón ang bahay at doón nákita si Pusò na
walâng malay-táo, n~gunì't huminhingá pa n~g kauntî.
Malakí ang pagkámanghâ at pagpuri n~g m~ga americano sa kanyáng
katapan~gan, palibhasà, gayóng butó't balát na lamang ay lumaban pa
sa lalòng kabayanihan.
Hinubarán si Pusò upang siyasatin ang kanyáng m~ga súgat at n~g
mákitang siya'y Coronel ay sinikap na linanggás n~g main~gat ang
bago at m~ga dáti niyáng súgat at sakà ginamót.
Sa liblíb na aking kinátatagùan ay nagdaán ang dalawáng makabebe na
kasama n~g m~ga americano, at aking nápakinggán sa kanilá ang
sumúsunód na salitân.
UNANG MAKABEBE:--Itó ang "nunò" n~g tápang. ¿Sino ang
mag-áakalàng, makamatáy pa n~g walóng americano, ang Coronel na
itóng halos ay naghíhin~galô na lamang?
IKALAWÁNG MAKABEBE:--Sinasabi n~g americanong
manggagámot na kun sa m~ga súgat daw lamang uy maáari pa siyáng
mabúhay, pagkâ't ang punlô'y hindî naman nakasirà n~g m~ga sangkáp
na mahahalagá sa loób n~g katawán; n~guni, may kahirapan daw
siyáng iligtás dahil sa lubhâng kakulan~gan n~g dugô, kayâ nawáwalâ
tulóy ang pag-asa dahil sa kahinàan n~g katawán.
Inakalà kong nákaramdám mandín ang m~ga makabebe na may táo sa
aking kinalalagyáng liblíb, kayâ agád akóng tumalilís at nagtatakbó
n~g walâng tígil, hanggan sa isáng náyong malapit sa Baluarte; at
matápus ang walâng lagót na takbó ay dumatíng akó sa Gapáng
kinabukasan, n~guni't patay na halos sa pagkagútom, sa pagkasindák at
sa pagkapágod.
Tumawag akó sa unang bahay na aking natagpûán at magiliw namán
akóng tinanggáp n~g málaman nilá ang nangyari sa akin, na nakatákas
lamang akó sa m~ga americano. Bahagyâ na akóng makapagsalitâ dalá
n~g malaking panghihinà at ni ang pan~galan n~g bayani't matapang na
Pusò ay di ko ná nábanggit man lamang.
Isáng matandâng babai na nag-n~gan~galang Edeng na lagìng may
púgong na pañô sa úlo, paris n~g ugaling kataglayan n~g matatandâng
babai sa lupàing itó, ang siyáng nan~gan~ga siwà sa aking pagkain at
sa ilán pang m~ga kailan~gan; n~guni't kun minsán, akó'y nayáyamót
sa matandâng itó dahil sa tuwî náng káu-usisà sa akin n~g tungkól sa
m~ga balità n~g labanán; at lahát halos n~g m~ga pinunò ay
itinátanóng sa akin kun saán dapat mákita. Akó namán na talagáng
mayayamutin ay agad sumásagót na walâ akóng nalalaman at lalò ko
pang sinásadyâ, pagkâ't kun minsan ay hinihinalà kong bakâ isáng
tiktík n~g m~ga americano. Pagkatapus n~g m~ga iláng tanóng niyá sa
akin, tuwî na'y nahuhulog sa pagsisiyasat n~g kun saán pumuntá ang
m~ga kawal n~g balitàng si Pusò. At sinásagót ko naman n~g:
"Aywán."
Sa gayó'y tumútugón ang matandâng Edeng na anyá'y:
--Parang linamon n~g lupà si Pusò; marahîl ay namatáy ná, kayà walâ
náng mábalità sa kanyá, pagkâ't noóng siyá'y buháy, araw-araw ay
napag-úusapan ang mahigpît niyáng panglulusob sa m~ga pulutóng
n~g kaaway.
--Aywán kó pô, aywan ko--ang lagi kong sagót. At sa sarili ko'y
nasasabing:
--Datihan ang tiktík na itó. Marahil ay makaligtás sa pagkálibing n~g
buháy.
Isáng araw ay isinoót ko ang singsing n~g aking katoto at bahagyâ pa
lamang namasdán ni matatandang Edeng ay hinawakang
nan~gán~gatál ang aking kamáy, tiningnáng mabuti ang singsing at
nápaiyák. Akó'y nagtaká at aking tinanóng:
--¿Bakit pô?
--¡Taksíl na táo!--ang sagot na humahagulgól--Ikáw pô palá ang
pumatáy sa kulang palad kong si Pusò at n~gayó'y nagkukunwarî pa
kayóng waláng namamalayan sa kanyá. Sábi ko na n~ga ba't sa mulâ
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.