pa'y kumúkutób na sa aking loób na ang táong itó'y may kinalaman kay
Pusò ko.
--Ikáw pô ba'y anó ni Coronel Pusò? ¿Kayó pô ba'y ina sakali?
--Opò. Kayâ n~gâ ipinamámanhík ko sa inyóng sabihin lamang agád sa
akin ang nangyari sa hirang kong bunsô.
--Totoó't kinusà ko pô ang pa-ewan sa inyo pagkâ't hinihinalà kong
kayó'y isáng tiktík n~g m~ga americano; alám na ninyóng kun minsán
ay m~ga babai ang ginágamit nilá sa tungkuling itó, at si Pusò'y para
kong kapatid, katunayan, n~g kamí'y maghiwaláy at n~g siyá'y
humándâ sa pakikilaban n~g walâ anománg pag-asàng mabúhay pa,
ibinigáy sa akin ang kanyáng pinakamúmutyâng singsíng upang isaulì
ko sa may ari.
--¿Siyá pô ba'y buháy pa ó patáy ná?
--Dî ko pô masabi, pagkâ't dinampót na parang patáy n~g m~ga
americano; n~guni't n~g matapus ay sinasabi niláng alinsunod sa
manggagámot, kun dahil daw lamang sa kanyáng m~ga súgat ay maáari
pang mabúhay, palibhasà't hindî sumirà n~g m~ga bahaging maselan sa
loób n~g katawán; n~guni't na sa kahangganan daw ang kanyáng
panghihiná.
--¿At saán naroón n~gayón?
--Iniwan ko pô sa dákong Sibul na ináalagàan n~g m~ga americanong
nakábihag sa kanyá.
--Kun gayó'y ibigáy na ninyó sa akin ang singsíng.
--Patawarin mo pô akô. Mahigpit na lubhâ ang bilin sa akin at kahit
kayó ang kanyáng iná'y dî ko pô maipagkakaloób sa inyó, kundî sa
túnay na may ari; at siyá ma'y kinakailan~gang sabihin muna sa akin
ang pagkákakilanlán.
--¿At anó ang palátandâan?
--Sa pan~galan niyá. Hanggá n~gayón, akó'y inyóng patatawarin, hindî
pa lubós ang paniwalà ko sa inyó; akó'y iyó pong náhuli sa biglâan at
dahil lamang sa pagkatutóp kayâ nagsabi sa inyó n~g totoó.
--Huwag kayóng mag-isip sa akin n~g masamâ--ang sagót n~g
nahahapis na matandâ. Ang pan~galang inyóng hinahanap ay ...
¡Liwaywáy!
--¡Iyán n~ga pô!
--¡LIWAYWAY! Iyán ang naging kapahamakán n~g aking kulang
palad na anák.
--¡Totoó n~gà pô! At kundî dahil sa kanyá ay dî hinanap ni Pusò sa
lubós na kawalâng pag-asa ang kamatayan sa parang n~g labanán. Tila
pô parating siyá'y nagpápatiwakál ... Súkat na pô. Kung túnay na kayó
ang iná n~g Coronel ay dî dapat siyasatin pang lahát ang lihim n~g
aking kaibigan, upang huwág ka pông malunod sa kadalamhatian ...
¡Liwayway! ¡Oh, walâng awàng Liwayway!
At, nagkahalò ang aming luhà n~g kapús-palad na iná.
VI.
Nang mahimásmasán ang aming m~ga pag-iyák ay sinabi sa akin ni
matandâng Edeng:
--Súkat ná, mahál kong anák; akó'y mayroóng kauntîng salapî na ating
mábabaon. Ating hanapin si Pusò at siyá'y alagàan upang mabúhay pa
kun itutulot n~g maawàing Maykapál. Kun sa m~ga americano lamang
natin siya iáasa ay mahirap, pagkâ't marami rin namán siláng
gagawàing ináatupag.
--Tayo na pô--aní ko.
At matapus ihandâ ang kauntîng abúbot na aming dadalhín ay lumakad
kamí.
Nang may isáng linggó na kamíng naglálakád ay natagpúan din namin
si Pusò sa isáng bahay-gamútan sa Maynilà. Ipinakilala ko sa m~ga
americano na si matandàng Edeng ay siyáng iná n~g Coronel at
hinilíng naming ipahintulot nilá na aming maalagàan si Pusò doón din
sa báhay-gamútang yaón; bagay na ipinayag namang malwág n~g
m~ga americano, at hanggan sa kami'y binigyán pa n~g mátutulugan at
pagkain, n~g maunawàng kamí'y nanggaling sa malayòng bayan.
Si Pusò'y hindî pa nakakákilala n~g táo; nahihibáng at madalás
mábanggít ang n~galan ni Liwaywáy ó ang n~galan ko; n~guni't isáng
bagay na kaibá: kaylán ma'y hindî nábanggít ang sa kanyáng iná.
Ang malápot na sabáw n~g m~ga americano at ang bisàng tambin~gan
n~g kaniláng m~ga gamót; ay madalîng tumaláb sa m~ga sangkáp n~g
katawán ni Pusò; at dî nagluwát ay pinagsaulan siyá n~g isip. Dî siyá
nágúlat n~g akó'y mákita pagkâ't akalà niyá marahil ay dî kamí
nagkákahiwaláy at hindî siyá bihag n~g m~ga americano.
Ang kanyáng iná'y dî napakikita at kun natútulog lamang si Coronel
Pusò sakâ lumálapit upang huwág daw mabiglâ sa pagkatuwâ.
N~guni, isáng gabí, n~g mákita kong dî ná makikilos ang kanyáng
paggaling at ligtás ná ang kalagayan, sinabi kong dumating ang
kanyang iná.
Si Pusò'y nag-alan~gan sa una at sakâ nagsalità n~g lubhâng malakí
ang pagtataká:
--¿Anó ang sinabi ninyó katoto? Walâ akóng iná ni amá at matagál
náng panahóng akó'y naulila. ¿Nanánaginip kayâ akó?
--Hindî, katoto; nariyán sa labás ang matandáng Edeng na nagsasabing
ikáw pô'y kanyáng anák; at lubós nagdadalamhati dahil sa ginawà sa
inyó ni Liwayway, n~guni't n~gayó'y walâng pagkásiyahán ang tuwâ
dahil sa inyóng paggalíng.
--¿Edeng? ... Hindî ko man lamang naáalala ang pan~galang iyán.
--Dî maáari. Siyá ang nagpumilit na kami'y parito't kayó'y paghanapin;
siyá ang nagdúkot sa lahát n~g gugol n~g aming paglalakbáy at sa
mulâ-mulâ pa'y siyá na rin ang aking kasama't katulong sa pag-aalagà
sa inyó.
--¡Malakíng kababalaghán ó pagkahibáng ang ganitó! ¿At bakit siyá'y
dî ko nákita minsán man lamang?
--Pagkâ't kusàng nagtatagò pag-kayó'y gisíng upang anyá'y huwág
kayóng mabinat sa biglâng pagkatuwâ; n~guni't siyá ang nag-iinit at
naghahándâ
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.