kaniláng kahigpítan ang huwág n~gâng makipag-usap n~g sa
pag-ibig ang anák na dalaga kun na sa haráp nilá; n~gunì, palibhasà ang
m~ga bagay na itó'y hindî maáarìng sansalàin kahit anóng gawín, kayâ
pumapayag tulóy ang dalaga na makipag-usap na mag-isá sa kanyáng
mangliligaw n~g sa m~ga hating gabí, at sa dilím, bagay na siyang
madalás ikápahamak n~g kapús-palad na babai, at sino ma'y walâng
may kasalanan sa gayóng katiwalîan kundî ang m~ga malî nating ugalì
sa bagay na itó.
Isáng araw na akó'y nakikipag-usap sa isáng dalaga n~g m~ga bagay na
waláng kabuluhán, anó ba't napagitnâ sa amin ang isáng batàng laláki
upang mápakinggán ang aming salitâan; sa gayó'y agád akóng umalîs at
sinabi ko sa matandâng babaing may bahay na akó'y bábalik kun
kaylán mawalâ ang m~ga ugalìng nábabagay lamang sa m~ga igurót at
hindî sa m~ga táong mulát sa kabihasnán.
Ang _Dalagang Mármol_, kailan ma'y hindî nánalís sa m~ga
halamanan n~g kanyáng kawiliwiling bayan, kayâ namán parang ibong
gúbat na mailáp.
--Dapwâ't alalahanin ninyó, bayani--ang giit ko--na ang m~ga ibong
gúbat ang siyáng lalòng masaráp kanin marin~gal masdán at siyáng
kahanapán n~g m~ga táo dahil sa kailapán nilá; paris din namán n~g
m~ga bun~gang kahoy na pag-masaráp ay mahirap kitàin, at sino man
ay ayaw kumain n~g pagkaing lamás.
--Siyáng totoó--ang sagót ni Pusò--n~gunì, ang ugalì ni Liwayway at
ugalì ko ay magkaibá: kami'y nagkásumáng at kun minsa'y
nagkákabanggâng kusà. Gayón man, untî-untî kong nahinayod sa
kalakìhan n~g aking pag-ibig. Siyá'y hindî na n~gayón yaóng
_Dalagang Mármol_ ó isáng halamang bundók na may lasang
masakláp, kundî isáng bulaklák na mainam at masamyó, ó isáng
kalapating púnay na maamò na ulóg sa tamís umibig.
N~guni, ¡oh sa abâ n~g aking sawîng kapalaran! Ang matandâng
babaing nag-áalagà sa kanyá ay nag-isip sa akin n~g masamâ; pará
bagáng mangyáyari na ang isáng lalaking nínibig n~g maálab at sa
boóng pagtatapát ay makagágáwâ n~g isâng gawîng hindî marapat ó
isáng kaliluhán sa kadakilàan n~g kanyá pa namáng sinásambá n~g
taós sa kalooban. Inakalà marahil n~g tampalasang matandà na akó'y
kabílang n~g m~ga ibáng táong kanyáng nákilala na may ugalìng
magaspáng at walâng dan~gál.
At, ang ginawâ'y itinákas si Liwáyway sa isáng bayang dî ko alám
upang ipakasál sa ibá. Pinagpilitan kong siyá'y hanapin, n~guni't dî ko
natagpûán, at alinsunod sa nábalitàán kó'y malayò ná ang kinaróroonán
at dî sasalang n~gayó'y kasál ná sa ibá, pagkâ't dî maáaring madalá n~g
matandâ si Liwayway n~g dî itó kasabwát sa pagtataksíl sa
kahabághabág kong pusò.
Dî rin namán akó makasunód sa kanyá sa totoóng malayò, palibhasà'y
dî ko maiwan ang aking m~ga kawal dahil sa kapansanang pakikilaban
araw-araw sa kaaway na dî kamí iníiwan magíng araw at gabí; at sa
wakás, aytó n~gâ akó't namámatáy.
Pinulasán n~g luhàng mapaít ang bayani, at sa gayó'y kinusà kong
liban~gín.
At sa ibáng sandalî, aní Pusò sa akin:
--Kun sa isáng pagkakataón at mátagpûán ninyó si Liwaywáy, ay
sabihin lamang sa kanyá na kahit siya'y naglilo sa akin ay pinatátawad
ko rin n~g dî nagbabago ang aking pag-ibig sa kanyá at akó'y pápanaw
na binábanggit ang kanyáng matamís na pan~galan. At kun inyóng
máhalatàng nakagigising ó mulîng nabubûhay sa larawang _mármol_
ang anománg magiliw na pagtin~gin sa akin, anyayahan mo pô at siya'y
tulun~gang hukayin ang aking bangkáy at hanapin ang singsing ko,
upang maisaoli. Marahil kahit naging lupà ná ang aking kaabâabâng
m~ga butó't lamán ay sisigáw pa rin akó at sasabíhing:
--¡Liwaywáy, matamís kong Liwaywáy! ¡Alalahanin mo ang iyóng
isinumpâ sa akin, n~g ipagkaloób mo ang iyóng dî malilimot na
singsíng, na, anímo'y patayin kitá kun umibig sa ibá!
Mulîng naták na namán ang masakláp na luhà n~g kahabághabág na
bayani na waring ibig náng panawan n~g mahalagáng búhay, n~gunì't
sa bisà n~g eter ay amin díng nahimasmasán pá.
Ang singsing na sinasabi ay gintòng linubid na wan~gis sa karaniwang
gamitin n~g m~ga dalagang Bulakán. Tiyák na sinasabing natataliàn
n~g m~ga diwatàng Bulakán ang pusò n~g kaniláng m~ga kasintahan,
n~g sa kailán ma'y dî na maáaring siràin, sa pamamagitan n~g singsíng
na iyáng linubid na sadyâ n~g tibay.
Tungkól kay Liwayway, naunawà ko sa hulí na ikinasál sa isáng
americano, alinsunod sa pahayag n~g isáng táong nakakita; at n~g
matapus ay nagsiyao raw silá sa isáng lalawigang malayò. N~guni,
ipinaglihim ko ang bagay na itó sa kapús-palad kong kaibigan.
V.
Isáng araw na akó'y nakikipagsalitâan kay Pusò na tila untî-untî náng
gumágaling, karaka'y naghiyawan ang m~ga táo na kamí'y linúlusob
n~g m~ga kábayuháng americano, at sunód dito ang isáng
kasindák-sindák na pútukan.
Agád-agád na inabót ni Pusò ang kanyáng revolver at ang wikà sa akin:
--¡Madali! Ilapit ninyó ang aking hinihigán sa tapát n~g bútas na iyón
n~g dinding at ikanlóng mo pô akó sa haligi. At, n~gayó'y dumating ná,
kapatíd ko, ang oras na aking maitátakal n~g mahál ang búhay na itóng
walâng kabuluhán. Aytó, itagò
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.