Ang Singsing nang Dalagang Marmol | Page 6

Isabelo de los Reyes
ang mamatáy kay sa mabúhay n~g walâng ináasahan.
Hindî rin sumagót ang _Dalagang Mármol_ ni nabago ang kanyáng
mukhâ: túlad na mistula sa _mármol ó hielo_; n~guni't marubdób ang
pag-áalagà niyá sa akin, at umaga't hápon ay hináhandugán akó n~g
magaganda't sariwàng bulaklák na pitás sa kanyáng marilág na
halamanan.
Ganyáng talagá ang lahát n~g dalagang tagalog na nátatan~gi sa
kaniláng likás na kahinhinan at samantalang mahihirap mapasogót ay
lalò namáng nagliliyáb ang ating pag-ibig sa kanilá.
N~guni, ¡ay! Ang _hielo'y_ untî-untîng natutunaw ná at ang larawang
_mármol_, parang hiwagà'y nagkákaroón n~g búhay at kasiglahán at
nagiging mairugíng kasintahan n~g dî niyá námamatyagán man
lamang.
Kaylán ma'y hindî ipinagtapát sa akin na iníibig niyá akó; n~guni't
isáng araw na akó'y dinalaw n~g m~ga pinunò n~g aming hukbó,
silásilá'y nagpápainamán n~g pag-garà kay Liwayway, at siyá,
malayòng lisanin ang gayón ay masayáng nakikipag-usap sa kanilá.
Ang ganitó'y sumúgat sa lalóng kalaliman n~g aking pusò, palibhasà
kaylán ma'y dî siyá nagpamalas sa akin n~g gayóng pagkatuwà.
N~guni, dî akó nagpahalatâ at gayón pa man, sa masíd ay parang
ikinalilibáng ko rin ang katuwàan nila.
Nang makaalis ang m~ga panauhin, lumapit sa akin si Liwaywáy upang
akó'y gamutín, n~guni sinabi ko sa kanyá n~g mabuti ang aking mukhâ
at sa lubós na paggalang, na magágamót ko náng magisá ang aking
m~ga súgat, pagkâ't akó'y malakás ná.
Siyá'y nagpumilit; n~guni't dî ko pinayagan.
--¿Sumukal ba ang inyóng loób sa akin?--ang tanóng niyá na aking
sinagot namán n~g:
Walâ akóng kapangyarihang magalit sa inyó, Liwayway; n~guni't
nakasúgat n~g malubhâ sa akin ang kasayahang isinalubong ninyó sa
m~ga binatàng pinunò, pagkâ't sa akin, kaylán ma'y dî mo pô náipakita
ang mahál ninyóng pagtawa.
--¡Nakú! ¿at dahil lámang diyán?
--¿Lámang ang sábi ninyó? Dapat mo póng mabatíd, Liwayway, na
túnay akóng nasaktan; at saksí ko ang Diós: ibig ko pang mamatáy
n~gayón din--ang náisigáw ko n~g dî na naaring ipagkunwarî pang

itagò ang aking dinaramdám.
--¿At kun akó na lamang ba ang inyóng patayín, yamang akó ang
tan~ging nagkasala?--ang mairog niyang tugón sa akin.
--¿At sino akong papatáy kun ganitóng walâng-walâ akóng
kapangyarihan sa inyó?
--¡Ah totoó n~gâ palá! Upang magkaroón n~g kapanyarihang iyán ay
tanggapin ninyó n~gayón ang marálitâng singsíng na itó: Siyá ang
inyóng kagatin at sa kanyá ibuntó ang inyóng malabis na gálit--ang
sinabi niyá at saká nagtawá.
Agád akóng nákaramdam n~g isáng katuwaáng hindî masáyod. Natulad
akó sa isáng bin~gíng nagkaroón n~g pakiníg ó sa bulág na biglâng
pinagsaulan n~g pani~gin. Hinabol ko upang hagkán ang _Dalagang
Mármol_ na karaka'y nagíng palabirô at kawiliwiling diwatà. N~guni't
dî ko ná siyá inábot at walâng naiwan sa akin kundî ang kanyáng
sinsíng.
Nang makalipas ang may isáng oras ay dinalhan akó ni Liwayway n~g
pagkain. N~guni, walâ na sa kanyáng maalindóg na mukhâ, ni bakás
man lamang n~g pagtawa kanina, at sinabi sa akin na parang galít:
--Kaylán man, huwág ninyó akóng pan~gán~gahasáng hagkán, at kun
hindî, tayó'y totohanang magkákagalit. Akíng ipinan~gan~gakò sa inyó
at kayó'y pináhihintulutang akó'y patayin kun márapatang umibig sa ibá.
At mulà n~gayó'y manahimik ka pô.
¡Ang katuwàan ko'y dî maipagsaysáy! Madaling sumulong ang aking
paggalíng, palibhasà, laging naaalalang akó'y Coronel ná at
maidaragdág pang akó'y mag-aasawa sa lalóng magandáng diwatà na
nanggaling sa makapangyarihang kamáy n~g kábanalbanalang
Lumikhà n~g Sangkatauhan.
Datapuwa't matigás n~g kaunti ang úlo ni Liwayway. Aywan ko kun
sapagká't hindî pa nararatihan sa m~ga láyaw n~g pagibig, kayâ ang
nangyayari'y madalás kaming magkaroón n~g m~ga alitan; n~guni't
paglalòng mahigpit ang aming pagkakáalít ay lalò rin namáng
humihigpít ang m~ga buhól na nakatatali sa aming pagsisintahan; at
bukód sa rito, totoóng nápakatamis at dî masayod na kaluguran ang
umáapaw sa aming m~ga kalulwáng nagkakasintahan, pagkami'y
kusàng nagkakahin~gian n~g tawad.
Mangyari'y sa París akó lumakí at doón ko kinámihasnáng mákita ang
malayáng pagsisintahan na dî ikinúkubli at lalò pa ang ikahiya, at

siyáng totoó, na ang m~ga pagsisintahan ay isáng bagay na katutubo sa
babai't lalaki, kayâ dî ko mákita ang matwíd kun bakit ang gayó'y ating
ikahihiyâ.
Doó'y dî n~ga ikinahihiyâ ó itinatagò ang pagmamahalan n~g dalawáng
pusòng nagsisíntahan, at ang kadalasán, sa m~ga lansan~ga'y makikita
ninyóng naghahalikan ang isáng laláki't isáng babai, n~g sino ma'y
hindî nagtataká; pagkâ't doón, ang halik ay halos parang isáng
pagkakamáy lamang n~g dalawáng magkatotong nagmamahalan.
N~guni, dito sa boóng Kapilipinasan ay lubhâng nakamúmuhî ang
iláng palakad sa m~ga bagay na itó, pagkâ't ibinabawal n~g m~ga
magulang sa m~ga anak nilang dalaga ang pakikipag-usap n~g tungkól
sa pag-ibig sa isáng laláking may nasàng lumigaw.
At mayroón pang lubhâng pan~git na ináasal ang matatandâng babai,
paris n~g kun pinapagbabantáy sa gitnâ n~g isáng dalaga't bagong
táong nag-uusap ang isáng batà, upang huwag siláng makapagsalitâan
n~g tungkól sa pagsintá; gayóng isáng sulyáp lamang ay madalás pang
nagiging makabuluhán kaysá mahabàng pagsasaysáy n~g pag-ibig. ¿At
anó ang malimit mápalâ sa ganitô? Na, tinatamó n~g matatandâng
babai sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.