Ang Singsing nang Dalagang Marmol | Page 5

Isabelo de los Reyes
sa kaaway na dî nakahandâ; at dahil sa m~ga kagagawáng
itó, malakí ang kanyáng nápulô noóng labanán sa kastilà, hanggán sa
naratíng niyá ang magíng Pang-ulo n~g m~ga general na
naghíhimagsík.
Ang katotohana'y dî n~gâ dapat makilaban n~g mukhâán sa isáng
kaaway na may sapát na lakás at nakahíhigít sa lahát n~g bagay, at
walâ n~gâng dapat gawín kundî daanin sa paraáng ikabibiglâ at sa
m~ga pagtambáng.
Ang m~ga americano'y nan~gakaratíng ná sa Malolos, at kinalatan nilá
n~g m~ga pulutóng na tánod ang lahát n~g himpilan n~g tren sa
Bulakán at pinagsisikapang máitaboy si General Luna sa kabilâng dáko
n~g ilog Kalumpít.
Sa gayó'y náisip naman ni Aguinaldong dukutin ang m~ga pulutóng na
nagtatanod sa m~ga himpilan n~g tren sa Bigaá, Bukawe at Mariláw; at
isáng gabí ay pinalakad ang m~ga kawal na lúlusob at pati siyà'y

dumaló búhat sa San Rafael, upang pamahalàan ang pagsalakay.
Ang paraán ni Aguinaldo'y pinalad. Sa lubós na pagkabiglà n~g m~ga
americano dahil sa dî nilá ináasahang kapan~gahasan n~g m~ga
tagalog, agád siláng nagsitakbó't nagtipon sa Guiguintô at ang iba'y sa
dákong Maynilà, datapwâ't sa pag-urong ay marami ang nápatáy n~g
m~ga tagalog; at sana'y mádadakíp na lahát kun nátanggáp lamang ni
General Luna ang pautos ni Aguinaldo at nakadaló siyá n~g kasalsalan
n~g labanán. Gayón man nakúha rin namin ang lahát-lahát na lamán
n~g tatlóng Himpilang násabi.
Alám na ninyóng m~ga tagarito na akó ang lalòng ipinagdíwang sa
gayóng pagtatagumpáy namin, pagkâ't kundî lamang dahil sa akó ang
siyáng namayaning agád dumaluhong at nakalupig sa m~ga kaaway,
kundî pagkâ't dahil din naman sa aking mabisàng pagdaló ay
nagtagumpáy rin ang m~ga pulutóng na pinalúsob sa ibá't ibáng poók.
N~guni't sa labanáng itó'y mulî akóng nasugatan n~g malubhâ, kayâ
ginawâ akóng Coronel ni Aguinaldo at ipinadalá akó sa bayang
Baliwag upang ipagamót, palibhasà'y para akóng patáy n~g damputín
sa párang n~g labanán.
Nang magsimulâ akó sa paggalíng at idilat ang aking m~ga matá, akalà
ko ba'y nahíhibáng akó, nan~gan~garap ó nápaakyát sa lan~git, pagkâ't
námasdáng hindî ibá ang nag-áalagà sa akin kundî ang kawiliwiling
dalaga na nagpaalab sa payapà kong pusò n~g isáng parang Volcáng
pag-ibig.
Kusà akóng nápasigáw agád at buntóng hinin~gá kong sinabi ang:
--¡Liwayway! ¡Liwayway! ¿Ikáw n~gâ pô ba ang matamís kong
Liwayway?
--Opò--sagót n~g _Dalagang Marmol_--n~guni't huwág kayóng
magsalitâ, pagkâ't ibinabawal n~g manggagamot.
--Bayàan ná ninyó, at kahìt mamatáy man akó n~gayó'y mámatamisín
ko rín, pagkâ't sa pilin~g mo pô pápanaw ang búhay kong walâng
kabuluhán.
--Huwág pô--aní Liwayway--Ikáw pô'y lubhâng batà pa at gayón ma'y
Coronel ná at marami n~g kapuriháng tinamó sa pagtatagumpáy.
Aalagàan naming mabuti ang mahalagá ninyóng búhay na lubháng
kailan~gan pa n~g ating kaawà-awàng Bayan.
--Nakawáwalâ n~g pag-asa ko, Liwaywáy, ang máriníg sa inyó na
akó'y iyó pô lamang ináalagàan at ginagamót upang maipagtanggól ko

ang ating tinubùan. Nais ko ang maglingkód sa kagalang-gálang nating
Ináng bayan, n~guni, han~gád kong mabúhay namán upang ikaw pô,
aking kayamanan ay siyáng magpalasáp sa akin n~g m~ga katamisan
n~g pag-ibig.
--Maghunos dilì ka pô, ginoóng _Coronel_--ang sagót niyá sa aking
may kalamigán n~g isáng _mármol_--tila yatà pan~git na ikáw pông
hindî napasukò n~g malalakás na americano, n~gayó'y magiging bihag
lamang n~g isáng dukhàng babai, n~gayón pa namán sa m~ga dakilàng
sandalî na lubhâng kinakailan~gan n~g ating Bayan ang iyó pòng talino
at lakás.
--Dî ko kailan~gan turúan mo pô akó n~g tungkól sa pag-ibig sa lupàng
tinubùan; n~guni't ikáw pô at ang inyóng kataká-takáng kagandahan ay
bahagi rin namán n~g Bayang iyán. Ang kátamis-tamisang pag-ibig
ninyóng m~ga dalagang kababayan, ay siyáng tan~ging
nápakamahalagáng gantíng palà na ináantáy naming kamtán sa likód
n~g lubhàng pagsisikap sa pagtatanggól n~g ating bayan, kahit
puhunanin ang aming búhay.
Hindi tumugón ang _Dalagang Mármol_; kumuha n~g isáng mangkók
na sabáw at ipinainóm sa akin na para bagang dî niyá nápansín ang
m~ga sinabi ko.
Sa gayó'y aking binalikán ang paglúhog at ani ko:
--Aking nakikita Liwayway, na walâng pakiramdám, na kúlang akóng
lubós sa m~ga karapatán upang ihandóg sa inyó ang marálitâ kong pusò.
Gayón man, marapatin ninyóng sagutín lamang ang aking itinátanóng
upang maawasán ang aking dibdíb sa isáng pag-áalinlan~gang totoóng
nápakabigát.
--¿At anó pô iyón--aní Liwayway.
--Ipagtapát mo pô lamang sa akin kun mayroón nang lalaking lalòng
mapalad na siyáng nag-íin~gat sa susi n~g dakila ninyóng pusò.
--Walâ pô. Kaylán ma'y dî ko pa ginágawâ ang umibig dahil sa aking
lubhâng kabatàan. At ináakalà ko na kaylán ma'y dî ko ná marárating
ang umibig, palibhasà'y walàng tumataláb sa aking damdamin sa m~ga
pagsintáng isinusuyò n~g m~ga binatà.
Ganyán dî pô ang akalà ko bago kayó nakilala; masanghayang bulaklák
n~g luwalhating Bulakán, n~guni't n~gayóng násumpun~gán ko ang
lábis na hináhanap ó kayâ'y ang isáng pusòng malinis na walâ pang
iníibig, ¡ay Liwayway! tugunín mo pô akó, alang-álang sa Lumikhâ, at

kun hindî ay huwág na ninyó akóng alagaan pa ni gamutín, palibhasà
nais ko pa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.