sa áyos at sahól sa linálamán; n~guni, marahil sa awà n~g
m~ga táo sa akin dahil sa akalàng akó'y mamámatay na walâng sala sa
dadayuhing labanán, ay kinalugdán din akó't ipinagdíwang kahit dî
karapatdapat.
Nang akó'y manaog sa pinagtalumpatian ay námasdán ko si Liwayway
sa isáng súlok.
Sinasabi sa m~ga Banal na Kasulatan, na ang angel na nákita ni
Magdalena at m~ga kasama sa libin~gan ni Jesus, ay nagníningníng na
parang araw. Gayón din si Liwayway, kumikináng sa kanyáng
kagandahan, katimpîan at kahinhinán na parang bukáng liwaywáy n~g
isáng araw na maligaya.
Sa m~ga sandalîng yaón ay gumiít sa aking puso ang isáng tan~ging
damdamin na dî ko málamang sabihin at kaylán man hanggá noón ay dî
ko pa napagkákabatirán. Ang kanyáng pananamit ay karaniwan,
n~guni't malinis gaya n~g laging isinosoót n~g m~ga babaing bayan; at
nabatíd kong siyá'y isáng ulila na kinúkupkóp lamang n~g isáng
matandâng dalaga. Akó'y nagkaroón n~g magiliw na pagtin~gín sa
kanyá at aking linapita't siya'y binati.
Magiliw namán siyáng sumagót, at dî nalalamang sa aking dibdib ay
nagninin~gas ná ang isáng damdaming marahil ay yaón ang tinatawag
ninyóng pag-ibig.
Matapus ang sandalî sa m~ga salitâan naming walâng kabuluhán ay
sinabi ko sa kanyá:
--Liwayway, ¡oh, himalâng Liwayway sa kagandahan! Akó'y paroroón
ná sa labanán at malapit ang dî ná ninyó akó mákita. Akó'y paris din
ninyó, ulila sa lahát. Kun ang aking hinin~gá'y malagót sa párang n~g
pakikihamok, ay parang isáng muntîng ilaw lamang na pinatáy n~g
han~gin. Sa bagay na itó, ¿maipagkákaloób kayâ ninyó, diwatà n~g
habág, ang mahalagá mo pông pañô upang akó'y may máidampî ó
máitalì sa aking magiging súgat?
--Opò, ginoó--ang magiliw na sagót ni Liwayway at ibinigáy sa akin
yaóng naipakamahalagáng pañô na nakapulupot sa kanyáng leeg na
parang linalik.
Hinagkán ko ang maban~góng pañô at agád kong itinagò sa bulsá sa
aking dibdib.
Napipi ang aking lugód at nasàng paggantíng loób sa kagandahang
pusò ni Liwayway; n~gunì't kulang pa rin ang katuwàa't ikasisiyá kong
loób, pagkâ't bagamán ibinigay ná sa akin ang kanyáng pañô, ay
ipinalalagáy kong parang limós lamang sa kaninomang tagatanggól n~g
tinubùan; datapwà't sa kabilâng dako, nahihiyâ namán akóng
magparamdám agád sa kanyá sa lubós na kadalîán n~g umúunlád kong
pag-ibig, at súkat ang sinabí ko sa kanyáng:
--Maraming salamat, mahabaging Liwayway; at gantihin nawa n~g
Lumikhâ ang pusò mo pông gintô. Lahát n~g aking m~ga kawal ay
may tagláy na kalmen ó antíng-antíng upang máligtás silá sa punlô,
n~guni, ulóg lamáng ang iyó pông lingkód na walà anománg agimat, at
dahil dito, kun parang limós na ibigay ninyó sa akin ang isáng buhók
mo pô na labis kong pinaháhalagahán, ay ikalulugód ko at siyáng
makapagbibigay sa akin n~g tápang at kahihiyán sa dî pagdúrong,
pagkamí'y binabakang mahigpít n~g mayayaman at malalakás nating
kaaway.
Nang máriníg itó ni Liwayway, minasdán akó, namulá n~g bahagya at
dî akó sinagót agád; n~gunì n~g makalipas ang sandalî ay lumagót n~g
isá sa kanyáng mainam na buhók at ibinigáy sa akin n~g malwág sa
kalooban.
--Aytó pô--anyá--Láhat n~g maitutulong ko sa ating m~ga bayani, agád
maáasahan sa akin.
Hinagkán ko ang buhók na aking kaaliwan at sakâ ko binalot sa pañông
itinatagò sa bulsáng na sa tapát n~g dibdib.
Ibig ko pa ring magsalità at buksán ná sanang minsán ang aking pusò
sa linalan~git kong dalaga; n~guni, akó, na kaylán ma'y dî nakakilala
n~g tákot ay nagíng umíd, dalá n~g pan~gingilag na bakâ sabihin
niyáng akó'y isáng mapan~gahás.
Sumakáy ná akó sa aking kabayo at ipinag-utos kong lumakad ná agád
ang aking m~ga kawal at n~g lilisanin ka ná si Liwayway ay inyabót ko
ang aking kamáy at isinalubóng anamán niyá sa akin ang kanyáng
maririkít na dalirì. Di na kó nakapigil at pagdaka'y pinan~gahasan kong
hinagkán ang magandá niyáng kamáy at sakâ ko sinabi n~g ako'y
humihikbî:
--Paalám ná, ¡búhay ko! Kinaí-inggitán kong túnay ang mapalad na
lalaking magkákamit sa nápakamahalagá at dakilà ninyóng pusó.
¿Akalá ba ninyó'y umiyák namán ang _Dalagang Mármol_ n~g akó'y
mákitang híhikbî-hikbî'y lumalakad na tún~go sa pakikilaban at sa
kamatayan? ... ¡Hindî pô! Súkat ang akó'y minasdáng parang siyá'y
námanghâ.
At ang gayó'y nagíng parang isáng tinik na mahayap sa aking pusòng
nahahapis, pagkâ't inasahan kong siyá'y umiibig ná sa ibá. Gayón pa
man, ang pagyao nami'y lubhâng kalagím-lagím at halos lahát n~g
m~ga babai'y nagsi-iyák, tan~gi lamang yaóng diwatàng _Dalagang
Mármol._
III.
Talagáng túnay n~gâng kapuripuri si General Antonio Luna sa m~ga
labanáng lantaran, palibhasà'y tagláy ang katapan~gang dî
pangkaraniwan, at dahil dito'y madalás niyáng maampát ang kabilisán
sa pagsalakay n~g m~ga kawal americano, na may magagalíng na
kañón, baríl, maramíng kabayong malalakí at ibá pang kasangkapang
pawàng kalwagan sa pakikilaban; m~ga bagay na siyáng totoóng
kulang sa amin, sa lubós na kasamâáng palad.
N~guni't sa isáng dako nama'y masasabing si Emilio Aguinaldo'y
talagáng dalubhasà sa m~ga kaisipán at paraán n~g pagtambáng at
panunúbok
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.