Ang Singsing nang Dalagang Marmol | Page 3

Isabelo de los Reyes
sa kanyáng malabis na karálitâán ay
napipilit itakal ang m~ga pinaghunusan n~g kanyáng kahihiyán sa bala
nang mákaibig?
--Sana n~gâ pô; n~guni't ang babai'y talagáng siyáng demonio na ating
kaaway, at úpang huwág nating mákilala ang kaniláng kasukabán ay
ipinamámasid sa atin ang dati niláng mukhâ noóng silá'y isáng _angél_
pa, at sakà nagsosoót n~g barò't sáya.
Si Pusò'y nán~gitî n~g márinig ang masayá kong birò at bago nagsalitâ:
--Hindî, katoto; si Liwayway ko'y dî mangyayaring magíng isáng
demoniong may baró't sáya, kundî isáng diwatàng nagliliwanag sa
kanyang dikit at kahinhinan, Gayón man, ¡oh, pusò! gaánon~g hapdî
n~g súgat na sa iyó'y ipinagkaloób n~g malupít na diwatàng iyan!...
Hindî náituloy ang pagsasalitâ, umiyák at halos nagsimulâ sa
paghihin~galô.

II.

Sumigaw akóng nagpagibík at aming pinagtulúngtulun~gang
hinimasmasán sa pagpapaamóy n~g eter ang kaawà-awàng si Pusó, at
n~g makalipas ang may kalahatîng oras ay nagsaulì sa malay-táo,
n~guni't dî ko na siyá pinayagang bumanggit man lamang sa pan~galan
n~g kanyáng tinatawag _Dalagang Mármol_.
Makalipas ang dalawáng araw at n~g tila siyá bumubuti n~g bahagyâ
ay tinawag akó't anyá:
--Ang aking kunwâng paggalíng na inyóng námamasdán ay hindî
tátagál at di sásalang akó'y mamámatáy rin agád.
--¿Sa kátaón pa naman--aní ko--na n~gayó'y madalî náng sumusúlong
ang inyóng paggaling?
--Iyá'y akalà lamang ninyóng mag-isa, at yamang may natitirá pa akóng
kaunting búhay, n~gayo'y ipatutuloy kong ipahayag sa inyó ang m~ga
kapaitang linalasáp niaríng kalulwá, upang akó'y pautan~gin ninyó n~g
loób na ganapín ang iláng ipagbibilin ko, sakaling mátagpûán ninyó
ang _Dalagang Mármol_.
--¡Mármol na namán! Útang na loób, kapatíd ko, huwág na sana
munang banggitín n~gayón ang pan~galang iyán pagkâ't lúlubhâ ang
iyó pông karamdaman.
--Námamalî ka pô, katoto; lalò akóng bibigát at dî makakátulog sa
pag-áalalang akó'y mamámatay n~g di nalalaman nì Liwayway, na ang
katapusáng pagmumuni ko't buntóng hinin~gá'y sa kanyáng lahát
nátutungkól.
--Ang m~ga babaing parang _mármol_ na may pusòng matigás at
malamíg na parang _hielo_, ay dî karapatdapat makabalino sa ating
pag-iisip, lalònglalò pa sa kalagayang paris n~g înyó.
--Walâ kayóng pagtin~gín sa akin, katoto, kundî pakikinggán ang
ipagbibilin ko--aní Pusò na parang walâ nang pananalig.
At n~g masabi itó'y naták ang luhà. Upang huwág n~g lalòng
magdalamhati pa'y náyag na akóng siyá'y dinggín, bakit talagá rin
namáng malabis ang han~gád kong maunawà ang m~ga lihim n~g
dakilàng pusòng iyón n~g bayani.
--Si Liwayway--aní Pusò--ay naninirahan sa Baliwag sa bayan n~g
m~ga nakawiwiling dalaga. Sa lalawigang itó'y walâ náng ibá pa na
tan~gi sa pagkamagandá n~g kanyáng m~ga binibini kundî ang bayang
iyón.
--Alám ko ná.

--At kun nakabibighanì ang halos lahát n~g babai sa násabing bayan, si
Liwayway ko ang parang hari nilá dahil sa walâng kaparis na
kagandahan. Ang kanyáng mukhà'y nagníningníng na parang araw, at
upang paputîín at pamurukin ang kanyáng m~ga pisn~gí ay pinili n~g
Lumikha ang mababangóng kampupot at alejandría, pinaghalò at doón
kinuha ang kanyáng kúlay, kaya maputîng parang azucena na
nasasapyawán n~g pamumúrok ang balát na parang búlak sa lambót.
Ang buhók ay kúlay gintô at tila sadyâng kinulót n~g maselan na
kamay n~g m~ga diwatà. Mainam at kahilìihilì ang húbog ng ilóng at
pati m~ga tain~ga, sampu n~g dalawáng matáng nan~gun~gusap sa
kapun~gayan; m~ga n~giping parang pinili, malinis at maputîng parang
gáring; babang nakalulugód ang pagkahatì, at ang kanyáng makipot at
mainam na bibig ay tulad sa isáng bulaklák na bagong bumubuká ó sa
isáng bátis n~g matamis na biyayà pagkâ't makitid at namúmulá ang
kanyáng kabighábighaning labi't n~guso at ¡ay! kung mangyayari
sanang aking máhagkáng minsán, marahil ay máraragdagán pa ang
búhay ko!
At sinabi itó n~g may kasamang malalim na buntóng hinin~gá.
--¿Totoó kayâ--ang tanóng ko sa kanyáng tumatawa akó upang
pasiglahín--na kayó'y gágalíng sa isáng matamís na halík ni Liwayway?
--Walâng pagsala, maniwalà kayó sa akin; ngunì, ¡kaawà-awàng pusò
ko! ¡walâ ná ang iyóng Liwayway at dî ko alám kun saán naroón
n~gayón!
--Ihimatón man lamang ninyó sa akin at pagsisikapan ko ang siyá'y
hanapin.
--Huwág na kayong mapágod, pagkâ't dî sásalang siyá'y lubhâng
malayò ná, at isá pa, tiyák na magíging láson sa akin kun malaman ko
pa ang kanyáng kinásapitan.
--¿At bakit?
--Iyán n~gâ ang lihim na kanino ma'y dî ko masasabi at dadalhin ko na
sa húkay. Si Liwayway ay parang isáng makisig at masayáng kulasisi
na nakawiwiling pakinggán pagmasayáng nagsasalitâ at dî nagbubulàan.
Siyá'y balita sa lugód at inam makipag-usap; n~guni't mulà n~g akó'y
kanyáng mákilala'y naparam na biglâ ang kanyáng pagkamasayá;
parang ibong nalaglág sa isáng sumpít at naging larawang _mármol_
n~g pumaták sa lupà.
--¿At ano ang naging sanhi?

--Ang lan~git lamang ang nakatatalós. Isáng araw ay dumatíng kami sa
nábangít náng bayan ni Liwayway. Doó'y tinipon ko sa liwasán ang
pulutóng n~g aking kawal bago kami pasalabanán sa Marilaw, at aking
pinan~gusapan upang silá'y pasiglahín at ipabatid tulóy ang lahát n~g
dapat gawin. Maraming táo ang nanoód at nakinig n~g aking talumpatí
na walâ
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.