Ang Singsing nang Dalagang Marmol | Page 2

Isabelo de los Reyes
napagúusapan at lubós nápupuri dahil sa kanyáng
kabihasnán sa pakikilaban at sa kapusukan sa m~ga pakikipagsagupà;
at sa katotohanan kahit mamámatáy na lamang ay pilit pa niyáng
napaúrong ang malalakas naming m~ga kaaway.
Nang aking matantô ang labis na paglilingkód n~g bayaning itó sa ating
Bayan, ay pinagsikapan kong siyá'y alagàan, bagamán walâ akóng
pananalig na siyá'y maáari pang mabúhay.
N~guni't aywan kun sa kabagsikan n~g bisà n~g tubig sa Sibul, ang
pinunong itó na Pusò ang pan~galan, isang araw ay idinilat ang m~ga
matá at nagsalitâ n~g ganitó:
--Sino ka man pô, maawàíng kapatid na nag-áalagà sa akin, kayó'y
pinasásalamatan ko, at ipinamamanhik sa inyó na huwág mo na pông
lubhâng pagsikapang akó'y agawin sa m~ga kukó n~g kamatayan,
pagkâ't batíd kong dî akó mabubúhay dahil sa aking m~ga súgat, at
lalòng-lalò pa dahil sa kainitan n~g lupàing itó. N~guni't nápakatamis
sa akin ang mamatáy sa paglilingkód sa kapús-palad nating Bayan.
Akó na kaylán ma'y di nakababatid kun paano ang pag-iyák ay kusang
tumulò ang luhà ko't niyakap ang bayaning halos ay naghihingalô at aní
ko:
--Huwág ka pông man~gambá matapang na pinunò pagka't nagsísimulâ
na kayó sa isáng panggaling.
--¿Man~gambá ang sinabi ninyó--ang sagót ni Pusò--Di ko nakikilala
ang pan~gambá ni ang tákot n~guni, kun inyóng mababatíd giliw na
kaibigan ang lihim n~g luntáy-luntáy kong pusò, marahil kayó rin ang
tutúlong dalá n~g inyóng pagkahabág, upang madalîín ang pagkamatáy
ko.
At n~g masábi ang ganitó'y itinuro ang kanyáng singsing sa daliri at

bago nagpatuloy:
--Kaibiga't kapatid; ipinamámanhik ko sa inyóng mangyaring
pag-in~gatan ang singsing na itó pagkamatáy ko, n~g di maalís sa
aking bangkáy at málibing na kasama ko. ¡Ay katoto! Kun inyóng
málalaman ang pinanggalin~gan n~g singsíng na itó....
Hindi itinulóy n~g pinunò ang pagsasalitâ pagkâ't di napigilan ang
kanyáng luhà sa pagkáalala n~g m~ga kapaitang kanyáng linálasáp.
Inalagatâ kong siyá'y kusàng liban~gin at pasiglahin ang loób bago
nagkunwa akóng tumatawa:
--¡Ha, ha, ha! Tila ba dî kayó--aní ko--sanáy sa m~ga pakikitunggali,
palibhasà lubhâ na kayóng nalulunos dahil lamang sa isáng babai.
Aking ipinaáalala sa inyó, mahál na pinunô, na sa gitnà n~g malakíng
sakunâ n~g ating bayan ay di dapat isagunitâ ang bagay na
kasalawahang loób n~g m~ga babai kahit silá'y sakdál n~g gándá.
--Mapalad ka pò, katoto, na sa masíd ay di pa naka lalasáp n~g libong
kapaitan at m~ga lasong natatagò sa pusò n~g isáng babai.
--¡Oh, ginoó! Sa kanilá'y mayroóng masamá at may mabuti rin namán.
At ang tuntunin ko'y náuuwî sa: Madaling pag-ilag sa m~ga may tagláy
na kapintasan at manatili akó sa m~ga mairugin at dî salawahan.
--¿Anó ang sabi ninyó? Sa lagay, mayroón kayâng isáng babai man
lamang na dî balibát ang ulo at dî salawahan?
--Mayroón pô at dî ang lahát ay pawàng kirí ó manglilipad....
--¿Túnay kayà? Kun sa ganáng akin, lagì na akóng nagíng kapús-palad
sa dî pagkakatagpô n~g isáng babaing may ganáp na pagkukurò at íibig
n~g tapát sa akin.
¿Alam mo pô ba kun bakit ang singsíng na itó'y lubhâ kong
mimámahál?
--Huwág na ninyóng ipabatíd pagkâ't iyá'y isusukal lamang n~g iyó
pông kalooban.
--Mabuti n~gâ, katoto, na umagos ang aking luhà at sa gayó'y
maawasán n~g bigá't yaríng dibdib. Makiníg ka pô at isisiwalat ko sa
inyó ang lihim n~g aking pusò.
Sa kaunti kong kabatirán tungkól sa pagkasalawahan n~g m~ga babai,
lalò ang magagandáng maraming nan~gin~gibig, ay dî ko
pinaháhalagaháng gasino mulâ pa sa aking pagkabatà ang ganyáng ásal;
at ang palakad kong itó'y nagíng makabuluhán sa akin, palibhasà, kun
lumalayô ang isáng lalaki ay silá an~g nagsisilapit, at kun ang lalaki'y

nagpapakita n~g katamlayang loób at napagiin~gatang katabayin ang
pag-iisip sa m~ga dahilanin n~g pagibig, ay madalîng makatagpô;
n~gunì, kung ang lalaki'y maging mairugín ay agád kang hihiluhin n~g
m~ga babai at pahihirapang lábis n~g walà muntî mang awà.
--Gayón, palá't batíd mo pô ang lahát n~g iyán, ¿bakit kayó napasilò?
--Akin nan~gâng sinabi, katoto, na kaylán ma'y di akó umibig sa kanilá;
n~guní dalá yatà n~g aking malungkót na kapalaran, isáng araw ay
nápaparito akó sa lalawigang itó n~g KABULAKLAKÁN ó
Bulakán--sa m~ga kastilàng dî mátumpák bumigkás n~g máayos--at sa
isáng maligayang halamanan ay nakita ko si Liwayway na sa
kagandahan ay higít n~g malakí sa balitàng Helena, na dahil sa
pagkatakas sa kanyá sa Paris ay siyáng pinanggalin~gan n~g
kasíndák-sindák na patayan n~g m~ga panahón n~g kabayanihan.
Ang binibining itó'y túnay na tila isáng _Dalagang Mármol_, dî lamang
sa pagkakahawig sa larawan ni Venus na aking nákita sa Museo n~g
Louvre sa París, kundî pagkâ't tila dî nakaráramdam kun minsan.
--Sinabi ko ná sa inyó, na ang kagandahan nilá ay siyáng
nakapagbibigáy n~g kayaban~gan at kakirihán. Masisirà, sa wakás, ang
inyóng isip pag-isasaloób ang libolibo niláng pang-aaglahi.
--N~guni, ¿dî ba dayà ikararagdág pa sa halagá n~g kaniláng m~ga
kagandahang lantád, kun silá'y umibig n~g matibay at huwág parang
isáng babaing nápalungî, na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.