Ang Singsing nang Dalagang
Marmol
The Project Gutenberg EBook of Ang Singsing nang Dalagang Marmol
by Isabelo de los Reyes This eBook is for the use of anyone anywhere
at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it,
give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg
License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Singsing nang Dalagang Marmol
Author: Isabelo de los Reyes
Release Date: February 21, 2005 [EBook #15129]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG
SINGSING NANG DALAGANG MARMOL ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g. Mistakes in the original published work have been
retained in this edition.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga
pagakakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]
=Kathâ ni ISABELO DE LOS REYES=
=ANG SINGSING=
NANG
DALAGANG MARMOL
[Larawan: Isang binibini]
Ó SI
LIWAYWAY NG BALIWAG MGA NANGYARI SA
PAGHIHIMAGSIK Ipinagbibili ng 20 cts. sa daang P. Rada, 467,
Tundo.
[Patalastas: La Concepcion; Sanglaan ni Fausto O. Raimundo]
ANG SINGSING
NANG
DALAGANG MARMOL
Man~ga nangyari sa Paghihimagsik
SINULAT MUNA SA WIKANG TAGALOG N~G
KAGALANGGALANG NA ISABELO DE LOS REYES SA
PAHAYAGÁNG Ang Kapatid ng Bayan, BAGO ISINALIN NIYÁ SA
WIKANG KASTILA SA PINAKA FOLLETIN NANG El Grito del
Pueblo NOONG TAÓNG 1905. SAPAGKÂ'T NAWALÂ ANG
UNANG ORIGINAL, AY MULING SINALIN SA WIKANG
TAGALOG
NI
CARLOS B. RAIMUNDO
MANILA 1912
TIP SANTOS Y BERNAL Ave. Rizal 414 Sta. Cruz
[Larawan: Hon. Isabelo De Los Reyes]
SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG.
_Magandáng Binibini_:
Sa bilang n~g páhayagáng tagalog _Ang Kapatid ng Bayan na nauukol
sa iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalà na
ganitó ang sinasabi:
"Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakà ang mainam na kathà,
(novela) na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay
aming inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng tiktik na ang Dalagang
Marmol ay nanánagisag sa _kapalaran n~g Filipinas_, na bagama't
ngayo'y tila tumatalikód sa kaawà-awà nating bayan, n~guni't sa wakás
ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusò (táong
may malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga tiktik ay
nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwà ó n~g Mithî n~g bayang
tagalog.
"May balità kaming sinalin na raw sa wikàng ingles."
"N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang _Dalagang
Mármol_ ay walâng ibá kundî si binibining Liwayway na tagá Baliwag,
pagkâ't ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang
tumútugón sa m~ga pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing
binibini.
"Talagáng túnay ngâng nakahahangà ang kagandahan n~g dalagang
_Liwayway_, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang
tinútukoy n~g nasabing mánunulat, at ang amin lamang masasabi ay
yumaon na itó sa España. Sa kanyá sana tayo makapagtanóng."
At sa El Grito del Pueblo n~g ika 20 n~g sinabing buwán ay
napalathalà naman, na dalawáng piling Gurô sa pagtugtog ay
nagsikathâ n~g isáng "Tanda de Vals" na kuha sa guní-guní n~g
kaniláng pagkabasa sa kathâng násabi at yaó'y sadyâng sa inyó nilá
ipinatungkól.
Ang m~ga balitàng it'óy nakaguló n~g aking isipan kayà akó humanap
tulóy at nakakita namán sa m~ga natitipon n~g násabing Pahayagán
n~g isáng aklát, na túnay n~gà't matatawag na m~ga nangyari sa
Paghihimaksík natin n~g 1899 ang linálamán, n~guni't kun tátarukín ay
makikitang kahalò ang isáng maliming pagaaral sa mahalagá at
tan~ging ugali n~g ating m~ga kawiliwiling babai; kahit ang anyô ó
ayos sa malayò pa'y naghihimatóng gawâ n~g isáng dakilàng
mánunulat na may lubós kinabatirán sa ating m~ga kasaysayan.
Ilinalahad n~g kathâ, na bagamán parang _mármól ó hielo_ ang
babaing tagalog dalá n~g malaking kahirapan kun ligawan, dapwâ't
kung umibig ay may káya namáng magtiís sa lahát n~g hirap.
Akin n~gang tinagalog, at yamang ikáw pô ang itinuturó n~g inyóng
m~ga kababayan na parang _Dalagang Mármol_, sa gayó'y walâ n~g
ibá pang marapat paghandugán nitóng aking pinagpagalán kundî kayó,
bagamán dì nìnyó kilalá ang aking katauhan.
CARLOS B. RAIMUNDO.
Ang Singsing
Nang Dalagang Marmol
I.
Matapus ang kasindáksindák na labanáng nangyari sa m~ga tagalog at
americano sa Kin~gwá, lalawigan n~g Bulakán, n~g iká 23 n~g Abril
n~g 1899, na siyáng ikinápatáy kay Coronel Stotsenburg, sa Capitán at
ibá pang m~ga kawal americano, kamíng m~ga tagalog naman ay
nagsiurong sa Sibul, at sa isáng bahay-gamutan n~g aming m~ga kawal
ay nátagpuán ko ang isáng matapang na pinunòng tagalog na bahagyâ
náng makagaláw at makapagsalitâ dahil sa marami niyáng súgat.
Malakí ang awà sa kanyá n~g lahát n~g táong nan~garoroón at siyá na
lamang ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.