Ang Mananayaw | Page 5

Rosauro Almario
pa kay sa isáng naglílingkód?
--¿Pinaglílingkurán pô, ang sinabi ninyó?
Umandáp andáp ang pusò ni Sawî at nag-alaalang bakâ siyá ay
nápapabiglâ na ... ngunì't, ¡pag asa at lakás ng loób! Ang napagdaanán
na'y hindî na dapat pagbalikán. ¡Adelante! ang wikà n~gâ ni Golfin sa
Marianela ni Galdós, ¡adelante, siempre adelante!
--Opò--ang patibay n~g walâng kagatólgatól ang dilà--pinaglingkurán
pô, ang aking sinabi.
--¡Pinaglingkurán pô akó! at ¿nino pô?
--A ... a ... akó pô.
Si Pati ay lihim na nátawá.
Si Sawî ay lihim na nan~giníg.
--¡Lumálabis yatà ang kapan~gahasan ko?
At inantáy na sumagót ang dalaga, paris ng pag-aantáy ng isáng
násasakdál sa pasiyá n~g isáng hukóm.
Ang palad ni Sawî, nang mga sandalîng yaòn, ay nábibitin sa mga labì
ni Pati. ¿Anó ang itútugón sa kanyá? ¿Oo? ¡Oh, lan~gít! ... ¿Hindî? ¡Oh,
kamátayan!
Si Pati, matapos mapindót ang sikmurà na sumásakitsakít din dáhil sa
pinípigilang pagtawa, ay bumigkás n~g ganitó:
--Ginoóng Sawî: ¿kinúkutyâ mo pô yatà akó?

--¡Hindî pô; túnay na túnay pô ang aking sinabi. ¡Oh, kung
mangyayáring mabuksán ang aking pusò!...
Patuloy ang kaniláng pag-uúsap.
Mulâ sa malayò, sa isáng pitak ng lan~git, ay pumaibabaw sa tingín
ang isáng anakì'y búndók na kakulay n~g usok, ang úlap, ang makapal
na úlap, sugò n~g nagbábantâng ulán.
Noón, ang mga naglálakád ay kasalukuyang dumáratíng na sa tapat ng
isáng accesoria na nátitirik dakòng kaliwâ n~g maluwáng na lansangan
ng Azcárraga.
--Umakyát pô muna kayó--ang anyaya ni Pati sa binatà--maaga pa pô
namán.
¡Maaga pa!
¿Maaga pa ang sabi n~g babaeng yaón, gayóng magíikaisá na sa
hatinggabí?
¡Ibáng-ibá ngâ namán ang m~ga babaeng Maynilà kay sa mga babaeng
lalawigan! ...--ang náibulóng tulóy sa dî masiyaháng pagtataká sa
gayóng náriníg.
Gayón man ay sinagót din n~g isáng taós na pasasalamat ang
nag-áanyaya. At umakmâng tâtalikód na upáng umuwî sa kanyáng
bahay; dátapwà't ¡pagkakátaón! noó'y bumubos ang ulán.
Isáng mapagtagumpáy na ngitî, ang namulaklák sa mga labì ni Pati:
--¡Talagáng másisilò na ang ibon!
At mulî't mulîng inanyayahan ang binatà hanggáng sa itó'y matapos sa
pagpapahinuhod:
--Yamang tulot mo pô ...--ang marahang sagót na bábahagyâ nang
náriníg ni Pati.

Unang umakyát si Pati. Sa likurán niyá'y sumunód si Sawî.
Sa itaás ng bahay, ang unang napansín ni Sawî ay ang maayos na mga
palamuting doón ay nagsabit, ang mga kuadrong nan~gagpápangagáw
sa inam, ang mga larawan, paisaje, at mga ibá pang sukat makaalíw sa
tin~gín.
Isáng batàng paslít ang dinatnán nilá sa bahay na itó, na, utusán ni Pati.
--Bulilít--ang tawag n~g may bahay sa alilà, pagdatíng sa hulíng
baytáng sa itaás--bigyán mo n~g silya ang tao.
Ang inutusa'y maliksíng tumupád.
Naupô si Sawî; at ang batà ay nawalâ sa kanyáng haráp.
Si Pati, samantalang pinagkúkurús n~g binatà ang dalawá niyáng
kamáy sa pagkakaupô, ay pumasok sa silíd n~g bahay upáng ayusin
ang kanyáng buhók na naguló sa bahay-sáyawan, at nang mulîng
mapulbusán ang mukháng noó'y humúhulas sa agos nang pawis.
At bago lumabás ulî ay makailán munang binikásbikasan ang kanyáng
bihis at itinanóngtanóng sa sarili kung ang ayos niyáng yaó'y sapát
nang makapagpalundág n~g isáng pusò sa kanyáng kinalálagyán. At
nang tila nasiyahán na ang loób ay sakâ pa lamang naupô sa isáng
luklukang may gadipá lamang ang layô sa kanyáng panauhin.
¡Anóng pagkâgandágandá ni Pati noón sa malas ni Sawî!
--¡Oh--ang nawikà tulóy--magíng si San Pedro man na panót ang
tuktók, magíng si San Juang mapun~gay ang matá't magíng si San
Pascual na maamò ang mukhâ, sa haráp n~g ganitóng dilág ay
sápilitáng mabúbuyó sa pagkakásal!
¡At siyá, siyá pa n~gâ bang isáng hamak na tao lamang ang hindî
matuksó?...
--Pati! ¡aling Pati! ... ang sunódsunód na tawag na kasabáy n~g
pangin~giníg ng boông katawán.

Ang tinawag ay hindî sumásagót. Ngunì't nápapan~gitî ng lihim,
pagkâ't noón ay nahalatâ niyáng ang makamandág na init n~g kanyáng
katawán ay tumátaláb na sa pusò ni Sawî.
At si Pati ay lumapítlapít pa sa kanyáng kausap, at nakatawa,
nakasulyáp na sakdál n~g saráp.
Si Sawî ay lalòng nan~giníg.
Si Pati ay lalò pang lumapit sa kanyá, lalò pang nilambin~gan ang ngitî,
lalò pang pinungayan ang suliyáp.
Ibig nang tumakbó si Sawî, ibig nang sumigáw, ibig nang tumakas,
upáng makailag sa tuksó.
¡Daráng na daráng na sa init!
Ngunìt noó'y siyáng pagdampî sa kanyáng kamáy n~g nagpúputia't
mga tabas kandilàng dalirì ni Pati, at kasunód ang magiliw na usisà:
--¿Anó pô ang dináramdám ninyó? ¡nanglálamíg kayó!
--Opò ... opò ... nanglálamíg n~gâ pô.
At sabáy nagtindíg sa pagkakáupô, ibunukás ang dalawâng bisig at
iginapos sa liíg ni Pati, at ang samòng namámasag ang tinig:
--¡Pati, Pati, patawarin akó...!

IV.
Mulâ nang unang gabí na kanyáng pagsamyô nang layaw sa kandungan
ng magandáng Pati, si Sawî ay nanumpâan nang magíng isá sa lalòng
masikap na kampón ng diosa_ Terpsícore.
Siyá'y isáng pusakál nang mánanayaw.
Ang mga aklát na dati niyáng kaulayaw pagdatíng n~g gabí, ngayó'y

siyáng m~ga matalik
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.