Ang Mananayaw | Page 4

Rosauro Almario
likmûan, madalîng lumapit kay Pati, at ang
magalang na samò:
--¿Ibig pô ba ninyó akóng paunlakán?
Sa ganitóng katanungan ng binatà, si Pati'y hindî man lamang nagbuká
n~g bibíg; subalì't pinasagót ang maputî't maliít niyáng kamáy na noó'y
agád ikinawit sa bisig n~g nag áanyaya.
M~ga matáng sana'y bumasa sa pusòng lalaki, noón pa'y nábanaagan
na ni Pati ang kanyáng nálalapít na tagumpáy:
--¡Huli na ang ibon, huli na, huli na!--ang magalák na bulóng sa sarili.
At nang silá'y sumayáw na ay pinapaglarô n~g gayón na lamang sa

kamáy n~g kanyáng kayapós, ang maliít at malantík niyáng baywáng.
Si Sawî, sa ganitóng laláng n~g babae, ay untîuntîng nanglíliít na
animo'y isáng kandilàng naúupós sa hihip ng hangin.
At ang makamandág na samyô ng sampagang kanyáng sinísimsím n~g
mga sandalîng yaón ay hinayhinay nang tumátagós sa kaibuturan n~g
kanyáng damdamin.
¡Umíibig na siyá ... at umíibig n~g isáng pagíbig na taós, maálab,
morubdób, na gaya ng isáng sigâ sa alò n~g han~gin, gaya ng isáng
sunog sa buhos n~g gás!
Bawà't n~gitî ni Pati, bawà't sulyáp na panukáw na ipakò sa kanyá, ay
mariíng tumítimò, bumábaón, sumúsugat sa dibdíb ng na sa panganib
na si Sawî, paris ng pagtimò, pagbaó't pagsugat ng isáng mahayap na
palasô.
--Aling Pati--ang kimíng tawag sa kasayáw--kung akó pô kayâ'y
pumarito gabígabí ay mákakasayáw ko kayó?
--Bakit pô hindî?--ang malambíng namáng tugón n~g tinanóng.
Ang binatà natin, ang torpeng si Sawî, sa ganitóng paoo ni Pati, walâng
ibáng maisagót kundî isáng banayad na:
--Salamat pô.
At hindî na umimík pang ulî hanggáng sa matapos ang sáyawan. Si
Simoun, ang kasindak sindák na Simoun sa Filibusterismo ni Rizal,
pagkapaglapat ng m~ga dahon n~g pintûan n~g Templo ni Terpsícore_
ay nagpamalas sa mga nan~gín~giníg niyáng labì ng isáng
mapagkutyâng n~gitî; at sakâ sinabing:
--¡Buena está la juventud!...

III.

Si Sawî ay walâ nang pagkásyahán n~g pag-ibig kay Pati.
Bawà't saglít na dumaán, bawà't saglít na yumao, ay isáng palasô na
namáng umíiwà sa kanyáng dibdíb.
--¡Oh, Pati! ... ¿kailán mo pa málalamang iníibig kitá? ¿kailán mo pa
málalamang ang pusò ko'y nagíng dambanà na n~g iyóng mahál na
larawan? ¿kailán mo pa málalamang si Sawî'y walâ nang ibáng
dinárasáldasál kung hindî ang pan~galan mong walâng kasingtamís?
Dilàng kimî, gapós n~g pagpipitagan, si Sawî ay nagtítiís manirá na
lamang sa mga himutók at buntóng-hingá. ¿Magtapát kay Pati?
--Kung akó'y halayin? ¿Kung hindî pakinggán ang idáraíng ko? ¿kung
birùbirùin ang pag-ibig? ¡Ay!...
Dapwà't, kung natátantô niyáng si Pati ay isáng maáwàing walâng dî
nilimusán n~g kanyáng pag-ibig, kung natátantô niyáng si Pati ay isáng
maawàing walâng pinagkaitán ng kanyáng habág_, kung natátantô
niyáng si Pati'y walâng ibáng ináantay-antáy kundî isáng kalabít na
lamang, ang isáng salitâng sukat maghiwatig n~g kaniyáng, damdamin
upáng lúbusan nang ipagkatiwalà sa kanyá ang kanyáng káluluwá, ang
kanyáng katawán; ang mga gayóng hinagpís at pag-aálinlangan ay
hindî na sana sumagì sa kanyáng gunitâ.
Ngunì't si Sawî ay isáng singkí_ pa; kayâ't hindî niyá nálalamang, sa
Maynilà, ang salitâng «Mánanayaw» ay nákakatugón ng mga salitâng
«mangdadambóng sa lilim ng batás», «magnanakaw sa loób ng
bahay.»
Kung nálalaman niyáng sa m~ga bahay-sáyawan ay hindî ginágamit
ang m~ga salitâ upáng sabihing: «Iníibig kitá,» «ibig kitang kánin»
kundî sukat na lamang ang m~ga suliyáp, kindát at kalabít, disin si
Pati'y malaon n~g nagíng kanyá, ó sa matuwí'd at lalòng tumpák na
sabi, siyá'y nagíng kay Pati.
Bagamán, ang kanyáng m~ga pag hihimutók ay hindî rin lubhâng
naglawíg, pagkâ't noóng isáng gabíng si Pati'y manaog sa

bahay-sáyawan, upáng umuwi na sa bahay, ay nagkapalad siyáng
mápasama rito, sa túlong at awà n~g kanyáng kaibigang si Tamád.
--¡Binibining Pati: ang tawag n~g binatà, nang silá'y nagsásarilí na sa
gitnâ n~g dilím--¿magalit ka pô kayâ kung akó'y may sabihin sa iyó?
--Kung makagágalit pô ... ang tila pabiròng sagót n~g tinanóng.
Si Sawî ay napatigagál.
¿Paáno ang kanyáng gágawin?
¿Saán siyá maglúlusót n~gayón?
¡Natakpán ang bútas na kanyáng ibig paglagusán.
Maláong hindî nakaimík.
Sa haráp ng ganitóng pangyayari, si Pati ay lihim na nápangitî:
--¡Talagáng singki n~gâ!--ang na wikà sa sarili.
Nang hindî pa rin humúhumá ang binatà ay si Pati na rin ang
nagabaláng maglawít n~g silò.
--Ginoóng Sawî:--ang bun~gad--kung hindî pô akó namámalî ay tila
nákita ko na kayóng minsán, bago kayó makaratíng sa aming
pinagsásayawán.
--¿Saán pô?--ang patakáng saló n~g binatà.--¿Sa lalawigan kayâ, sa
marálitâng lalawigan na aking kinákitaan n~g unang liwanag?
--Hindî pô, dito rin pô sa Maynilà ... aywán ko na pô lamang kung saán
at kailán; n~gunì't nákita ko na kayó.
--Dakilà pô ang palad ko kung magkakágayón.
--Akó na n~gâ pô lamang yatà ang talagáng abâng-abâ, sapagkâ't nákita
na'y hindî pa nápansín.

--¡Binibini! ... ¡Binibining Pati! ... ¡Hindî ko kayó nápansín?
¿Datapuwà't mangyáyaring kayó'y hindî ko mapansín?
--Talagá pông gayón na ngâ lamang ang nangápakaliliít na paris ko.
--¡Napakaliít! ¿Paano pông mangyáyari, na, ang isáng pinaglílingkurán
ay magíng maliít
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.