Ang Mananayaw | Page 6

Rosauro Almario
niyáng kaaway.
¡Ni isáng sulyáp man, ni isáng saglít pang pakikiníg sa kanilá!...
Ang lahát nang kanyáng panahón ay lúbusang ipanaubayà na sa m~ga
alíw n~g sandalî.
At ang kanyáng káluluwá, parang isáng katawáng kulang at salát sa
pagkain, untîuntî nang nanunsiyami, untîuntî nang nalúluoy, untîuntî
nang naíinís sa dilím na noó'y bumábalot sa kanyáng maulap na
lan~git.
At mulà noó'y walâ nang ibáng pinangápangaráp kundî magpakalasíng
sa paglagók sa alak ng pag-ibig sa m~ga maninipis at mapupulâng labì
ng kanyáng marilág na Pati.
Si Pati, pará sa kanyá'y siyá nang lahát: pag-asa, ligaya, pag-ibig,
kaluwalhatìan....
¡Oh, ang makamandág na binhî, ang pag-ibig sa isáng salaríng katulad
ni Pati, ay lumagô at nag-ugát sa pusò ni Sawî!
Minsán, sa isáng pag-uusap nilá, ay malinaw na nápalarawan ang
kadakilàan n~g kanyáng pag-ibig sa magandáng mánanayaw:
--Pati, Pati ko aniya,--¿tunay bang akó'y iyóng minamahál?
Si Pati, sa ganitóng kahalingán ng binatà, ay minsáng namuwalan sa
bugsô n~g isáng pagtawang inimpít.
--Sumagót ka, Pati ko, sumagót ka sana.
--Oo--ang bigáy-loób n~g mánanayaw--óo, Sawî ko, gíliw kong Sawî,
minámahal kitá.
--¿Gaya kayâ n~g pagmamahál ko sa iyó?
--Higít pa; makálilibo pang mahigít. Iníibig kitá paris n~g pag-ibig ng
bulág sa araw, iníibig kitá paris n~g pag-ibig ng isdâ sa tubig, iníibig

kitá paris ng pag-ibig ng banál sa Dios. ¿Nasísiyahán ka ná?
--Pati, Pati ko. ¿tunay ang iyóng sinabi?
--Paris n~g katotohanang madilím ang gabí, may init ang araw, may
lamíg ang buwan; paris n~g katotohanang akó ay may pusô, ikáw ay
may atáy; paris ng katotohanang ikáw ay maganda, akó ay pangit.
--Pati, Pati ... at tinutop ang kanyáng dibdíb na tila ibig máwalat sa
pitlág ng pusòng noón ay dumanas ng dî gágaanong alíw.
At bago pinigilan si Pati sa manipís niyáng baywáng, hinagkán sa noó
n~g isáng matunóg at mahabàng halík at....
--Pati ko--ang turing--¿naríriníg mo ba ang masinsíng tibók n~g aking
káluluwá? ¿Hindî? ... pakinggán mo: sinásabi niyáng ikáw raw ang
kanyáng búhay, ikáw raw ang kanyáng ligaya, ikáw raw ang kanyáng
lan~git ... ¿nálalaman mo na?
--¡Namán!
--At sinabi pa niyáng--ang patuloy ni Sawî na tila hindî pansín ang
«namán» ni Pati--at sinásabi pa niyáng siyá ay nagtayô n~g isáng
dambanà sa lalòng lihim na pitak n~g aking damdámin, dambanàng
sinabugan n~g mapuputîng sampagita upáng suubín sa kanyáng
mahinhíng halimuyak ang larawan ng isáng babae, n~g isáng banál, ng
kanyáng magandáng Pati....
* * * * *
Ang lintâ, pagkatapos ng isáng linggóng pananabíknabík sa dugô ng
kulang-palad na si Sawî, ay hindî na nakatiís.
--¡Dapat na siyáng magbayad!
At mariíng ikinápit ang kanyáng matatalím na n~gipin sa bulsáng
saganà sa pilak n~g walâng malay na binatà:
--Sawî ko, gíliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g limáng piso upáng

máibilí ko n~g barò.
Ang hinin~gán ay latág ang palad na sumagót:
--Náritó, mutyâ ko, tanggapín ang hiníhin~gî mo.
Nagdaán ang unang araw; dumatíng ang ikalawá.
Ang lintâ, ang matakaw na lintâ, ay mulîng sumigíd na namán:
--Sawî ko, gíliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g sampûng piso na
máibilí ko n~g saya.
¡Sampûng piso na n~gayón!
Gayón man, si Sawî ay hindî rin tumanggí sa gayóng pag-íibayo n~g
halagá. At....
--Náritó, mutyâ ko, tanggapín ang hiníhin~gi mo.
Nagdaán ang ikalawáng araw at dumatíng ang ikatló.
At ang lintâ, ang lintâng kailán ma'y hindî na yatà masísiyahán, noón
ay pamulîng sumigíd na namán nang sigíd na lalòng mariín pa kay sa
m~ga una, lalò pang malakás; at....
--Sawî ko, gíliw kong Sawî--na namán bigyán mo akó n~g
dalawáng-púng piso na maibilí ng sapín, pulbós, pabangó, medias at....
¡Dalawángpûng piso na!
Dapuwà't si Sawî, ang magaràng si Sawî, ay dumukot pa rín sa kanyáng
supot na malamán:
--Náritó, gíliw ko, ang sagót na namáng tila hindî pansín ang kanyáng
pagkakápalaot--náritó ang hiníhin~gî mo.
At hindî sa lamán lámang humáhanggá ang kirót ng mga kagát ni Pati,
ng lintâng si Pati, sa katawáng namúmutlâ na ng binatà, kundî

hanggáng sa mga butó pa, na pinagtiinán ng kanyáng matatalím na
n~gípin.
Minsán, sa kaniláng pagsasarilí, si Sawî ay nagpakasawàng magdampî
n~g mga labì niyá sa m~ga namumúrok na pisngi ni Pati. Itó,
pagkatápos maparaán ang gayóng kahibangán ng binatà, ay tumanóng
na may halòng birò:
--¿Iláng halík ang ibinigáy mo sa akin?
Si Sawî, lasíng sa mga sulyáp ni Pati, sa sin~gaw ng kanyáng malusóg
na katawán, ay sumagót na dî magkangtututo:
--Isá ... dalawá ... tatló ... apat ... sampú, labínglimá ... ¡marami!
¡¡maramingmarami!! ... aywán ko na ba kung ilán.
--Báwa't halík ay babayaran mo n~g piso.
--¡Piso!...
¿Saán hindî masasaid ang bulsá ni Sawî sa ganitóng pamamaraán ni
Pati?
Ang bariles, punôngpunô man, pag hindî naampát ang paglabás n~g
tagas ay dáratnán din n~g pagkatuyô.
At gayón ang nangyari sa kulang pálad na binatà: untîuntîng naubos
ang yaman, baytángbaytáng na bumabâ sa kailalimang pinagháharìan
n~g dilím, dilím ng pananalát, dilím ng karálitâan.
¿Anó
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.