Ang Mananayaw | Page 3

Rosauro Almario
naúupô na:
--¡Bakà nagalit ah!...
At lalòng nag-ulol pa ang ganitóng pangan~gambá ng binatà, nang
mákitang si Pati ay kinúkuha na ng isáng makisig na bailarín_:
--¡Sayang at hindî ko siyá napairugan!
¿Sinóng lalaki ang kumuha sa kanyáng magandáng mánanayaw?
¿Katipán na kayâ niyá?
¿Kasintahan na kayâ?
Mga ganitóng pag-iisip ang gumuguhit sa gunitâ ng binatà, nang sa
súsugat sa kanyáng pandiníg ang tanóng ni Tamád.
¿Bakit hindî ka sumayáw? At hindî na binigyáng panahón na ang
inusisà ang makasagót pa, at si Tamád ay nagpatuloy sa kanyáng
pagtuksó:
--¿Naníniwalà ka bang sa m~ga bahay-sáyawan ay walâng dumádaló
kundî ang m~ga taong walâng kabuluhán?
--Hindî sa gayón, katoto....
--¿Naníniwalà ka ba--ang ulit ni Tamád--na sa m~ga bahay-sáyawan ay
walâng ibáng dumádayo kundî ang mga hampás ng Dios na nagkalat
diyán? Ah, nagkakámalî ang m~ga may ganitóng paniwalà, at saksíng
matibay ng kamalìang itó ay ang nakikita mo ngayón, kaibigang Sawî.
Ang ginoóng iyáng kasayáw ni Pati ay isáng abogadong kilalá sa m~ga
pook na itó n~g Maynilà ... ang ginoóng yaón--at itinurò ang isáng
umíikit na kayapós namán n~g isáng babaeng habâan ang mukhâ at
singkít ang matá ang ginoóng yaón ay isáng farmaceútico; at itó, itóng
nagdáraán n~gayón sa tabí natin na may kawíng pang bulaklák sa tapat
ng dibdíb, ay isáng mayamang mán~gangalakál....

Anó pa't ang lahát ng mga nároón ay isáisáng ipinakilala ni Tamád kay
Sawî: may mga estudiante de derecho, m~ga nag áaral ng medicina,
mga mán~gan~galakál, m~ga polítikó, at mga ibá pang «pag-asa ng
Bayan,» wikà n~gà n~g Dakilàng Bayani ng Lahì.
Ngunì't ang mga ganitóng pagpapakilala ni Tamád ay hindî warì pansín
n~g kanyáng kinákausap, pagkâ't itó, pagkatapos niyáng humintô, ay
walâng ibáng náisagót kundî:
¿Sinó ang kasayáw ni Pati?
Ang ganitóng pagwawalâng bahalà n~g kanyáng kaniíg ay hindî
ikinapoót ni Tamád. ¡Bagkús ikinagalák pa n~gà! Náhalatâ niyáng sa
pusò ni Sawî, nang m~ga sandalîng yaón, ay walâ nang ibáng
nagsísikíp kundî ang larawan ng kanyáng kandidata_, at walâ nang
ibáng naririníg ni nakikitang anó pa man ang binatà kundî ang
mahinàng sagitsít n~g sapatos ni Pati sa tablá ng salón_ at ang kanyáng
mapanghalinang tindíg.
Si Sawî, pusòng lagìng tikóm sa hibò ng pagkakásala, ngayó'y
untî-untîng nabúbuksán sa tawag n~g isáng bagong damdamin,
damdaming aywán niyá kung anó, datapwà't nálalaman niyá, óo, na ang
damdaming yaó'y walâng pinag-iwan sa bagang nagbíbigáy init sa
isáng kaldera, apóy na gumigising sa dating tulóg at nagbíbigáy siglá sa
dating malamíg na pusò.
Ang bulaklák na noóng una'y takót sa halík ng araw, ngayó'y
bumúbukád sa hagibis n~g bagyó.
Samantalàng ang mga pareha'y nagsalísalimbay, sa gitnâ n~g salón_;
samantalàng ang mga pareha'y walâng hintô n~g bulungan, kálabitan,
kindatan, kúrutan, at kung minsá'y ang pálitan n~g matatamís na salitâ;
si Sawî, sa luklukang kinarórooná'y walâng ibáng iníisip-isip kundî
kung «paano ang paraang dapat niyáng gamitin upáng maparating sa
taya ng mapanghalinang binibini ang m~ga itinítibók ng kanyáng
káluluwá.»
--Tamád ang pamulîng tawag sa katabí--ibig kong akó'y pagtapatán mo:

¿anó ang tunay na kalágayan ni Pati? ¿Dalaga ó may asawa? ¿malayà ó
may katipán?
--¿Nálimutan mo na ba ang maliksíng tugón ng tinanóng ang mga
isinagót ko sa iyó noóng unang tayo'y magkásama hinggíl din sa m~ga
ganyán mong pag-uusisà?
--Marahil ... ¿anó ba ang sinabi mo sa akin noón?
--Sinabi ko sa iyóng si Pati'y dalaga at walâng asawa, malayà at walâng
katipán.
--Samakatwíd....
--Samakatwíd ang agád na habol ni Tamád--samakatwíd si Pati ay
malayà, malayàng tulad ng isáng isdâ sa tubig, ng isáng paróparó sa
halamanan, n~g ibon sa alapaap.
--Kung siyá kayâ'y pag-alayan ko....
Náhalatâ ni Tamád ang tungo ng, ganitóng pananalitâ ni Sawî; kayâ't
hindî na inantáy na matapos pa at matuling sumagót:
--¿Bakit hindî? ¿bakit hindî mangyáyaring siyá'y pag-alayan n~g
pag-ibig? ¿Hindî ba't ikáw ay isáng binatà, at siyá'y isáng dalaga?
¿Hindî ba't ikáw ay isáng makisig na bagong-tao at siyá'y isáng
magandáng binibini? ¿Bakit hindî...?
--Katotong Tamád, tila mandín biníbirò mo akó.
--¿Binibirò kitá? Hindî ko pa sinásabing lahát sa iyó ang m~ga
nálalaman ko tungkól sa babaeng iyán, pagkâ't nangán~gambá ngâ
akóng bakâ ka malulà....
--¿Malulà?
--Kung sabihin ko sa iyóng si Pati ay tila ... tila....
--¿Tila anó?

--Tila nagkákagustó sa iyó....
--¡Nagkákagustó! ... ¿Diyatà? ¿diyatà't si Pati'y nagkákagustó sa akin?
--¿At bakit mo namán násabi ang gayón?--ang usisàng may halòng
pananabík.
--¿Bakit hindî'y sa minámasdán ko ang bawà't kilos niyá?
Noó'y nagkátaóng si Pati'y tumítin~gín kay Sawî. Nápansìn ni Tamád
ang gayón. Kinalabít ang kanyáng kapulong at ang bigkás na pan~gitî:
--¡Nákita mo na ... dî n~gayón ay tiningnán ka na namán!
--¡Tunay!--ang náibulóng ni Sawî sa sarili.--¡At, anóng lagtkít na
sulyáp ang kanyá, anóng lambíng, anóng pagkásarápsaráp!
Natapos ang unang bals.
Sa ikalawáng hudyát ng tugtugin na nagbalità sa m~ga nároon ng
isáng mainam na two-step, si Sawî ay hindî na nakatiís:
--¡Ibig kong sumayáw sa kanyá!
At noón dî'y iniwan ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.