Ang Mananayaw | Page 2

Rosauro Almario
magkátotoó, kung minsán, at
mangyayari rin namáng hindî, «Si Pati»--ang wikà ko sa
kanyá,--«iyóng dalagang ipinakilala ko sa iyó sa handâang dinaluhán
natin ay isáng matibay na saksí n~g katotohanang ang isáng
magandáng perlas ay mangyáyaring mápaliblíb sa gitnâ n~g burak....»
At tumigil sandalî ang nagsásalita upáng lumagók n~g laway at
magpatuloy, pagkatapos, sa mga ganitóng pan~gungusap:
--At si Sawî (ang ibong pinagúusapan nilá)--ay naniwalà namáng ikáw
ay isáng «magandáng perlas», isáng dalagang mahinhín, may puri,
maran~gal....
--¿At hindî na itinanóng kung bakit akó nápapasok sa bahay-sáyawan?
--Itinanóng ¿bakit hindî? ngunì't ang dilà ni Tamád, ang dilà ng bugaw

mong si Tamád, ay nang mga sandalîng yaó'y lumikhâ n~g mga
pangarap na sa kanyáng bibíg ay larawang mistulà ng katotohanan,
katotohanang nákita, sinaksihán ng kanyáng tingín. At sinabi ko sa
kanyáng hálos maagnás ang luhà ko: ¡Oh, Sawî, kung nálalaman mo
ang buông kasaysayan ni Pati, ng magandáng Pati, na hináhangàan mo
ngayón, ay dî sásalang siyá'y málalarawan sa m~ga balintatáw n~g
mga matá mo na katulad ng isáng banál na babae, n~g isáng ulirán ng
kadalagahan. Pagkâ't siyá, ang habol ko pa, ay isáng ulilàng dumanas
n~g dî gágaanong kasawîan sa buhay, nagíng magpapalimos, nagíng
manghihingì, at nang ayaw nang lawitán n~g awà n~g mga
tinátawagan ay napilitang pumasok na alilà, ipinagbilí ang lakás sa
isáng mayaman ... dapuwà't....
--¿Anó pa?
--Ang mayaman, ang dugtong ko, sa haráp n~g walâng kaagáw na dilág
ni Pati, ay nagnasàng paslangín ang kanyáng dangál.
--¡Paslangín! Mainam kang magtátatahítahî n~g kasinun~galingan. ¿At
anó pa ang aking ginawâ?
--Na ikáw ay tumutol sa gayóng karumíng adhikâ.
--¿At pagkatapos?
--Nilisan mo ang bahay na pinaglílingkurán upáng pumasok sa
pagkamánanayaw.
--Samakatwíd, ang tapos ni Pati, pará kay Sawî, akó'y isáng banál na
babae, isáng ulilànginapí n~g Palad, nagíng magpapalimos,
manghihin~gì, alilà, alipin, sa madalîng sabi; at dahil sa pagtatanggól
ng puri ko'y iniwan ang bahay ng mayaman, upáng pumasok ... ¿gayón
n~ga ba?
--Ganiyán n~ga.
¡Oh, kung ipinahintulot ng Dios na ang m~ga kasinun~galingan, bago
makalabás sa bibíg ng m~ga nagsísinungalíng, ay magíng apóy

muna...!
Si Pati, pará sa ating nakakakilala sa kanyá, ay isáng isdâng kapak, na
sa labás ay walâng ibáng ipinatátanáw kundî ang kintáb n~g kaliskís,
bago sa loób ay walâng ibáng madádamá kundî ang mabahòng burak.
Siyá'y hindî lamang kirí, hindî lamang salawahan; higít sa kirí't
salawahan, si Páti ay isáng tunay na salarín, isáng mangbibitay ng
m~ga káluluwáng nahúhulog sa kanyáng kandungan.
Batà pa lamang, hálos bagong sumísiból pa lamang, si Pati'y
pinagkatakután na ng mga binatà sa kaniláng pook. ¡Bakit hindî, sa,
bálana'y sinagután ng óo, bálana'y pinangakuan, bálana'y sinumpâan;
mga pan~gakò at sumpâng bawà't isá'y pinatítibayan sa pamamagitan
ng isáng sanlâ, n~g isáng lágak, na hindî na mabábawì kailán man!
N~gunì't ... nagsasalitâ na namán si Tamád; pakinggán natin:
--Pati--aniya--mamayâ'y hindî sásalang dádalhín ko sa iyó ang ibon.
--Dáratíng kayóng handâ na ang haula.
At naghiwaláy ang dalawá.

II.
--¿ ... ?
--¡ ... !
At nároón na silá sa unang baytáng ng hagdanang patungo sa bayan ni
Plutón: sa bahay-sáyawan. Náuuná si Tamád, ang tuksó, at si Sawî ay
sumúsunód sa dako niyáng hulihán.
Ang Templo ng masayáng diosa Terpsícore, nang mga sandalîng yaón
ay maitútulad sa isáng Hardín n~g Kaligayahan: doón at dito'y walâng
námamalas ang tingín kundî ang m~ga bagong Eba, ang mga bagong
Adán, doón at dito'y nagsabog ang mga bulaklák, nagsalisalimbayan

ang mga paroparó.
Pagdatíng na pagdatíng n~g magkasamang si Sawî't si Tamád sa
bahay-sáyawan, si Páti, na nag-aantáy na sa kanilá ay malugód na
sumalubong at nakan~gitî, nakatawang bumati sa kanilá:
Nan~gáligaw kayó rito....
Si Sawî'y hindî tumugón. Ang mga salitâ ni Pati, ang mga bigkás na
yaóng mandi'y pinulután sa tatamís, ay isáisáng sumapit sa pusò n~g
natítigilang binatà. ¡Anóng gandá ni Pati nang m~ga sandalîng yaón!
Sa loób ng kanyáng damít na nan~gánganinag sa dalang, sa malas ni
Sawî ay siyá ang nákita ni Flammarión sa kanyáng pan~garap: taong
ilaw ang pinakalamán, at ang m~ga kamáy ay dalawáng bagwís.
Si Tamád, na nakákita sa ganitóng pagkakápatigil n~g kanyáng kasama,
ay kumindát n~g isá kay Pati at lihim na itinurò yaón: «¡Talagáng torpe
n~gâ!»
Noo'y isáng hudyát n~g tugtugin ang náriníg:
--¡Bals!--ang panabáy na turing ng m~ga naíiníp na mga mánanayaw.
At umugong ang malakíng salón sa kiskís ng mga sapatos.
Si Pati na nálalayô na sa dalawáng magkasama, pagsisimulâ n~g
sáyawan ay mulîng lumapit kay Sawî:
¿Ibig pô ninyóng sumayáw?--ang magiliw na tanóng.
--Hindî pô ... bahala na pô ... mámayâ na pô kung sakali.--At tumindíg
na tila nainitan sa pagkakáupô; dinukot ang panyô sa bulsá at pinahid
ang pawis na sa noó'y butílbutíl na sumísipót.
--¡Mahíhiyâin pa ang tunggák! ang naibulóng tulóy n~g magandáng
mánanayaw. At tinalikdán ang binatà na hálos padabóg. Tila nagálit sa
gayóng pagtanggí n~g inanyayahan.

Ang gayón ay náhalatâ ni Sawî, kayâ't paanás na násabi sa sarili, nang
siyá'y
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.