Ang Mananayaw

Rosauro Almario
Ang Mananayaw

The Project Gutenberg EBook of Ang Mananayaw, by Rosauro
Almario This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Mananayaw
Author: Rosauro Almario
Release Date: January 25, 2005 [EBook #14794]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG
MANANAYAW ***

Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders.
Produced from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]

Ros. Almario
ANG MÁNANAYAW
Aklatang Bayan I Aklát
Limbagan at Litograpía
NI
JUAN FAJARDO
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz.
MAYNILA--1910

ANG MÁNANAYAW
Ros. Almario
UNANG PAGKALIMBAG
MAYNILA
=LIMBAGAN NI JUAN FAJARDO
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz
1910.=
* * * * *
=Aklatang Bayan.=
Sa gitnâ ng masinsíng úlap na sa kasalukuya'y bumábalot sa maynós na
langit n~g Lahíng Tagalog, ang «Aklatang Bayan» ay lumabás.

_¿Layon? Iisáng iisá: makipamuhay, ibig sabihi'y makilaban pagkâ't
ang pakikipamuhay ay isáng ganáp na pakikitunggalí, isáng lubós at
walâng humpáy na pakikibaka_.
At makikibaka kamí laban sa masasamâng hilig, mga ugali't paniwalà,
magíng tungkól sa polítika, magíng sa relihión at gayón sa karaniwang
pamumúhay; yamang ang mga bagay na itó'y siyáng mga haliging
dapat kásaligan ng alín mang bayan: tatlóng lakás na siyáng bumúbuó
ng káluluwá ng alín mang lahì.
At upáng malubós ang pagpapakilala ng adhikâng itó sa aming
mangagiging, mangbabasa, kung sakalì, ngayón pa'y malugód na't
magalang na ipinatátalastás namin sa kanïlá ang m~ga aklát na sa
kasalukuya'y niyáyarì sa loób ng Aklatang itó:
=Ang Mánanabong, Ang Pangginggera, Bagong Hudas, Ang Sakim,
Bagòng Parì at ibá't ibá pa.=
Pan~ganay na anák n~g Aklatang itó «Ang Mánanayaw», na ngayó'y
bagong kalúluwál pa lamang sa larangan ng Panunulat. Kulang sa katás
marahil, marahil ay gayón din sa lusóg ng pan~gangatawán, bigláw na
bunga palibhasà n~g isáng panitik na salát sa ilaw ng talino at dahóp
sa yaman ng pananalitâ.
Magsísitulong sa aklatang itó ang mga katoto ko't kaadhikâng Faustino
Aguilar, namámatnugot sa TALIBA, Carlos Ronquillo,
punòng-mánunulat sa náturan ding páhayagán at mga ibá pang gurò ng
panitik, na sa pamamagitan n~g limbagan at papel ay magsásabog,
hanggáng sa lalòng lihim na pook ng Katagalugan, ng makákaya
niláng pangliwanag na ilaw sa mga kalahìng nan~gan~gailan~gan
nitó.
=Ros. Almario,=
Taga-pamahalà n~g Aklatang Bayan.
Maynilà, 30 V-1910.

* * * * *
Ang Mánanayaw.
Jóvenes qué estais bailando, al infierno vais saltando.
=SIMULA=
Pati: Mánanayaw. Alan~ganing tindíg; ni mababà ni mataas; katawáng
malusóg, makatás, sariwà; m~ga matáng malalaki't bugháw, dalawáng
bintanàng pinanúnungawan ng isáng káluluwáng nag-iinit, nag-aalab sa
ningas n~g apóy n~g isáng damdaming batis na dinádaluyan ng alíw,
alíw n~g sandalî na nakalúlunod, nakaíinís at nakamámatáy sa bawà't
káluluwáng maligò sa kanyá.
Sawî: Túbong lalawigan, binatàng nag-aaral sa Maynilà. Buhat sa
mabuting lipì, angkán ng mga mayaman, si Sawî ay isáng binatàng
lumakí sa lilim n~g pananaganà: kimî, mahihiyâin, ugalìng babae, si
Sawî ay hindî kaparis ng mga binatàng walâng ibáng minimithîmithi
kundî ang mátulad sa isáng paróparó, sa isáng bubuyog, na tuwîna'y
hanap ang mga bulaklák, upáng simsimín ang kaniláng bangó,
Tamád: Isáng hampás-lupà, isáng hampas-bató, na gaya n~g tawag sa
kanyá n~g madlâ. Ulila sa amá't ulila, sa iná. Walâng asawa, ni anák, ni
kapatid, ni kamaganakan kungdî ... si «Ligaya»; ligayang pará sa
kanyá'y hindî natatagpô sa alín mang dako, sa alín mang poók, máliban
sa mga bilyar, sabun~gán, pangginggihan, bahay-sáyawan at mga
bungan~gà ng impierno na sa bálana'y laging nakaumang.
--Tamád, ¿kumusta ang ibon?
--Mabuti, Pati, maamò na n~gayón.
--¿Handâng pumasok sa kulun~gán?
--¡Oh, walâng pagsalang hindî siyá pápasok!
--¿Anó ang sabisabi niyá sa iyó tungkól sa akin?

Paris din ng mga unang salitâ na náiukol ko sa iyó nang tayo'y unang
magkátagpô sa isáng handáan: na, ikáw ay magandáng katulad ni Venus,
paris n~g Talà sa umaga. ¡Umiibig na sa iyó! Maáasahang siyá'y bihag
mo na....
Binuksán ni Pati ang kanyáng dalawáng labì na nagpúpulahan upáng
paraanín ang isáng matunóg na halakhák.
--Con qué, umiibig na sa akin, há?
--At pagháhanapin ka mámayâ.
--¿Saán? ¿saan mo akó itinurò?
--Sa bahay-sáyawan.
--Sa makatwíd palá ay nálalaman nang akó'y mánanayaw? ¿at anó ang
sabi sa iyó? ¿hindî ba niyá nábabasa ang m~ga páhayagáng, hindî
miminsan at mámakalawáng nagsásabog diyán ng m~ga balitàng
diumanó'y hindî mga babae ang mga mánanayaw sa «suscrición» kundî
isáng tungkós na mga talimusák?
--Medio ... medio sinabi niyá sa akin ang ganyán; n~gunì't tinugón ko
siyáng ang gayóng balità'y mangyáyaring
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.