Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit | Page 8

Samuel Auguste David Tissot
sa botella.
Ang isang magaling na timban~gang munti. Cun masama ang timban~gan, hindi sucat gamitin, at cun minsan ang gamot na titimban~gin doon, ay macacamatay sa maysaquit. Masama naman ang timban~gang malaqui, lalo pa cun cacaonti ang titimban~gin doon.
Ang ilang san~ga,t, ugat nang Bulacan. Ang man~ga san~ga,i, gangadaliri calaqui, na pagpuputlinputlin at ibibilad nang malauon sampon nang ugat, bago itago sa paliyoc na may taquip na ibibitin sa suloc nang cosina. Itong damo,i, cucunin pag natuyo ang bun~ga.

ANG MAHUSAY
na paraan
=NANG PAGGAMOT=
SA MAN~GA MAYSAQUIT

=CAPíTULO 1.=
Ang man~ga dahilan iquinapagcacasaquit nang tauo.
Párrafo I. Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao-arao, na hindi nagpapahin~ga. Cun minsan ang gayong tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang _garrotillo ó sintac,_ ó maguiguing ética caya. Datapoua,t, cun hindi ma-aari ang di siya gumaua, uminom siya nang suero, ó gatas nang baca, ó calabao: ó cun maliuag sa caniya ito,i, uminom nang tubig na dinoonan nang sa icatlong bahaguiag suca. Ang man~ga babayi ay maraling magcasaquit, gaua nang paghabi, ó pananahi, ó pagdurugtong nang abacá, sapagca mahirap ang calagayan nang catauan doon sa pag-gaua noong man~ga gauang yaon. Ang bagay sa canila, ay manaog sa lupa arao-arao, at magtanim nang anomang bagay na damo doon; cun gayon ang sin~gao nang lupa, ang paghipo nang man~ga damo, at ang paglibang nang loob ay totoong macababauas nang canilang hirap.
2. Ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag-gaua, cun minsan yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,i, ang suero na iinomin nang malauong panahon; saca ang ba?os nang tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod sa catapusan ay ang gatas nang baca, calabao, ó cambing. Ang man~ga bagay na maiinit pati nang matubig ó magatas hindi maigui sa saquit na ito.
3. Mayroong isa pang bagay na cahinaan ó cayayatang dala nang caual-an, ó caruc-haan, cun ang hanap nang tauo,i, hindi magcasiyang canin: ó cun hindi magaling ang quinacain, ó cun masama ang tubig, at saca nahihirapan nang pag-gaua. Ang bagay sa saquit na ito,i, ang magaling na cacanin, at ang caonting alac.
4. Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico. Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, baba?osan nang tubig na malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.
5. Gayon ding pinagmumul-an nang pagcacasaquit ang malamig na tubig na iniinom nang tauo cun siya,i, nainitang totoo. Caya cun minsan ay nagcacasaquit nang garrotillo, ética, ó cólico: cun minsan namamaga ang atay at ang tiyan, ó sungmusuca, ó hindi maihi, at parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan. Ang nagcacasaquit nang gayon, cucunang agad nang maraming dugo, saca baba?osan sa tubig na malacoco. Susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco na may caonting gatas; paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang bilin sa número 2; lalag-yan naman nang man~ga basahang babad sa tubig na mainit-init sa liig, sa dibdib at sa tiyan.
6. Cun minsan ang tauo,i, inaabot nang ulan sa daan, at ang mabuting gauin niya pagdating sa bahay, ay magbihis siya at maligo agad sa malacocong tubig nang houag siyang magcasaquit; at cun lag-yan nang caonting sabón ang tubig, lalo pang mabuti. Ito lamang gamot na ito macacauala cun minsan nang cólico, ó sintac nang tauo pagca nabasá ang caniyang man~ga paa.
7. Ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,i, ang pag-inom nang alac. Ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling tumanda; cun minsan hinihica, ó namamaga ang dibdib at nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca hindi matablan nang gamot ang caniyang payat na catauan.
8. Nacasasama naman sa catauan nang tauo ang pagcain nang bun~ga nang cahoy na hindi pa hinog na totoo.
9. Mayroong isa pa manding masama, na marahil canin nang tagarito sa Filipinas, yaong bagang itinitinda, na ang pan~gala,i, suman, empanada, oocan, calamay, madhoya, ó tinapay na hindi alza, na paraparang nacasisira sa sicmura; at saca nanhihila nang lagnat, man~ga bicat, at sarisaring sibol sa catauan nang tauo.

=CAPíTULO 2.=
Ang man~ga dahilang iquinalalaqui nang man~ga saquit nang tauo.
10. Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 104
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.