Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit | Page 9

Samuel Auguste David Tissot
pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit. Datapoua,i, mayroong man~ga saquit, na hindi bagay doon ang pauis, sapagca hinahacot nang pauis ang pinacatubig na calahoc nang dugo, at caya ang dugo,i, lumalapot, natutuyo,t, umiinit. Caya n~ga yata hindi bagay sa nalalagnat ang triaca, ang alac, at ang lahat na nacacapagpapauis sa tauo.
11. Ang man~ga maysaquit tinatabin~gan, quinucumutan, linilibutan nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,t, dun~gauan; itong lahat na gauang ito,i, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa caniya; na ang ualang saquit ma,i, hindi macacapagtiis noon. Caya masamang gauin yaong man~ga gauang yaon, lalo na cun ang idinaraying nang maysaquit ay ang init, at cun naquiquita namang tuyo ang caniyang balat, ang man~ga labi, ang dila, at ang lalamuhan at saca mapula ang ihi, at cun ang ibig niyang totoo ay ang man~ga bagay na malamig.
12. Ang ipinacacain sa maysaquit, ay isa namang nacasasama sa caniya. Ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi pacanin nang man~ga bagay na magaling; caya binibigyan nang masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang masama sa maysaquit, at caya na-aalamang masama, ay cun minsa,i, lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: ó siya,i, sungmusuca, nag-iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang pinaiinom mandin nang lason. Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailan~gang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang man~ga bagay na nacacatunao nang man~ga malalagquit na dumi doon. Uala isamang nalalagnat na tauo na namatay dahil sa gutom: at alin mang nalalagnat, di man pacanin nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma-aano, houag lamang maual-an siya nang tubig.
Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hinin~ga, pati nang ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan nang _carne, sabao, itlog, triaca,_ at nang iba pang man~ga maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura, cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon. At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon.
13. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama. Ang purga nacacasama,t, nacacagulo sa lahat na bituca, na yaon ang iquinamamatay nang tauo. At nang maalaman cun cailan bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pan~galan nang saquit dito sa libro sa caniyang capítulo at doon sasabihin ang gagauin.
Nota. Dahil sa casam-an nang pag-gamot sa man~ga maysaquit dito sa Filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa canilang tiyan; at bagamán hindi nacacamatay yaong saquit na yao,i, cun minsan nacagugulo sa man~ga catungculan nang sicmura,t, bituca. Itong saquit na ito,i, maliuag gamutin; magaling doon ang suero número 17, ang píldoras número 18, pati nang sa 57; maigui rin ang man~ga gulay at ang man~ga saguing etc. na nacagagaling-galing cun malaon.

=CAPíTULO 3.=
_Ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya,i, magcacasaquit na._
14. Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati. Cun gayon ang man~ga nararamdam nang may catauan, malapit na siyang magcasaquit.
15. Pagca ganoon ang damdam, ang gagauin niya,i, houag titiquim siya nang carne, sabao, ó itlog; ó alac; houag siyang magsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero 1 ó 2, ga dalaua ó tatlong botella carami maghapon: cun aayao siya doo,i, uminom nang tubig na malacuco na huhulugan nang caunting suca. Cun ualang suca, ang dalauang botellang tubig na malacuco ay doonan nang caunting asín, at yaon ang inomin. Cun baga mayroong pulot ay mabuting lag-yan ang tubig nang tatlo ó apat na cuchara noon. Magaling naman ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao; na-aari pati ang suerong malinao. Saca siya,i, magsumpit nang tubig na malacuco, ó nang bilin sa número 5. Cun gayon ang gaua nang tauo cun sungmasama ang damdam, magpatuloy man ang caniyang pagcacasaquit, caalam-alam hindi siya lulubha.

=CAPíTULO 4.=
Ang mahusay na gaua sa may man~ga malalaquing saquit.
16. Touing sasabihin dito sa librong ito, na ang maysaquit _ilalagay sa husay_, gagauin ang lahat na nauutos dito tungcol sa cacani,t, iinumin noon, at sa isusumpit sa caniya; at caya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 104
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.