ang buti cong hauac?at ng maniuala ang macamamalas.
KALINT.--Tignan co! tignan co! aquing susubuquin?ang daluping ito na lubhang magaling?ng nawa'y mahaui ang dauag sa ba?gin?na nacasusucal sa iyong panimdim.
(_Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito sa pagcat hindi tinablan._)
CHITO.--Cahiman mag-ubos ang galing at buti?hindi magcacagahi ang pagcalalaqui?di magugutlian ang taglay na puri?di masusugatan ang pagcabayani.
KALINT.--Diyata! diyata! hindi co tatablan?ang daluping itong ualang cabuluhan?asahan catoto abó na ?gang tunay?itong baluti mong pinacacamaha.?(_Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito._)
LUSINO.--Aco ?ga! aco ?ga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong pina-iimbulog.
CHITO.--Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mulá sa lamgam, maliit na lamok.
(_Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon._)
=ICALAUANG BAHAGUI=
Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis.
=Hablado=
UNANG DIGMA
Si Chito ay gayac lacayo, caya ?ga ang cuaco at calicot ay capua biyas ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo.
CHITO.--Magsiquilos cayo at na?garito na culog sa Cartago at lintic sa Grecia. (_Magugulo ang sayauan._)
LUSINO.--?At saan na roon?
CHITO.--Sa Real batería.?(_Ang putucan ay mariri?gig mula sa loob._)
LUSINO.--Tauaguin sa batis ang mga babaye.
KALINT.--?Ano?
LUSINO.--Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale at dalauang bata na capua lalaqui.
JOSEFO.--(_Papasoc na nag-cacandarapa_)?Magmadali cayo at na?garito na?ang mga sundalo, casador at guardia?ang na sa cataua'y mauser at pistola?mayroong músico, tambor at corneta.
DáMASA.--?Ina co!
DORAY.--?Ay Dios!
JOSEFO.--Huag cayong matacot?huag pahinain ang sariling loob?sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc?ay may camatayan na lilibot-libot.
KALINT.--?Sulong na! (_Cay Dámasa_)
DáMASA. (Sa mga bata)--?Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga sundalo
DORAY.--?Ang aquing blanquete!
IDENG.--Ang aquing postizo.
CHITO.--?Ang aquing calicot!... at ... ang aquing cuaco
KALINT.--(_Sa mga babaye_) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip ng ha?gin na mulá sa timog?
CHITO.--Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay dalhin sa bundoc.
DORAY.--?Oho!
CHITO.--Tila hindi!...
KALINT.--?At saan pa baga?
CHITO.--Sa panibugho ?ga sa sintang asaua
(_Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac_).
DáMASA.--?Lusino! ?Lusino! ?nasaan ca baga???icaw ay umilag sa ulan ng bala!...??Lusino! ?Lusino! cami ay itago?sa cugon, talahib at layac na tuyó.
LUSINO.--Dito magsihiga!... sa pagcat malagó ang luya luyaha't naglauit ang dapo (_Putucan_).?--Subsob na Dámasa!
DáMASA.--?Saan baga Sinong?
LUSINO.--?Dito sa talahib!... dito! dito! dito! iyo ng isubsob matigas mong ulo (_Mahihiga at tatabunan ng layac_)
DáMASA.--Lusino, halica! ?halica Lusino!
LUSINO.--Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag mag-alala.
CHITO.--Cahit humaha?gi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na nag baua.
ICALAWANG DIGMA
Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit.
KALINT.--Yamang naliligpit ang mga babaye?tayo namang lahat sa gubat ma?guble?pagcat ang calaban ay lubhang marami?at di mag gapi ng pagcabayani.
LUSINO.--Cun gayon ang uica ?abata!
KALINT.--?Abata!
CHITO.--Huag acong iuan! (_baba?gon_)
LUSINO.--?Huag cang sumama!
CHITO.--Aquing ilalaban calicot cong dala! ?Ito bagang talim ng aquing nalicot di maipapantay sa talas ng guloc?
KALINT.--Cung gayo'y abata!
CHITO.--Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (_Sususuhan at saca hihititin_)
KALINT.--?Madali!
LUSINO.--?Madali!
CHITO.--Hintay cayo! hintay!?aco ay ?ga?ga?ga ng upang tumagal?(_Babataquin ang languay at saca magcacalicot_)?at baca sacali tayo ay malaban?sa mga castila na pauang sucaban.
KALINT.--?Madali!
LUSINO.--?Madali!
CHITO.--Hintay! hintay cayo!?madaling maluba ang ikmong Patero?at cung malalaban mahiguit sa ikmo?ang aquing gagauin sa lahat ng lilo.
ICATLONG DIGMA
Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantería ay masasalubong ni Tecla at ni Paco.
PE?A.--Capagca umaga na macaliuay-uay?cami ay umalis sa cuartel general?na ang tica't nasa gubati't looban?lahat ng himacsic sa bundoc at parang.
Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat,?matulis na bató, matinic na dauag?na sa baua't hakbang ay may nadudulas?at may nadadapa sa lumot at lusac.
Dahil sa sinagui nayong Balangutan?na sacop ng Turic, lupang Capampa?gan?hangang sa sinapit patoc ng Magalang?na lubhang mataas, malapad ang parang.
At sa laquing pagod sa pagcacalakad?sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galás?ng aming sapitin licod ng Arayat?di na macahakbang ang paa sa dulas.
Caya sa pag hacbang at mga pag li?ga?sa ba?gin, bulaos, sapa at tumana?cung aco'y maluhod at saca mahiga?hindi co na ibig buma?gon pang cusa.
At sa gayong hirap uala cahit isa?matanaw na tauo at ualang maquita?isa man lang cubong mag-gauad guinhaua?sa malaquing pagal na aming dinala.
Subali mayroon caming nariri?gig?na putoc at siclab sa mga talahib?dapua hindi naman abutan ng masid?at hindi matunton ang landas at batis.
Sa gayon ng gayon ibinalic cami?sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi?ng uala rin namang maquitang bubuli?siya ?gang pag-oui cahit hating-gabi.
PACO.--Cun gayo'y humimpil at magpahi?galay ng upang mahaui ang matinding pagal.
TEKLA.--Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang bahay.
ICAAPAT NA DIGMA
Dámasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito.
DORAY.--Mabuti at hindi aco'y na yuracan?ng mga sundalo ng sila'y magdaan?at di man naquita ang paa at camay?doon sa bulaos na quinasubsuban.
KALINT.--Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa pagcacatago.
NONATO.--Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay bina?gaw at ?gayo'y mabaho.
CHITO.--Cun ako'y quinilos ay naquita sana?ng mga sundalo ang dahas at sigla?at tuloy na suboc ang aquing sandata?talim ng calicot higuit sa muhara.?(_Saca bubunutin ang talim ng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.