Ang Katipunan | Page 3

Gabriel Beato Francisco
ng cuta sa may calunuran?
TIBó.--Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang baon sa hucay.
JOSEFO.--Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang maquitang landas.
LUSINO.--Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong bayabas.
KALINT.--?Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo.
TIBó.--?Cayo'y aquing lisan!...
KALINT.--Lumacad na cayo!...
ICASIYAM NA DIGMA
Sila rin.
JOSEFO.--Capag na iba?gon ang lahat ng ito?may catatagan na ang mga sundalo.
At di magagahis cahit pag-ubusan?ng maraming tucso na ating calaban?at di mapapasoc saan man magdaan?ang mga castilang tunay na caauay.
Liban cung magahol sa tinga't pólvora?at sa ... cani't ulam cung nag babaca na?subali sa tapang na aquing naquita?itac ay catimbang ng mauser nila.
At cun dili baga pauang magagaling?ang mga sundalo at bataan natin?ang guloc at pisao na ta?ging patalim?di maisusuro sa bala ng mauser.
Sa pagca't maicli't macaaabot?sa caya ng mixtong malacas sa culog?matulin sa quidlat at cung macatuhog?ang pambugang mansa'y caquilaquilabot.
Subali ang mixtong aquing isinaysay?at ang licsi, lacas, dahas, catapa?gan?capag sinarili at pinanghauacan?pilit magagahis ng macacaauay.
Caya ang marapat sa pagcat uala na?tayong gagamiti't gagauing sandata?liban sa itiric ang dalauang mata?sa nunu?gong la?git at daquilang gloria.
At sa Dios Ama at Divino Verbo?sa Vírgen Santísima at lahat ng santo?ating idala?gin ang lahat ng ito?cahimanauari tayo ay manalo.
LUSINO.--Ang mauiuica co at maisasaysay?sa iyo catoto't piling caibigan?hangang masagunson bala ng calaban?mga bata natin padapain lamang.
Saca cung lumalo putoc na sagunson?isibasib nila tabac na pang-lulong?hangang sa tumachó yaong mga buhong?huag ititiguil ang tagang palacol.
JOSEFO.--Gayon ?ga ang gaua!... caya cung uariin?ng aquing pasiya, puso at panimdim?mga buhay nilang catulad ng atin?iniaalay na sa mga patalim.
At sa camatayan na lilibot-libot?sa bundoc, sa bayan at mga alaboc?na di tumitiquil sa mga pagdampot?sa buhay ng tauo na guising at tulog.
LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid?sa mga caauay:--?cun ano ang bilis?ng bala ng mauser, gayon din ang inet?ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!
KALINT.--?Tunay caya baga lahat ng sinaysay?ng mga catoto't aquing caibigan??marahil ay hindi!... ?pauang cabambanan?at ang ibang turing ay capalaluan!...
ICASAMPUNG DIGMA
Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.
TIBó.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang pagcacaayos.
JOSEFO.--?Tunay?
TIBó.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng gulod.
JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco?ang lahat ng cawal na doo'y dumaló?dalhan pa ng alac na na sa sa frasco?Jerez, Manzanilla at anis del mono.?(_Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó_)
TIBó.--Salamat! salamat!
KAWAL.--Mabuhay! mabuhay! ang ating pa?gulo at bunying general!...
KALINT.--Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin magpacailan man.
JOSEFO.--Yamang na ba?gon na ang muog at cuta?ng magcacapatid na aba at duc-ha?sa awa ng Dios at Poong daquila?na dunong tumi?gi't paham cumali?ga.
Tayo namang lahat magtica't manalig?sa lahat ng santos at mga angeles?ng upang abutin ang pita at nais?sa dacong ibayo ng mga pa?ganib.
LUSINO.--Ang lalong mabuti tayo ay maghalal?isang pintacasing madadala?ginan?sa lahat ng oras at sa paglalaban?ay iadya nauá sa mga caauay.
JOSEFO.--Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin?angel ng príncipeng San Miguel Arcangel?ang siyang ihayag sa puso't panimdin?at siyang dai?gan saan man pumaling.
Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi?sa la?git at lupa ay di nagsagabi?at sa paglilincod sa Hari ng hari?palalong si Luzbel ay inalugami.
Sa hirap, sa hapis at sa caabaan?at pinagpagdusa caloloua,t, catauan?sa alab ng apuy at sa casanaan?punong sinusunod noong mga hunghang.?Na mga demonio.
KALINT.--?Mabuti!...
LUSINO.--?Magaling!...
KALINT.--Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing ini?gat ... na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin.
JOSEFO.--Cun ang pasiya co ang paaayunan?si Chito ang ating suutan't gayacan?sa pagcat ang sabi at uica sa tanan?siya'y may daluping pinanghahauacan.
Na cun ga totoo ating masusuboc?sa paquiquibaca at paquiquihamoc?sa loob at labas ng alin mang muog.
CHITO.--Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat?cun sa aquing galíng sila'y magugulat?sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat?ng dalauang mata ...! yao na ang quidlat.
Na aquing dalupi at ang anting-anting?cun siyang umiral ay lalong magaling?dahil sa itaas, boong pa?gonorio?ay malalaro cong catulad ng ha?gin.
KALINT.--Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong caibigan.
LUSINO.--Ng ating masuboc ?gayon din suutan saca paliparing tulad ng asuang.
ICALABING-ISANG DIGMA
Sila rin.
JOSEFO.--?Hayo na! ?gayon din!... Icao ay magsuot?ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios?ng upang magligtas ang boong tugatog?sa bala ng Mauser at mga dayucdoc.?(_susu-utan_)
CHITO.--Sa aquin ay bagay ang gayac na ito.
KALINT.--Di nababagay sa iyong pagcatauo.
CHITO.--?Baquin baga hindi ibig na catoto?...
KALINT.--Dahil sa caduagan at icao'y tatacbó,?sa siclab ng gato at haguing ng bala?at sa maaamuy baho ng pulborá?lalo kung sacsaquin ng macacabaca.
CHITO.--?Di baga talos mo na di nagugulat?sa tonog ng culog at ningning ng quidlat?at di natatacot sa macacalamas?na may itác, pusil at anomang tabac?
KALINT.--(_Sa calahatang tauo_) Matindi ang cábag nitong si catoto!... at masamang ha?gin ang na sa sa ulo!
CHITO.--Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ... subuquing totoo!...
KALINT.--Ibig mo
CHITO.--Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang maa?gal.
KALINT.--Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang mabuhay?
CHITO.--Huag ang catauan ang iyong subuquin?cung mayroon tacot hinayang sa aquin?ang iyong unayan ng tagang madiin?itong baluti co na may anting-anting.
At cung hindi tablan ng taga at sacsac?ay iyong barilin ng sa boong dahas?ng upang matalos
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.