Ang Bagong Robinson | Page 6

Joachim Heinrich Campe
sa masayang parang ay
pinasimulan ang ganitong salitaan.

=UNANG HAPON.=
Si Teodora. ¿Dito baga tayo, ama?
Ang Ama. Oo, dito sa ilalim nang punò nang manzano.
Si Nicolás. Ito,y, isang lugar na totoong cauiliuili.
Ang Lahat (nan~gaglucsuhan sa malaquing toua at ang uica nila,y,).
Cauiliuiling totoo dito.
Ang Ama. Datapoua,t, ¿anong iniisip ninyong gauin habang sinasalita
co sa inyo ang Historiang ito? Caraniua,y, ayao cayong
magtun~gan~ga lamang: ang ualang guinagaua cailan man ay di
mabuti.
Si Juan. Nararapat na tayo,y, magcaroon nang anomang pagliliban~gan
dito.

Ang ina. Aco,y, may dala náng gulay na hihimayin. ¿Sinong ibig
tumulong sa aquin?
Ang Lahat. Aco, aco, aco.
Si Teodora. Caming dalaua ni Luisa, at icao, Cárlos, ¿maghihimay baga
tayo nang gulay?
Si Luisa. Aco,y, hindi, sa pagca,t, gagauin co ang tanicalang itinuturo
sa aquin nang ating ina.
Si Teodora. Cung gayo,y, tayo,y, maghimayhimay na dalaua lamang.
Halica, Cárlos, umupo ca.
Si Basilio (naquiupo naman, at naguica:) Ibig co namang gumaua na
para ninyo.
Si Ramon. At aco naman.
Si Enrique. Dito,y, maluag. Tingnan natin cung sino pa ang
maghihimay.
Ang Ama. Lumagay cayo na mangyaring maquita ninyo ang paglubog
nang arao, sa pagca,t, n~gayon ay totoong mariquit ang lagay nang
lan~git.
(Nagsiupong lahat, at pinasimulan ang paggaua nila.)
Ang Ama. N~gayon, man~ga anac co, sasalitin co sa inyo ang isang
Historia, ó isang nangyaring totoong cacaiba, na sa pasimula,y,
maninindig ang inyong man~ga buhoc, at pagcatapus ay ilulucso ninyo
sa touà.
Si Tedodora. Oh! houag sanang totoong malungcot.
Si Luisa. Cung totoong malungcot, ay houag; sa pagca,t, iiyac caming
ualang pagsala.
Si Juan. Pabayaan natin, at naaalaman nang ating ama ang caniyang

guinagaua.
Ang Ama. Houag cayong matacot, man~ga anac co, at sasalitin co sa
inyo nang boong pagiin~gat, nang houag magcaroon nang anomang
bagay na totoong malungcot.
Sa ciudad nang Hamburgo ay may isang tauong ang apellido,y,
Robinson, na may tatlong anac. Ang pan~ganay ay nacaibig na
magsundalo; nagsundalo na n~ga, at namatay sa isang digmà laban sa
man~ga francés. Ang icalaua,y, nahilig sa pagaaral, at isang arao sa
paginom nang tubig na malamig sa oras na totoong naiinitan, ay
nagcasaquit nang dibdib at namatay.
Si Luisa. Caya n~ga ang uicà nang ating ama, ay capagca tayo,y,
totoong naiinitan, ay di dapat uminom.
Ang Ama. Ualang natitirá cundi ang anac na bunsò, na ang n~gala,y, si
Conrado; at caya n~ga ang ama at ina magmulà niyon ay ang boong
pagasa,y, inilagay sa nacaisaisang anac, na iniibig na parang balintatao
nang man~ga mata; datapoua,t, ang canilang pagmamahal ay hindi
mabuti.
Si Teodora. ¿At anong ibig ninyong sabihin, ama co, dito sa hindi
mabuting pagmamahal?
Ang Ama. N~gayo,y, ipahahayag co sa iyo.--Cayo,y, iniibig naman
namin, para nang natatalastas na ninyo: datapoua,t, gayon man ay
pinagpipilitan namin na cayo,y, matutong gumaua, tinuturuan namin
cayo nang maraming bagay na nacauiuili at paquiquinaban~gan, sa
pagca,t, natatalastas namin na sa paraang ito ay cayo,y, babait, at cung
gayo,y, ualang pagsalang cayo,y, magcacapalad. Datapoua,t, ang
man~ga magulang ni Conrado ay iba ang pagpapalagay, sa pagca,t,
pinababayaang gauin ang balang maibigan nang minamahal nilang anac;
at pagca,t, ang munting caballero,y, ualang iniibig cundi ang maglaro,
at ayao magsipag at magaral nang anomang bagay, pinababayaang
ualang guinagaua at maglicot sa boong maghapon; na sa macatouid, ay
sa pagaaral at sa mabuting turò nang magulang ay ualang
pinapaquinabang. Ito n~ga, anac co, ang tinatauag na pagmamahal na

hindi mabuti.
Si Teodora. N~gayon co natalastas.
Ang Ama. Lungmalaqui ang batang si Robinson na ualang matutuhang
paglag-yan sa caniya. Ninanasà nang ama na magaral nang
pan~gan~galacal; datapoua,t, hindi ibig nang anac, sa pagca,t, ayon sa
caniyang uicà, ang lalong ibig niya,y, macaquita nang mundo at
magpagalagala: sa catagang uica,y, ualang iniibig cundi ang siya,y,
mabuhay na pagayon lamang, ualang gauà at ualang quinapapacanan,
na parang hindi tayo itinalaga sa alin mang calagayan na sucat
paquinaban~gan. Sa catunaya,y, ang batang ito,y, ualang munting
pagiisip nang pagsasalità. Cung siya,y, nagaral nang man~ga bagay na
sucat paquinaban~gan at quinacailan~gan, ay ibang iba sana ang
caniyang pananalità; datapoua,t, ¿anong mahihità sa paggalà sa mundo
nang isang binatang ualang munting pinagaralan na para ni Conrado?
Capag nagnanasang maghanap buhay sa alin mang bayan ay
quinacailan~gan ang pagcatalastas at catalasan; at ang ating Robinson
ay hindi nag-iisip nang ganitong bagay.
Tumuntong na siya sa labing pitong taon, at hangan nion ay ualang
guinagaua cundi ang acsayahin ang panahon sa pagpapalibotlibot sa
lahat nang oras. Ualang arao na di inuun~gutan ang caniyang ama na
siya,y, big-yang pahintulot na maglayag; datapaoua,t, ang sagot nang
ama, ay ang caniyang ninanasà ay isang malaquing caululan, cailan
man ay ayao na maririn~gig ang bagay sa paglayag. Isang arao ...
Si Luisa. N~gayon, pasisimulan ang salita.
Si Nicolás. Houag cang magiin~gay.
Ang Ama. Isang arao, na ayon sa caniyang caugalian, ay naglilibot sa
tabi nang dagat, ay nasumpun~gan ang isa niyang caibigan. Ito,y, anac
nang isang Capitan sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 64
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.