Ang Bagong Robinson | Page 5

Joachim Heinrich Campe
canilang pinag-aauayan ay ang pagsasabi nang isa sa isa, na
hindi quinacalin~ga ang dapat gauin; at ang cagalitang ito,t, man~ga
pan~gun~gusap ay siyang ipinagcaalit nila at ipinagcahiualay.
Datapoua,t, sila rin, nang macapagmunimuni na, ay naghin~gian nang
tauad, at nagcaibigang mulî, at macasamang nabuhay na may apat na
taon. Sa panahong ito,y, naquita nilang dungmaan ang ilang sasac-yan,
at sila,y, nagpausoc; datapoua,t, hindi nila pinaquinaban~gan, at hindi
sila napansin nang man~ga sasac-yan; caya n~ga di mamagcano ang
canilang capighatian, na culang na lamang ay malagot ang canilang
hinin~ga.»
«Sa catapusan nitong mahabang panahon ay nagcataong dumaan doon

ang isang sasac-yang totong nalalapit sa canila, na nacaquita nang
canilang pagpapausoc, at ibinunsod sa canila ang bangca, at sac-yan
nila sa pagparoon sa daong. Si Pedro Serrano at ang caniyang casama
na capoua nagsihabà na ang canilang man~ga balahibo at balbas, ay
nang malapit na ang bangca, ay nang houag acalain nang man~ga
marinero na sila,y, demonio, ay dinasal nila ang Sumasampalataya at
sinambit nila nang malacas ang n~galan nang ating Mananacop; at
dahil dito,y, hindi nan~gatacot ang man~ga marinero, cahit sila,y,
ualang anyong tauo. Dinala na sila sa canilang sasac-yan, na di
mamagcano ang pagtataca nang balang sa canila,y, macaquita at
macarin~gig nang man~ga cahirapang canilang pinagdaanan.
Ang casama,y, namatay sa dagat nang papatun~go sa España. Si Pedro
Serrano,y, dumating dito, at lumipat sa Alemania, na siyang
quinalalag-yan nang Emperador sa panahong yaon: hindi inaahit ang
caniyang balahibo, balbas at buhoc, at nang maguing tandâ at
catunayan nang caniyang pagcabagbag, at nang lahat nangyari sa
caniya. Sa lahat nang bayang caniyang pinagdadaanan, cung ibig
niyang paquita ay nagcacaroon siya nang maraming salapi. Ilang
man~ga guinoo at man~ga caballero na nacaibig macaquita nang lagay
niya, ay pinagcacalooban siya nang gugugulin sa caniyang paglacad; at
ang Emperador sa pagcaquita sa caniya at pagcarin~gig ay
pinagcalooban siya nang apat na libong piso, na bouis sa taon taon.
Nang cucunin niya, ay namatay siya sa Panamá, na hindi niya
nacamtan.»
«Ang lahat nang salitang ito, para nang nabanguit na, ay sinasalita nang
isang Caballero na ang n~gala,y, si Garci-Sánchez de Figueroa, na sa
caniya co napaquingan, at nacaquilala cay Pedro Serrano;
pinatotoohanan niya na sa caniyang bibig napaquingan, at nang
matapus na siya,y, maquita nang Emperador ay binauasan nang cauntì
ang caniyang buhoc at balbas nang houag dumating hangan sa
bayauang; at cung siya,y, natutulog sa bagi ay pinupusód niya, at cung
hindi gayon, ay sungmasabog sa hihigan na nacalilingatong sa caniyang
pagtulog.»

=ANG BAGONG ROBINSON.=
* * * * *
HISTORIA MORAL
* * * * *
PASIMULA
Sa isang bahay sa parang na di nalalayóng lubhâ sa Hamburgo,
mariquit na ciudad nang Alemania, na nalalagay sa dalampasigan nang
mayamang ilog na Albis, ay tungmatahan ang isang malaquing ancan
nang man~ga tauong magcacamaganac at magcacaibigan. Mahirap
matalastas cung alin ang lalong minamahal nang ama at ina, na
pinacaulo nang ancang yaon ó familia; cung ang caniyang man~ga anac
na lalaqui na si Nicolás at si Juan, ó ang man~ga anac na babayi na si
Teodora at si Luisa; ó ang caniyang man~ga pamangquin na si Enrique
at si Cárlos, ó si Ramon at si Basilio, man~ga anac nang dalaua nilang
caibigan. Ang dalauang ito,y, man~ga binatà na, at ang iba,y, man~ga
batà na di parapara ang canilang edad. Ang lahat ay nacacaisaisang
loob na parang magcacapatid; at ang lahat ay paraparang nagsisisunod
nang maligaya sa ama at sa ina, at nagsusumicap nang pagaaral at nang
pagpapacabuti nang asal, sa pamamaguitan nang ayos na turò, na sa
pagpapaliuanag sa canilang pagiisip ay nalilimbag naman ang
magandang ugali sa canilang man~ga pusò. May oras silang iguinagaua,
at may oras na ipinaglilibang; datapoua,t, ang caraniua,y, sila,y,
nagsasamasama, at habang gungmagaua sila nang anoman, ay
pinagsasalitaan sila nang canilang ama nang sarisaring Historia at
man~ga salitâ, na bucod sa nagbibigay caliban~gan sa canila, ay
nacacaroon sila nang mabuting halimbaua nang cabanalan, nang puri at
uastong caugalian.
Ang susunod na Historia Moral ni Robinson ay siyang nagamit nilang
salitaan sa maraming hapon; at nang maunauà nang ama na totoong
isinasaloob at iquinaliligaya nang man~ga batà ang man~ga di
caraniuang bagay na nangyari doon sa sauing palad na binatà, at ang
paquinabang sa salitang ito, ay minatapat na isulat at icalat, nang

maguing liban~gan nang ibang man~ga bata na macababasa ó
macaririn~gig nang gayon ding caligayahan, at cung magcaminsa,y,
gayon ding capaquinaban~gan.
--Ama co, ang uica ni Teodora nang isang hapong masayá nang tagarao.
¿Pagsasalitaan caya ninyo cami n~gayon, para nang dati, nang
anomang Historia?
--Oo, anac co, ang sagot nang ama, datapoua,t, sayang na di natin
macamtan ang caligayahan nitong matahimic na hapon. Tayo,y, pasa
parang, na doo,y, ang pananariuà nang man~ga halaman ay nagaanyaya
sa atin.
--¡Oh, totoong mabuting bagay ang inyong naisipan! ang sigao nang
lahat; ¡doo,y, paano caya ang ating caliban~gan!--At naglulucsuhan sa
touâ ay nanaog nang bahay, at capagdating
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 64
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.