pagca,t,
ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa
pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin mang
cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya nang
bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay
gagauin niyang binalol ó pamingquî; at sa pagca,t, ualang maquitang
bató sa pulô, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang
guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató; at
sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili niya
ang lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang dalauang
bató nang magcaroon nang talím na pagpipingquian, tinicman niya na
piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan nang
apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang barò, at
pinagligasligas niyang maliliit, na siya niyang guinauang lulog, at sa
caniyang catiyagaan at cauulit nang pagpingquî ay nacucuha siya nang
apuy.
Nang mangyaring houag mamatay at houag mapugnao ang caniyang
apuy ay cumuha siya nang maraming yaguit na ipinapadpad sa tabi
nang man~ga alon sa dagat, at pinamumulot niya ang man~ga
capicapisang na cahoy, na tinatauag sa castila na ovas marinas, at
man~ga tabla nang man~ga sasacyang nadudurog sa dagat, at man~ga
talaba at man~ga butó nang isdà, at iba pang man~ga bagay na
magdidiquit sa apuy. At nang houag mamatay sa ulán, ay gumaua nang
isang cubocubohan na pinagugnay-ugnay ang man~ga talucab nang
man~ga pagóng na pinatay niya, at totoong pinacain~gatan na houag
mamatay.
Sa loob nang dalauang bouan, at marahil ay culang culang pa, sa
cauulán, sa arao at sa calamigan nang lugar na yaon ay siya,y, naguing
hubo,t, hubad, dahil na nabuloc ang caniyang damit na bahaguià na
lamang nacatatataquip sa caniya. Dahil sa totoong cainitan nang arao ay
nahahapó siyang masaquit, sa pagca,t, damit man ay uala siya, lilim
man ay uala siyang masilun~gan. Capag siya,y, totoong nahihirapan
nang init, ay lungmulubog siya sa tubig. Nabuhay siya nang tatlong
taon sa ganitong cahirapan, at sa panahong ito ay nacaquiquita siya
nang man~ga ilang sasac-yan na nagdaraan doon; datapoua,t, cahit
siya,y, nagpapausoc, na siyang tandà sa dagat nang tauong nasisinsay at
napapahamac, ay hindi napupuná nang man~ga sasac-yan, ó dahil caya
sa catacutan sa man~ga pungtod ay hindi macapan~gahas lumapit sa
caniyang quinalalag-yan at nagpapatuloy nang paglayag. Ang bagay na
ito,y, totoong ipinagpipighati ni Pedro Serrano, na pipiliin ang
camatayan, houag lamang magtiis nang ganoong cahirapan. Sa sin~gao
nang lugar na yaon ay totoong humahabà ang balahibo nang boong
catauan, na anaqui balat nang hayop, na tila sa baboy damo; ang buhoc
at ang balbas ay dungmarating hangang sa bayauang.»
«Nang macaraan ang tatlong taon, isang hapo,y, malayò sa gunità ni
Pedro Serrano ay nacaquita nang isang tauo sa pulóng yaon, na sa
gabing nacaraan ay napahamac siya sa man~ga pungtod ó cababauan
doon, at ang caniya lamang natimbulan ay capisang na tabla nang
sasac-yan, caya siya nacarating doon; at sa pagca,t nang magliuanag ay
naquita niya ang usoc nang apuy ni Pedro, sinapantaha niyang may
tauo roon, linapitan niya sa lan~goy, na ang caniyang quinacapitan ay
ang naturang tabla. Nang magcalapit na ang dalaua, ay di sucat
matalastas cung sino ang lalong napapaman~ga sa dalaua. Inisip ni
Serrano na ang caniyang naquiquita ay ang demonio na naganyong tauo
na tutucso sa caniya, nang siya,y, magpatiuacal. Ang isip naman nang
bagong dating ay si Serrano ay ang tunay na demonio, sa pagca,t,
totoong habà nang man~ga balahibo, balbas at man~ga buhoc. Capoua
nagsitacbo, at si Pedro Serrano ay naguicà nang ganito: «Jesus, Jesus,
iligtas mo aco, Pan~ginoon co, sa demonio.» Capagcarin~gig nito ay
naalis ang tacot nang isa at inacalà na si Pedro Serrano ay tauo ring
capoua niya, caya pinagbalican at pinagsabihan nang ganito: «houag
cang lumayò sa aquin, capatid co, sa pagca,t, aco,y, cristiano ring para
mo» at nang siya,y maniualà ay dinasal niya nang malacas ang
Sumasampalataya, at nang marin~gig ni Pedro ay pinagbalican niya, at
ang dalaua,y, nagyacap nang daquilang pagibig, at dinaluyan ang
canilang man~ga mata nang maraming luhà, yayamang sila,y,
pinagsing isang palad sa iláng na yaon, na uala nang pagasang macaalis
pa. Halihaling sinasalita ang pinagdaanan nilang buhay. Inacalà ni
Pedro na ang caniyang casama,y, nagugutom, ay binigyan niya nang
pagcain at pagìnom; dahil dito,y, naauasuasan ang caniyang
paghihinagpis, at pagcatapus ay pinagusapang mulî ang canilang
pamumuhay sa macacayanan, na pinagbahabahagui ang man~ga oras
nang arao at gabi sa paghanap nang canilang icabubuhay sa dagat, at
ang man~ga cahoy at man~ga buto nang isdâ, at iba pang man~ga
bagay na icapagdidiquit nang apuy; at lalong lalò na ang laguing
paglalamay, na sila,y, naghahalihalili, nang houag mamatay ang apuy.
Ganito ang canilang pamumuhay nang man~ga ilang arao; datapoua,t,
hindi naglaon at sila,y, nagcaalit, at dahil dito,y, sila,y, nagbucod nang
pagcain, na ang culang na lamang ay magbabag: nang dito,y,
mapagquiquilala ang casam-an nang ating man~ga caugalian. Ang
dahil nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.