Ang Bagong Robinson | Page 3

Joachim Heinrich Campe
at
caralitaan, tulad cay Robinson, na baga ma,t, isang halimbauà ó
talinhagà lamang, ay magagauang uliran nang sinomang na sa sa
isang caguipitan at capan~ganiban, nang houag huminà, malupaypay
at maghinampo ang loob sa Namamahalà nang sangdaigdigan, bagcus

umayon sa caniyang calooban, manalig sa ualang hangan niyang
caauaan, sambahin ang di malirip niyang carunun~gan, na ang
inaacalà natin na isang casacunaan at cahirapan ay bun~ga nang
caniyang pagibig na pagcacaraanan nang ualang hanga nating
caloualhatian, cung baga,t, ating matiis, at tangapin nating
malumanay sa loob at pasalamatan, maguing caguinhauahan at
maguing cahirapan man, ang minamarapat niyang ipagcaloob sa atin.
Sucat hangan dito, bumabasang irog, at pagcaliban~gan mo naua,t,
paquinaban~gan itong catouatouang buhay ni Robinson, na caya co
tinagalog ay iniutos sa aquin nang man~ga Pareng Dominico, at nang
cunang uliràn naman nang sinomang babasa.

=SINALIN SA TESTO=
Nang
=INCA GARCILASO DE LA VEGA.=
* * * * *
Sa unang bahagui nang man~ga Comentarios reales ay nababasa sa
capitulo VII. itong susunod:
«Ang islang (capuloan baga sa tagalog) tinatauag na Serrana, na na sa
pag-itan nang Cartegena at Habana, ay tinauag nang gayon, dahil sa
isang castilang ang pan~galan ay Pedro Serrano, na ang caniyang
daong ay napahamac na nabagbag sa malapit sa pulóng ito, at siya
lamang ang nacaligtas, sa pagca,t, totoong mabuting luman~goy, at
nacarating sa naturang pulô na uala isa mang bahay; di sucat matirahan
nang tauo, ualang tubig at cahoy, doon siya tumahang may pitong taon,
at sa caniyang casicapan ay nagcaroon siya nang cahoy at tubig, at
nacacuha nang apuy, (ang nangyaring ito,y, isang bagay na catacataca,
na marahil ay sasabihin natin sa ibang lugar.) Sa apellídong Serrano ay
tinauag ang pulóng yaong Serrana, at Serranilla ang isang pulô namang
calapit niyaon; at nang houag pagcamal-an ang baua,t, isa.»

Saca sinasabi sa capitulo VIII.
«Nararapat munang bago natin ipatuloy, ay sabihin nating ang nangyari
cay Pedro Serrano. Si Pedro Serrano ay luman~goy sa pulóng yaon na
dati,y, ualang n~galan, na ang pagcasabi, ay may dalauang leguas sa
binilogbilog. Gayon din halos ang sinasabi sa sulat nang paglalayag na
ipinaquiquilala na may tatlong pulông totoong maliliit, na may
maraming cababauan ó pungtod............................. at sinasabing gayon
din ang pagcalagay niong tinatauag na Seranilla, na yao,y, limang
maliliit na pulô na may lalong maraming pungtod mahiguit sa Serrana;
at caya n~ga lumalayò doon ang man~ga sasac-yan dahil sa
capan~ganibang ito ...»
«Si Pedro Serrano ay napahamac sa paglalayag dito, at nacarating nang
lan~goy hangang sa naturang pulô, sabihin ang lumbay nang siya,y,
naroroon na, sa pagca,t, ualang maquitang tubig, cahoy at halaman man
na ipagpatid uhao, ó anomang bagay na sucat niyang pagcaliban~gan,
at ninanasang magdaan ang alin mang sasac-yan, nang siya,y, macaalis
doon, at nang houag siyang mamatay sa gutom at uhao, na inaari
niyang lalò pang maban~gis sa cung siya,y, nalunod doon, sa pagca,t,
lalong madalî ang hirap. Caya sa unang gabi ay uala siyang guinaua
cundi tan~gisan ang sauî niyang capalaran, at di mamagcano ang
lumbay dahil sa gayong capiitan na sucat icapighatî nang sinoman.
Nang maguumaga na,y, muling linibot ang pulô, at naquita niya,y,
maraming man~ga aliman~go, hipon at iba pang ganganito na
nangagaling sa dagat, humuli siya nang ilan at caniyang quinain nang
hilao, sa pagca,t, uala siyang apuy na paglutoan.
Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na
man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong
niya ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba
na caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang
isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na
iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang pagóng,
at ininom niya ang dugô. sa pagca,t, ualang totoong maquitang tubig:
ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang lamán
ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang

pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang
sahuran nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán.
Sa paraang ito,y, siya,y nabuhay, at nacacain sa man~ga unang arao na
pagcatirá niya doon; pinapatay niya ang lahat nang man~ga pagóng na
caniyang mahuli; at mayroong totoong malalaqui na hindi niya ma
ibaligtad, at natatalo siya sa lacas; at cahit quinucubabauan niya at
sinsac-yan ay hindi niya matalo, at itinatacbo siya sa dagat; caya
natalastas niya cung alin ang man~ga pagóng na caniyang nahuli at
cung alin ang hindi. Sa canilang talucap ay maraming nasahod na tubig
si Serrano, sa pagca,t, mayroong totoong malalaqui na naglalaman nang
dalauang arrobang tubig at mayroon namang mumunti na cacaunting
tubig ang nasisilid.
Nang maquita ni Pedro Serrano na marami siyang baon na cacanin at
iinumin, ay inacalà niya na cung siya,y, macaquita nang apuy, nang
mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay
macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 64
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.