At sa tumatan~gis na sangcatauohan habang na sa lupa,t,
nan~gin~gibang bayan icao ang pang-ampat sa luhang nunucal na
pinadadaloy nang capighatian.
Icao ang sumama sa batang cay Tobias, sa madlang pan~ganib iyong
iniligtas, gayon din sa iba na nan~gaglalacad, bagama,t, di namin
napagtatalastas.
Sa alin mang saquit nang nagdaralita sa banig nang dusa,y, lunas cang
mabisa, lubhang mahalagang handog na biyaya nang Lan~git sa tauong
ibig matimauà.
Man~ga nagnanasà na tumangap naman niong matrimonio
sacramentong mahal, sa inyong saclolo,y, dapat na magsacdal sa
magandang palad nang houag masinsay.
Man~ga bagong casal naman ay gayon din, ay nararapat ca nilang
pintuhoin, nang sila,y, maligtas, at houag masupil nang lilong demonio
Asmodeong tacsil.
Ang man~ga magulang na ang man~ga anac ay nan~gauaualay, dapat
na tumauag sa camahalan mo, at nang man~galigtas sa madlang
pan~ganib na tulad cay Tobías.
Sa catagang uica,y, ang ibig magcamit nang tunay na toua,y, sa iyo,y,
manalig, mahal na Arcángel, na halal nang Lan~git, magtangol sa tauo
sa bayan nang hapis.
¡Oh mapagcandili,t, maamong Arcángel! na taga pagampon sa madlang
hilahil, alio sa pighati,t, paraluman mandin sa pacay nang nasang
bayang Jerusalem.
Jerusalem bagang caloualhatiang tinutun~go namin habang nabubuhay,
caming iyong lingcod doo,y, ipatnubay sa touid na landas nang houag
masinsay.
Linalacbay nami,y, malauac na mundo na punô nang silo nang lilong
demonio, ¿ito,y, dili caya icababalino nang puso mong handang laguing
sumaclolo?
Diyan sa ligaya na hindi masaysay nang bait nang lalong
capahampahaman at na sa piling ca niyong carurucan nang Dios na
ualang hangang cataasan.
Ipamaguitan mo aco,t, nang maligtas sa di magpatantang tucso ni
Satanás, na nan~gingimbulo,t, ibig mapahamac maramay sa caniya ang
sangmaliuanag.
Sa di nasayaran nang sa salang dun~gis na Virgeng binucalan nang
gracia at diquit, ay idalan~gin mo caming humihibic sa guitnâ nang
ualang ulat na pan~ganib.
Yayamang sa caniyang mapalad na camay lahat nang biyayà ay
pinararaan nang lumic-hâ nitong boong sangtinacpan, ani San
Bernardong lingcod niyang hirang.
Cami tulun~gan mo, daquilang Arcángel, na magpasalamat sa
maginang Virgen sa di tumitila,t, auang sapinsapin bagama,t, cuhila,t,
sucab na alipin.
Joaquin Tuason.
Pasig, arao ni San Rafael Arcángel, icadalauang puo,t, siam nang
Setiembre nang taong isang libo ualong daan pitong può at ualo.
=PAOUNAUA NANG TUMAGALOG.=
* * * * *
Ang cumat-hâ nitong Historia Moral, ay ang Sr. Campe, at ang
inilagay na pamagat ay Ang Bagong Robinson, at nang maiba sa isang
isinulat ni Daniel Dafoe sa pasimula nang nacaraang siglo, na ang
pamagat ay Buhay at man~ga cahan~gahan~gang aventuras ni
Robinson Crusoé.Itong dating Robinson ang siyang nagbigay sa
pagcat-hâ nang bago nang man~ga bagay na quinaoouian nang boong
Historia nang isang bayaning totoong tan~gi dahil sa man~ga di
caraniuang napagsapit nang caniyang buhay, na totoong cacaiba sa
lahat nang man~ga tauo dahil sa man~ga sacunang nangyari sa
caniya: ang buhay nang isang tauong nacaisaisa, napilitang gamiting
ualang licat ang lacas nang caniyang catauan at ang boong
ipinangyayari nang caniyang caloloua, sa pagca,t, ualang macatulong
na sinoman at siya,y, nacaisaisa sa pulô.
Ang sumalin sa uicang castilà nito ay si Don Tomàs de Iriarte, at nang
mangyaring paquinaban~gan nang man~ga binatang babayi,t, lalaqui,
dahil sa magagandang aral na nacacalat sa buong librong ito.
Humihicayat nang pagibig, paggalang at pagpapasalamat sa
macapangyarihang Pan~ginoon at Ama nang lahat nang tauo;
nagpapausbong sa pusò nang pagasa sa caniyang caauaan sa alin
mang caguipitan at pag-ayon sa caniyang calooban.
Ito at madla pang mabubuting aral at cahatulan ang mananamnam
nang babasa sa Historiang ito, na bucod sa pagcacaliban~gan, ay
maraming bagay na macucunang uliran, at ito,y, siyang dahil caya co
inihulog sa uicang tagalog.
Sa pagtagalog nito,y, aquing linisan ang inaacalà cong uari hindi
paquiquinaban~gan nang man~ga tagalog; gayon din naman aquing
dinagdagan nang pagmamacaauà sa mapagpalang Virgen sa touînang
daratnan si Robinson nang anomang casacunaan; sa pagca,t, dili
carampatang lisanin nang sinomang nagcapalad tumangap nang lunas
na tubig nang santo Bautismos ang pagsasacdal, paghibic, at
pagmamacaauà sa Ina nang ating Mananacop, na guinaua niyang
alolod na aagusan nang dilang graciang ipinagcacaloob sa man~ga
tauo, ayon sa uicà ni San Bernardo: Deus nihil voluit nos habere, quod
per manus Mariæ non transiret. «Ayao ang Dios na pagcalooban tayo
nang anomang gracia na di pagdaanin sa man~ga camay ni Maria.»
Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan,
ó pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang
dapat han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi
lalonglalò na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at
ipagcacamit nang caloualhatiang ualang hangan.
Sa catapusa,y, inihandog co sa maloualhating Arcangel S. Rafael,
pagbibigay puri bilang at pagganting loob dito sa lubhang maauaing
Pintacasi nang man~ga maralitâ at icatlong Principe na lagui nang
nagbabantay sa cagalanggalang at di matingcalang carorocan nang
Ualang capantay. Bucod dito,y, totoong nababagay ang pamimintacasi
dito sa totoong mapagcalin~gang Arcangel sa sinomang natitiualag sa
caniyang magulang at nasa guitnâ, nang dilang casacunaan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.