Si Rizal at ang mga Diwata | Page 3

Jose N. Sevilla
akong kumalinga.
Filipinas:-- Ay Rizal ng aking buhay. Sa tanang kong katiisan, Hininga mandi'y papanaw; Mga binata'y tawagan Nang ikaw ay matulungan. Hanapin, tawagan sila, Ibalita yaring dusa Nang kanilang maalalang May tumatangis na Ina. At sa kanila'y isulit, Ang pighating tinitiis Ng Inang tanging ninibig Sa libinga'y maghahatid; Kailangan ko ang tangkilik. (malulugmok)
Rizal:--(aalalayan) Ina ... Inang minamahal Huag mo akong iiwan Aanhin ko yaring buhay Kung ikaw ay mamamatay?
=Lalabas ang mga Panganay na may dalang manok, baraha at bote ng alak.=

=II TUGMA=
Ang Mga Panganay, Si Rizal at Si Filipinas
SALITAAN:
Panganay 1.o:--Mabuhay ang kasayahan!
Panganay 2.o:--Mabuhay ang paglilibang!
Lahat:--Mabuhay! Laging mabuhay!
Rizal:--(luhog) Lingapin ninyo si Inang Mga kapatid kong hirang Ako ay inyong tulungan, Kung kayo man ay may buhay Ay sa kanya tanging utang.
Lahat:--(pakutya) Ohu?... mapagdunung dunungan. (sa sarili) Bakit malakas ang sugal Hahanapi'y kapalaran.
Filipinas:--(sa mga Panganay) Ay mga anak ko ...kayo'y nasisinsay Sa dapat landasin....
Panganay 1.o:--(padabog) Aking nalalamang Kaliwa'y kaliwa at kanan ang kanan. (anyong aalis)
Rizal:--Kami na'y lingapin ... Sandaling maghintay ...
Panganay 2.o:--(kay Rizal) At ibig mo yatang kami pa'y turuan?...
Panganay 3.o:--Kung sana'y marunong �� kaya'y mayaman Disin ay agad kang pinaniwalaan.
Panganay 1.o:--Tayo'y tanghali na.
Panganay 2.o:--Halina at iwan.
Rizal:--(boong lungcot) At kami ni ina?...
Panganay 3.o:--Kay��?
Lahat:--Ating lisan. (sabay ng alis)

=III TUGMA=
=Si Rizal at Si Filipinas=
SALITAAN
Rizal:-- Ituro sa akin Inang ginigiliw Kung sino ang dapat na aking suyuin At pakaasahang kahit puhunanin Ang murang buhay kong aking ihahain.
Filipinas:-- Tanging bunsong nagmamahal Ikaw mandin ang nahirang Na sa aki'y tumangkakal Noong Bathalang Kumapal.
Rizal:-- Kung magulang yaring bisig. Kung ganap na yaring bait, Asahan mo Inang ibig Na sisikapin kong pilit Ang sa iyo'y pagtangkilik.
Filipinas:-- Napakabanal ang nasa Kung iyong isasagawa Ang iyong layong dakila Na sa aki'y pagkalinga.
Subalit lalong mainam Ang ikaw sana'y tulungan Ng aking mga Panganay Na kapatid mo ring tunay. Kailangan mong tanglawan Ang isip na nadidimlan. Tumawag ka kay Minerva At sa kanya ay pasama Tiising mawalay muna Sa nalulunos na Ina. Siya kita na'y iiwan Di na ako makalaban Sa dahas ng kahirapan. (anyong aalis)
Rizal:-- Ina, Inang minamahal Ang bunso mo'y huag lisan.
Filipinas:-- Kailangan mawalay muna Sa namimighating Ina. (sabay alis)
Rizal:--(anyong hahabulin) Subali't ...May matuwid ka, At ayaw mong ipakita Sa akin ang pagdurusa At aayaw kang talaga Na ang puso ko'y magbata. Pagsisikapan ko ano mang masapit Na sa iyong mata'y huag ng tumigis Ang saklap ng luhang animo ay batis, Pagpipilitan kong magkapatid-patid Ang tanikala mo ng mga pasakit (papasok)
=(Tabing Na Lansangan)=

=IV TUGMA=
=Lalabas ang mga Panganay=
SALITAAN:
Panganay 1.o:--Nanalo ka ba?
Panganay 2.o:--Kung ako'y nanalo ... Ako ay nahughog.
Panganay 1.o:--Ako ay natalo Sa masamang hilig tayo ay nabuyo.
Panganay 3.o:--Hindi pa rin huli ... Tayo na'y magbago. Maling mali tayo ng tinungong landas, Ang lansangang yao'y patungo sa hirap; Maligoy matinik, mabato't madawag At pawang balahong hindi madalumat.

=V TUGMA=
=Lalabas ang Kabinataan=
Ang Mga Panganay at Ang Kabinataan
SALITAAN:
Kabinataan:--Oh! mga Panganay ... Nasaan si Rizal?... Kami ay samahan
Panganay:--Siya naming pakay Ang aming ginawing madumog sa sugal Siyang naging sanhi ng sakit ni Inang
Kabinataan:--At kami?... Oh! kami'y nagsisipagsisi
Panganay 1.o:--Tayo na; halina't alayan ng puri Ang Ina't kapatid na laging duhagi. Halina't lunasan ang sakit ni Ina Kalagin ang gapos ng pighati't dusa Halina tuntunin ang himok tuwi na Ng bunsong si Rizal
Lahat:--Halina ... Halina, (papasok na lahat)
=(Bubuksan Ang Tabing)=

=VI TUGMA=
Sa kabilang dako'y lalabas si Rizal at sa kabilang dako'y si Minerva.
SALITAAN:
Rizal:--Minerva.... Minerva, ako ay tulungan Ako ay akayin sa landas ng dangal.
Minerva:--Ano ang nais mo magiting na Rizal? Sabihin ng agad.
Rizal:-- Ang iyong pagdamay Ang Ina kong minamahal Sa pighati'y mamamatay; Minerva ako ay tulungan, Ang hirap niya'y lunasan, Ang isip ko ay tanglawan Ng ningning ng karunungan, Nang si Ina'y maalayan Ng bahagyang kaaliwan.
Minerva:-- Ano ang aking magagawa Sa Ina mong lumuluha?
Rizal:-- Tanglawan mo ng biyaya Diwa kong napakahina, Nang sa aki'y maniwala, Kapatid kong matatanda Sila ay nangahihimlay Sa mga gawing mahahalay; Kanilang nalilimutang Mahigpit na katungkulang Sa Ina ay tumangkakal; Ang Ina kong minamahal Na Ina rin nilang tunay Sa dusa ay mamamatay ... Minerva sila'y tanglawan Ng iyong kapangyarihan.
Minerva:-- Kailangan magsikap ka Kung sa aki'y pasasama; Ang mithiin mong ligaya Matatagpong walang sala ... Kay Panahon ka paakay Siyang may hawak ng buhay (tatawag) Panahon ...
Panahon:--(magalang) Ako po'y utusan

=VII TUGMA=
Si Panahon si Minerva at si Rizal.
SALITAAN
Minerva:-- Iyong samahan si Rizal Hangang sa bayan ng dangal
Panahon:-- Ako ay sunudsunuran Sa hari ng karunungan (kay Rizal) Kumapit sa akin Rizal At sa akin ka aakbay; Ang lakas ng kalakasan Ang sa iyo'y papatnubay.
Magtatagpotagpo ang lahat ng personaje tangi si Filipinas ang mga Diwata na nakahanda na sa Apoteosis. Ang mga Panganay ay hahanga sa pagkamatas kay Minerva at kay Panahon. Bubuksan nito ang aklat ng buhay.

=VIII TUGMA=
SALITAAN
Panahon:-- Ibig mong tahuin ang guhit ng palad?... Narito't pakingan (bubuksan ang aklat) (babasahin) ?Laging mahahabag Sa palad ng lahi na nawawakawak, Sa kapabayaan ng dapat magingat Na mga kapatid, hangang mapahamak Buhay ang kapalit sa ikakakalag Ng lubid na gapos ng Inang may hirap Si Ingit, si Sakim ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.