An��'t namamanglaw? Baki't ka ba nagdaramdam? Sabihin mo, iyong tura't Ako'y handa sa pag-damay
Rizal:-- Dahilan kay Inang mahal Na nagagapos ng lumbay.
Anangki:-- ?Ah! Yaon ang dahilan Ng di mo ikatiwasay? Ibig mong aking lunasan Ang mga sakit sa buhay?
Rizal:--(sa sarili) ?Oh pusong napakarangal! (sa kausap) Kayo ay pagtatapatan Ang tanging pag-asa, ang Kabinataan, Ang nangatuturing na mga panganay Ang dapat lumunas, ang dapat dumamay Ay na nga hihimbing, at nalilimutang Sila'y may ina pang dapat paglingkuran.
Anangki:--Dahil lamang doon, ikaw ay nalumbay? Ayokong makitang sino may lumuha, Kaya't tangapin mo ang aking kalinga. Ako'y si Anangki. Ako'y si Tadhana. Nariyat kasama ang tanang Diwata.
(tatawag) Kagandahan: Siya, kayo'y magpasasa Pawiin kay Rizal ang bakas ng luha Iyong ipatantong ikaw ang Hiwagang Hinababol-habol ng tanang Makata.
At siya'y suyuin ng boong pag-giliw, Sa kanya'y idulot ang timyas ng lambing, Siya'y dalhin mo sa mga tanawin Ng mga pangarap.
Kagandahan:--Akin pong gagawin.
(Lalapit at hahawakan si Rizal)
Hal��na, halina sa bayan ng tuwa, Limutin na Rizal ang mga pag-luha, Puso ko't puso mo'y mag-iisang diwa At magasusumisid sa dagat "biyaya".
Ikikitil kita ng mga bulaklak At siyang idadampi sa pusong may hirap
Kita'y susuubin ng aking pag-liyag Ng sa pighati mo'y siyang maging lunas, Siya na ang sakit.
Rizal:--(alinlangan) Hindi ko magawang Agad na sumimsim ng ala'y mong tuwa; Ang Ina ko'y siyang sumasagunita Mandi'y nakikitang lunod na sa luha.
Kagandahan:--Pawiin sa loob ang tanang ��siping Makapagdudulot ng dusa't hilahil At ngayo'y panahong ating tamasahin Ang galak sa buhay na sumasaatin.
Buklatin ang pusong iyong iyo lamang, Tanging makikita'y pagsintang dalisay Tahas masasabing tanging-tanging ikaw Ang itinitibok ng puso ko't buhay.
Pawang tuwa't suyo, ang ipakikita Ng nananabik kong puso sa pagsinta't Di ka babahiran bahagya mang dusa.
Rizal:--Tunay ang sabi mo?
Anangki:--Yao'y nasulat na, Nang lalong maganap ang dulot kong alay Ngayo'y kilalanin ang isa pang abay.
(Tatawag) Kasayahan ... Lapit: Siya ay alayan Ng tanging samyo mong kabangubanguhan. Ang mga mata mong kapilas ng langit, Ay tanging kay Rizal dapat mong ititig; Ang masayang ngiting sa dusa'y pambihis, Ang mabining kilos na nakasakit Ang mahinghing anyo, ang timyas ng halik,
Ang gandang sariwang laging nagtatalik, Ang matang mapungay, ang diwang malinis, Idulot kay Rizal.
Kasayahan:--Ganap na ang nais!
Rizal:--(Hangang-hanga) Ito kaya'y tunay?
Kasayahan:--Hindi panaginip.
Anangki:--(tatawag) Karangalan ... Siya ay iyong putungan Ng nakahihiling iyong katangian: Gawin mong si Rizal ay laging hangaan Sa boong daigdig ng lalo mang paham. Ibig kong makita na siya'y kapiling Ng lalong Bayan��, ng lalong Magiting, Ibig kong makitang siya'y pintuhuin Ng tanang linalan....
Karangalan:--Ang gayo'y gagawin.
Anangki:--At kulang pa yata ... (mag-iisip) Ah! si Kayamanan!
Kayamanan:--Ako po'y utusan.
Anangki:--Ngayon di'y gampanan, Yarin tagubilin, sa ��katitibay Na kanyang ligayang walang katapusan; Sinupin mong lahat, na ang kayamanang Mahahagilap mo sa boong tinakpan, Ang lahat at lahat ay iyong ialay Kung kailanganin ng batang si Rizal.
Rizal:--(magalang) Bago ko tangapin ang tanang biyaya'y Bayaang ialay ang aking paghanga.
Anangki:-- Sila'y alipin mo; ang mga Diwata'y Iyong iyo lamang. Hayo't magpasasa.
Rizal:--(Magalang) Anangki, salamat. (sa mga Diwata; boong tamis) Halina kay Ina Oh! mga giliw kong panglunas sa dusa, Tayo na't piliting siya'y lumigaya, Yamang ako'y inyo, kayo nama'y kanya.
Lahat:--(sabay) Di kami nanayag. Kami'y iyo lamang.
Kagandahan:--Ang kahi ma't sinong magnais umagaw Ng biyayang iyo, iyong iyong tunay Ay aming kagalit gagawing kaaway.
Rizal:--Sa makatwid, ay ...
Lahat:--Iyo nang nalaman.
Kagandahan:--Na sino't sino mang sa iyo'y pumiling, Sino mang aagaw ng sariling amin Ay sisiphayuin ng siphayong baliw.
Rizal:--(magalang) Anangki, Tadhana, ako'y patawarin. Ang tanang Diwatang kaloob sa akin Ay di maaaring aking tamasahin, N��iyan, kunin na, muli mong bawiin.
Anangki:--Sa anong dahilan?
Rizal:-- Sa malaking bagay. Ako ay di akin, ako ay kay Inang, Ang kanyang tiisin ay akin ding tunay, Ang aking ligaya'y kanyangkanya lamang Kaya't di maaring ang tanan mong alay ay tamasahin ko at pagpasasaan.
Anangki:--(matimyas) Ano pa ang ibig? pinawi kong lahat Ang mga hirap mo ng mabisang lunas.
Rizal:--Di ko kailangan ... Nais ko pa'y hirap Kung akin sarili. Aanhin ang galak Na di maihandog sa Ina kong liyag?
Anangki:--(payamot) At tumatangi ka sa mga biyaya?
Rizal:--(boong saklap) Hindi maaari, di ko magagawang Ako ay mag isang lumasap ng tuwa.
Anangki:--(boong poot) Ako'y ginagalit.
Rizal:--(mayumi) Ikaw ang bahala.
Anangki:--(galit) Ang ngit-ngit ni Sakim, ang poot ni Ingit Ang aking higanti'y siyang mag-uusig Asahan; asahang ano mang masapit Kita'y tatalian ng mga pasakit.
(tatawag) Ingit, Sakim, Ayan: (ituturo) Siya'y kilalanin Siya'y higantihan ng ngit-ngit ng baliw Sa hapis na buhay, huwag pagitawin At ipaglubugan sa tanang hilahil.
Sakim:--(boong kasiyahan) Ako ang bahala; aking nalalaman Ang aking gagawin upang pasakitan.
Sakim:--Di ako tutugot na siya ay gumitaw Aking pipilitin na siya'y mamatay.
=TABING.=
=SI RIZAL AT ANG MGA DIWATA=
=IKALAWANG YUGTO=
I TUGMA
Pagbubukas ng tabing ay makikita si Rizal nayuyukayok. Lalabas ni Filipinas na nag-aawit ng isang mapanglaw na karaingan.
AWITIN:
Filipinas:-- Rizal, Rizal, bunsong hirang Ina mo'y huag bayaan Ina'y iyong saklolohan Sa dagat ng kahirapan.
Ang Ina mong tumatangis Nalulunod na sa sakit Wala nang kayang magtiis Sa lingap mo'y nagnanais.
SALITAAN.
Rizal:--(alinlangan) Anong aking magagawa Sa ako'y mus-mos pang bata.
Filipinas:--Sukat ang banal mong nasa Kung iyong isasagawa.
Rizal:--(susuyuin) ?Ina! siya na ang pag-luha Handa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.