Sa Tabi ng Bangin | Page 2

Jose Maria Rivera
gayong dula; si Loleng ay nagsisi, si Armando
ay pinatawad siya, at si Ernesto ay nakatupad sa hiyáw ng kaniyang
"conciencia".
"KASAYSAYAN NG ISANG HALIK", salaysaying pinaglalarawanan
ng isang Dariong dalisay umibig, ng isang Angela na bago namatay ay
binigkas muna ang pan~galang ¡Dario ...!, pan~galan ng sinta na sa
kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng
matagal na pagkakalayo; at isang Amalia, ináng sa hirap ng anák ay
nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithiín kundi ang ililigaya
noón.
* * * * *
Ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng
kaibigang Pepe Maria Rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at
kalugodlugod na pangyayari, ay ina-asahan kong babasahin ng tanang
mahiligin sa mabubuting babasahín.
Sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng
kaibigang Rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag-aaral sa
"Liceo de Manila, na, samantalang kaming lahat ay nag-aaral ng
paggawa ng "composición" at pagdin~gig sa aming Profesor (ang
namatay na D. Juan Basa), ang kaibigang Rivera naman ay walang
pinagkakaabalahan kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang
ilinalathala sa pahayagang "La Patría".
Perfecto del Rosario.
Tundó, Disiyembre ng taóng 1910.

I.
=Langit na maulap=
Umaga.
Ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng
pinagharian ng gabi; ang lan~git ay walang mga panganorin na
nakadudun~gis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag
tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang ban~go
sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at
pinahahalimuyak ang ban~go niyang na impok ng sakdal lwat.
Si D. Armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay
dagling tumun~go sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang
kailan~gan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakanán, ng:
--Hangang mamaya, Magdalena.
--Hintay ka muna Armando at maaga pang-lubhâ--anang babaye na
may halong lambing.
--Namamali ka nang pagsasabi ng gayon. Alamin mo Magdalena na
ang tatlo nating vapor ay man~gagsisialis sa umagang ito, at marami sa
mga kinakailan~gan ay wala pa. Bawa't saglit na ikabalam ko, bawa't
isang "minuto", ay libo-libong piso ang mawawala sa atin at ito'y di
marapat na mangyari.
--Mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, Iniibig mo pa ang "negocio"
mo kay sa akin....
--At di mo dapat ipagtaka, pagka't ang kualta ay kailan~gan at ng di
natin abutin ang paghihikahos. Diyan ka na.
At noon din ay nanaog si D. Armando at sumakay sa kanyang carruaje.
Samantala, ang naiwan niya ay mangiak-n~giak halos kaya't sa bibig ay
pinapamumulas ang mga salitang:

--Gaya din ng mga araw na nagdaan. Inibig ko siya sa
pagsasapantahang, sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin
kundi ako lamang, n~guni't ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay
may tan~gi pang nasusulat ng higit sa n~galan ko ¿Saan matatagpuan
ang isang pusong makapagdudulot sa aking mga pinipithaya?
Matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at
pumasok sa kanyang silid.

II.
=Ang mag-asawa ni D. Armando=
Bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali
kong tuturan sa mga nanasà, kung sino si D. Armando at si Magdalena.
Si Dn. Armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay
kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting
"mana". Palibhasa't siya'y mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang
bahay kalakalan ng kaniyang ama. Kaiguihan ang taas at
pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa 45.
Si Magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni D. Armando; siya
ay magandang lubha at masasabi ngang sa Bayan ng M. ay walang
mangunguna. Sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di
masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang
samyuin ang pag ibig. Datapwa't sa isang pagkakataon ang
napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos
naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong
ipinagdadalamhating labis! Ang gulang niya'y 26 ó 27 na.

III.
=SUMANDALING LANGIT=

Isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam
ni Dn. Armando kay Magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng
tahanang iyon na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'y si
Ernesto del Rio.
Palibhasa't ang tumawag ay ipinalalagay ni D. Armando na matalik
niyang kaibigan, kaya't naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon.
Binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay
tuluyang umakiat ang binatang Ernesto.
Mamalas ng dumating ang ayos ni Magdalena, ay nagturing na:
--Magdalena, ¿bakit at sa pagmumukha mo'y nalalarawan ang hapis?
¿Bakit ang sun~git ng yamot ay lumululan sa iyong puso?
Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago
sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha
ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay
nagsabing:
--Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't....
--¿Ang alin?--ang sambot ng kausap.
--Ako'y di ini-ibig ng aking
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.