Sa Ano Nabubuhay Ang Tao

Leo Nikoleyevich Tolstoy
Sa Ano Nabubuhay Ang Tao

Project Gutenberg's Sa Ano Nabubuhay Ang Tao, by Leo Nikolayevich Tolstoy This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Sa Ano Nabubuhay Ang Tao
Author: Leo Nikolayevich Tolstoy
Release Date: April 15, 2005 [EBook #15628]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SA ANO NABUBUHAY ANG TAO ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and Distributed Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Mistakes in the original published work has been retained in this edition.]
[Paalala ng nagsalin: Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao
I
KATHANG-SALAYSAY NG KONDE LEON TOLSTOY NA NASALIN SA WIKANG KASTILA AT ISINALIN NAMAN SA TAGALOG
NI
SOFRONIO G. CALDERON
Ikaw ay yumaon ... at malalaman mo:
I. Ang sumasatao; II. Ang hindi ipinabatid sa tao; at III. Ang bumubuhay sa tao.
M. COLCOL & Co.
Publisher 878 Rizal Avenue, Manila

SA ANO NABUBUHAY ANG TAO

I
Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang mujik (may pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal.
Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek [3].
Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad. Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong _rublo_, kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon.
Sisingilin ko sa muhik ang limang _rublo_,--aniya,--idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba.
Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik. Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay.
Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang kopek muna. Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda.
Bayaran mo ako,--ang sabi sa kanya,--at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang _valenki_[1] na sa kanya'y ipinagawa.
Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad. Ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. Sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga _valenki_; at nagsasalita ng ganito:
Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anupang ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit? Nilimot ko ang aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga _mujik_, pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. ?Teka! Di mo ako dinalhan ng kuwarta. ?Maraming salamat! ?May Diyos! Sulong ..." Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. Anong mapapakinabang sa dalawampung _kopek_? Itungga ng alak at wala na. Saka sasabihing "?Ang hirap!" ?Aha, aha! ?Ang hirap ko nga? Ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman. Ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay kailangang bumili; kailangan ko'y tatlong rublo sa bawa't sanlinggo; kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa ako uli ng isang _rublo't_ kalahati. Pagbayaran mo nga ako ng iyong utang.
Papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi. Gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan.
Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon? Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa ulo ay tila isang tao; nguni't bakit maputi? At bakit magkakatao rito?
Lumapit si Semel at lubos nalinawan! Katakataka! Tao nga; buhay o patay? Nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi gumagalaw. Ang magsasapatos ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.