Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 4

Modesto de Castro
ang damit na isusuot ni ama ó ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurihán nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umupó sa tabi nang panahian, dumampót nang cayo-gumamit nang carayom, at magbuó nang damit, ó humarap caya sa calán, magtiis nang init nang apóy sa pan~gun~gusina, ó aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusunód co,i, yaong magandá mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang matá hangang sa ipiquit ay ualang catapusán, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggauá toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.
Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucunót ang noó mo, ga namumuhí na,t, tinutugón mo aco, at nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagauá mo sa arao arao, ?ay ano caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagauá mo n~gayong magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalaró ta, nang quita,i, musmós pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusunód, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagauá co n~gayon.
N~gayong masunód co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinangáp mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo.--FéLIZA.

ANG PINAG ARALAN NI URBANA.
Si Urbana cay Feliza.--Manila ...
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Do?a Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.--URBàNA.

ANG CATUNGCULAN NANG TAUO SA DíOS
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa pag darasál namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaula, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ?Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 48
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.