ay masasambit din ang aquing pan~galan, at sa harapán nang Dios ay alalahanin nang isang Responso ó Ave Maria.
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.
UNANG SULAT NI FELIZA CAY URBANA.
Paombon y Mayo 10. 185 ...
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.
Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suha, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. ?Masayáng halac-hac na iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang anác!
Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcód sa caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigcás nang labi mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.
Aquing natatanao ang cauili uiling anyó mo, ang cabaita,t, cahinhinan na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio. N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.
Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghin~gi nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian.
Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na bucál sa iyo,t, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang matá mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca mahaguisan nang masamáng aglahí ay namamanghá aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay, cauili-uiling ban~gó,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahasáng salan~gin nang salan~gapang na camáy, ay capilitang magdurusa, sa pagca,t, ipinagtatangól nang tinic.[2]
Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~gá nang munti, mupó sa habiha,t, pagaralan cong habihin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.