Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin | Page 5

Fr. Juan Serrano
lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang
macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t,
napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog;
aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at
pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian
sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga
pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy
ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas
na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo. At icao naman,
Dios at Pan~ginoong co, tatlo sapagca Personas at sapagca Dios ay iisa,
na tantong Cang dapat tac-han, dili sa iyong man~ga camahalan lamang
cundi sa man~ga cababalaghan pa namang gaua nang iyong man~ga
Santos, ipagcaloob mo rin sa aquin ang hinihin~gi co dito sa
pagnonovenas na ito, maguing pagpapahayag mo baga nang iyong aua,t,
caalaman, maguing pagpapaquita mo naman nang iyong pagcaibig sa
casanto-santosan mong Doctor, at nang cun amponin aco nang gayong
camahal na pintacasi,t, maestro, ay mapanoto ang caloloua co sa
tiuasay na raan nang iyong mahal na aral, at sa pagpanao dito sa buhay
na malait, ay maguing dapat casihan nang iyong mahal na gracia, nang
panoorin at paquinaban~gan Ca sa caloualhatian sa Lan~git
magpasaualang hangan. Siya naua.

ISA PANG PANALAÑGIN
SA CATAPUSANG ARAO.
¡Aba balon nang carunun~gan! maestro nang Teología, ilao nang
man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang
santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa
man~ga croges. ¡Aba Agustíng bulaclac nang man~ga matatalas na bait,
at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos,
icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong,

carunungdunun~gan ca. Pacundan~gan doon sa graciang matibay at
mapilit na ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, na tungmaos at
nanaimtim sa puso mo na pinacalinislinis, at pinaui ang dilang
caibigang lupang quinauiuilihan mo, at pinaliuanag ang iyong bait na
pinaalis at pinapanao ang man~ga camaliang iquinalalabo, at minulat
ang iyong man~ga mata nang mapanood mo,t, malasmasin yaong
camahal-mahalang liuanag, at nang pagpacatulinan mong haboli,t,
alinsunurin ang caban~gohan nang man~ga bagay sa Lan~git: aco,i,
nagaamo-amo sa iyo, Ama co, at dungmaralan~gin na igauad mo sa
aquin ang iyong camay, nang aco,i, macaahon dito sa man~ga
casamaang quinabalonan co, at macapagbalic loob na totoo sa Dios co,
at macapagsisi,t, macapagdusa nang tapat sa man~ga casalanan co.
Pacundan~gan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na
ipinamuti at ipinayaman nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at
pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming
pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa
man~ga gaua mo: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong
casanto-santosan, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang
graciang icauiuili,t, icalalambot nang puso co,t, icatututo cong
manalan~gin, at icaaalam co pa,t, icaquiquilala, na cun sino aco at cun
sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na,
liban sa Dios.
Pacundan~gan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,t,
pagcariquitdiquit nang tanang man~ga cabanalan na ipinamuti sa iyo
nang Pan~ginoong Dios, at alang-alang doon sa mahal na banaag na
inihulog nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang
maestro,t, ama sa gayong caraming Religión sa caniyang santa Iglesia,
aco,i, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong Ama, na idalan~gin
mo aco sa ating Pan~ginoong Dios nang graciang icatutupad at
icaaalinsunod co sa man~ga ipinagpasunod mo, ihin~gi mo naman ang
man~ga mahal na Religión na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod
baga,t, pinipintuho nila,i, ang Regla mong quinatha, sampon nang iba
pang calahat-lahatan, ay paraparang maquinabang din sila nang
man~ga biyaya,t, graciang ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios,
at nang maisulat mo yaong Regla.

Alang-alang doon sa carunun~gan mong lalong lalo sa carunun~gang
tauo, na ipinag paliuanag nang Pan~ginoong Dios sa iyong
calalim-lalimang bait, at binungcal ang man~ga cayamanan sa santong
Sulat, at ipinaunaua ang man~ga lihim at matataas na misterio nang
santong Pananampalataya natin, sampon nang man~ga lalong
malalalim at marilim sa mahal na Teología, at nang sa iyo parang bucal
na namamarating malinao at malalim ay magmulang umagos at
umanod ang man~ga ilog nang totoo,t, tiuasay na aral sa Lan~git na
idirilig at ipagpapalago sa man~ga halaman nang santa Iglesia. Aco,i,
nagaamo-amo sa iyo mabunying Doctor, na nacaliuanag sa boong
sangmundo, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios na pagcalooban
aco nang loob na mababa at mauilihin sa aral na itinuro mo,t, itinuro
nang Ina nati,t, maestrang santa Iglesia, apostólica, romana. At yayang
inihalal ca nang Pan~ginoong Dios na haligui at catibayan nang santa
Iglesia, at tabac nang man~ga ereges na dito mo mamacailang
pinaquipaglabanan, at sa toui touina,i, dinaig pinapan~gayupapa
pinasuco mo sila. Tingni, santong Ama, at cun gaano ang paghihirap at
pagcacasaquit n~gayon nito ring santa Iglesia, at ang daming halimao
sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa
ca sa camahal-mahalang harapan nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.