madilim sa isang libin~ga'y naglalamay mandin, yaong si Ruperto; sa kinalagakan n~g bangkay ni Tuning doon nakaluhod n~g lubhang taimtim.
Ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala n~g kanyang pagtaghoy: ??Ay, sawi kong palad!...? wikang naghinagpis saka idinugtong ??buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!...?
At bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'y nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok ??Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!...
Iyan ay sagisag n~g aking pagibig at nariyan ka man sa bayang tahimik ay di nililimot at sa bawa't tibok n~g puso sa dibdib pan~galan mo lamang, siyang nasasambit.....?
Mana'y napailag naganyong bayani, lumayo sa kurus at ipinagsabi: ??Pusong magdaraya!... ?papatayin kita! ?hayo na't magsisi!... ?kulang palad ka n~ga, nasawing babai!...?
Sandaling tumigil at tumawatawa, ??Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...? sa harap n~g kurus ay muling lumuhog at humalik siya ??Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!...?
Anaki'y napasong biglang itinulak n~g kurus na yaon noong kulang palad ??Ab�� si Tuning ko!... at nagtatampo na, sa aking pagliyag ... ?ha!... ?ha!... ?ha!... ?ay kahabaghabag!...
Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod naito ang yaman, kandun~gin mo irog; ?aba't n~gumin~giti!... ?pusong magdaraya, salawahang loob, papatayin kita, dapat kang matapos!...
At kung ang gaya mo, ay pababayaang lumawig sa mundo n~g dalita't lumbay ay di malalagot, ang m~ga panaghoy, ang m~ga sumpaan ... ?aba si Tuning ko, nahihiya naman!...
N~guni't huwag Tuning, huwag kang tuma?gis, ang pagsisisi mo'y aking naririnig; datapwa't irog ko, umahon ka rito't ako ay hahalik sa m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ...
?Di ka makalab��s? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon n~g hukay.? Lumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'y nagninilay tuloy na binunot ang tanda n~g patay.
?Kaunti na lamang, Tuning n~g buhay ko, huwag kang mainip at makakamtan mo; mithing kayamanan, aking hahawiin ang tabon sa iyo ...? at nagkukutkot n~gang anaki ay aso.
Sa dulong silan~gan nama'y namanaag masayang liwayway n~g araw n~g bukas, doon sa libin~gan ay siyang pagpasok noong kulang palad binatang si Osong, sawi sa pagliyag.
Kanyang aaliwin ang dusa n~g loob dahil sa pagasang sinawi n~g lungkot; sa boong magdamag, ay di mang nagalay n~g munting pagtulog kung di pawang sakit, dalita't himutok.
Subali't nabiglang natigil sa landas abang si Ruperto'y nang kanyang mamalas na nagkukukutkot doon sa libin~gan noong kulang palad kasaliw sa hibik ang luhang nanatak.
N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; ??Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?...?
Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis ??Ay Tuning!... ?ay Tuning! ?maawa ka lan~git!...? at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit.
Ang poot ni Osong, lalong naglagablab kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap; abang si Ruperto, sa maruming lupa'y nasubasob agad at napahandusay sa libing n~g liyag.
Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok at ang sundang niya'y madaling binunot, bago iniyakmang ??Papatayin kita!... ?dapat kang matapos nang makilala mo kung sino ang Diyos!...
?At bakit nan~gahas dito sa libin~gan? ?bakit huhukayin ang sinta n~g buhay? ?pusong walang bait! kahi't anong sama, n~g taong sino man kapagka namatay, dapat mong igalang..?
??Tuning ko! ?Tuning ko!? ang nagiging tugon ??oh, anong lupit mo, kay lakas mo n~gayon!.? tinablan n~g sindak, ang ating binatang may n~gitn~git na Osong, at ang yapus niya'y ?tunay palang ulol!
Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig, kaya't ibinan~gon; ??Diyos ko! ?Diyos ko! ?mahabaging lan~git, pawa na bang gabi, itong tinatawid!...
At bago niyakap, kaharap na baliw ?Sa aking inasal ako'y patawarin ...? tumbas ni Ruperto ay isang mataos, halik na mariin, ??Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!...?
??Diyos ko! ?Diyos ko!? ang hibik n~g Osong, ??pagkalupitlupit lakad n~g panahon!...? at kanyang inakay abang si Ruperto't wikang idinugtong ??Tayo na! ?tayo na!...? at sila'y yumaon.
Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay na isinusumpa ang abang namatay: ??Oh, Tuning! ?oh, Tuning!... ?ikaw n~ga ang sanhi n~g lahat n~g lumbay n~gayo'y tinatawid nitong aming buhay!...
At pawa n~g gabing lubhang masusun~git na kasindaksindak, tanghalan n~g sakit, ang siyang sa n~gayo'y laging nilalayag n~g palad na amis, ikaw, ikaw Tuning, ang dahil n~g hapis ...
N~guni't masaklap man ang nasapit naming laging naglalayag sa gabing madilim, pumayapa lamang ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing at sa amin yao'y kapalaran na rin ...?
At doon natapos, ang lahat n~g sumpa doon din tumulo mapait na luha; ?oh, kahabaghabag na palad ni Tuning, babaing naaba natan~gi ang lan~git, siyang nagluluksa!...
?Oh, taksil na pita sa dan~gal at yaman, ang lahat n~g ito'y iyong kasalanan; ang busabusin mo, kahi't man umidlip doon sa libin~gan sumpang sunodsunod, walang katapusan!...
Pagka't sa bayan mang sinilan~gan niya, bawa't makabatid ay napapatawa at tan~gi sa sumpa, paghabag, pagiring ay isusunod pa: ?Nasawing Pagasa!... ?Nasawing Pagasa!...
WAKAS
PARA?GAL SA KUMATHA
?G ?NASAWING PAGASA!
?Ang Diwa Mo!
Kasamang Angel!
Dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang ?NASAWING PAGASA! na pangapat na bu?ga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ANG DEMOCRACIA ay natula ko ang sumusunod:
Nang ikaw ay di ko
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.