n~g sa puso'y nukal bago nagsidulog sa isang agahan.
Sa pagsalosalo ay nakikisaliw tinig n~g musikong gumagara mandin sa m~ga bulaklak, n~g bayang Malabong noo'y nagliwaliw na wari'y nagtipang magsabog n~g aliw.
At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog.
Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag.
Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha.
Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin.
At halos ang puso sa tuwa'y umidlip at busog na busog kanyang m~ga titig, ni ang panauhin, sampung kinakain ay wala sa isip at walang nalabi kundi ang pagibig,
Hanggang sa matapos, agahang masarap ay walang naghari kundi pawang galak at sila'y pumasok; ang isang matanda sa lupa'y tumawag: ??Sa isang naaba'y magdamot n~g habag!...?
Ang ama ni Tuning pagdaka'y nagn~gitn~git ??Palayasin ninyo, matandang marun~gis, nang di mangrimarim, m~ga panauhin sadyang nakisanib sa kaligayahan na dulot n~g lan~git!....?
Tugon n~g matanda: ?Kung ako'y mayaman ay hindi ganito yaring kalagayan, gulanit na damit di ko isusuot: ako'y masusuklam n~guni't pagka't wala'y inyong pagtiisan.
At kung kaya lamang ako'y naparito iyang bagong kasal ay babatiin ko naging sumbat nama'y ??Huwag kang umakyat at maraming tao na nakahihiya ang abang lagay mo!....?
?Di ikahihiya aking kasalatan huwag lang sabihin na sakim sa yaman sa pagka't ang dukha ay di alan~ganin sa harap nino man at isa ring anak n~g poong Maykapal.
At sa mundo'y walang nalalagdang batas sadyang nagbabawal sa pakikiharap, n~g isang timawa't kung ipan~gin~gimi ang mukhang mahirap ang sabik sa yama'y lalong nararapat.
Kaya itulot nang ako'y makapasok maligayang bati'y aking ihahandog sa m~ga mapalad, n~gayo'y nagsisumpa sa harap n~g Diyos ...? ??Tuloy na n~ga kayo!....? maasim na alok.
Baga man masaklap sa puso at dibdib doo'y patuluyin, matandang marun~gis, ang ama ni Tuning ay namayapa na't nakiayong tikis pagka't sumusugat ang bawa't isulit.
Ipinan~gan~gambang baka pa lumala pagbaban~gon puri n~g abang matanda na di dumadaplis ang bawa't ituring sadyang tumatama sa ama ni Tuning, sa mayamang mukha.
Kaya't ang matanda nang di tumitinag sa pagkakatayo'y nilapitan agad; ?Tayo na po kayo; magtuloy po sila't kusang makigalak sa dakilang araw n~g pagisang palad....?
At nagtuloy na n~ga n~g puspos na galang yaong bagong kasal, minatamataan; mana'y may dinukot, sa loob n~g damit na isang larawan at anya'y ??Oh, Tuning, tanggapin mo laman!..?
Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos ang dila; si Ruperto nama'y di rin nakakibo at napipi rin n~ga at ang kain~gaya'y biglang namayapa.
N~guni't ang matandang ama n~g babai ay naglakas loob at ipinagsabi: ??Ano po ang dala at isang larawan n~g batang lalaki na siyang sa lahat ay nakapipipi??
Tugon n~g pulubi'y ?Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin ...? yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing; ??Ito ang anak ko, at tunay na supling!...?
Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik: ??Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!...
Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad n~g lubhang marun~gis at masamang palad; nagtaksil n~ga ako't inang nagmalupit sa tunay na anak subalit sa n~gayo'y ??patawad!! ??patawad!!?
At untiunti nang, nalagot ang hin~ga at noong maburol sumugod ang ama: ??Ikaw na pan~gahas, pulubing naghayag n~g lihim at dusa dapat kang mamatay! ?uutasin kita!...?
N~guni't ang pulubi'y umurong sandali; hinubad ang damit at noon nawari, na siya'y si Osong ?laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi at yaon ang giliw n~g babaing sawi!
??Ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa dan~gal, na nan~gan~galakal n~g puri n~g supling ang dapat mamatay at di akong dukhang inyong inagawan!...?
At saka umakmang tarakan ang puso noong lilong amang masakim sa ginto; subali't ang lahat pagdaka'y umawat, pagdaka'y bumuno hanggang maibaba't naglapat n~g pinto.
N~guni't ?si Ruperto'y saan naparoon? at ?bakit nawala sa sakunang yaon? ?walang makaalam! palibhasa'y lihim na tumakas doong umilag marahil sa n~gitn~git ni Osong.
At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan; sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan.
Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning ??Nasawing Pagasa!?
?Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at baka madapa sa gitna n~g landas!...
?Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!...
At tuloy tantoing masarap pang tikis ang pan~galang dukha o anak n~g pawis kay sa sa mayaman, kung pinupulaan n~g bala na't bibig na nakatatalos n~g lihim n~g dibdib.
[Larawan]
V
Nang kinabukasan at gabing
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.