Nasawing Pagasa

Angel de los Reyes
Nasawing Pagasa, by Angel de los
Reyes

The Project Gutenberg EBook of Nasawing Pagasa, by Angel de los
Reyes This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Nasawing Pagasa
Author: Angel de los Reyes
Release Date: November 15, 2005 [EBook #17070]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK
NASAWING PAGASA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This file was
made using scans of public domain works from the University of
Michigan Digital Libraries.)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]

ANGEL DE LOS REYES
KASAYSAYANG TAGALOG
¡¡NASAWING PAGASA!!
ITÓ RIN ANG NAPALATHALA SA PAHAYAGANG "ANG
DEMOCRACIA" NOONG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAAN ÑG
"MULAWIN"
NAGKAROON ÑG MGA PAGBABAGO AT INAYOS ANG
KAMALIAN
MAYNILA KAPULUANG PILIPINAS 1912

¡NASAWING PAGASA!
KASAYSAYANG TAGALOG
KASAYSAYANG NAPALATHALA SA PAHAYAGÁNG "ANG
DEMOCRACIA" NOÓNG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAÁN ÑG
"MULAWIN". NAGKAROÓN ÑG MGA PAGBÁBAGO AT
INAYOS ANG NAGÍNG KAMÁLIAN.
SINULAT NI =ANGEL DE LOS REYES=
KUMATHA ÑG MGA KASAYSAYANG "ANG DIYOSA INÉNG"
"¡KRISTONG MAGDARAYA!" "¡IMBING KAPALARAN!"
"¡PARUSA ÑG DIYÓS!" "¡HINAGPÍS NI LOLENG!" AT "¡TAYO
AY MAMUNDÓK!"
MAYNILA, K.P. LIMBAGÁNG "ESFUERZO OBRERO" 1912

=LAHAT TUNGKOL PILIPINO=
AY DAPAT BUMASA ÑG BABASAHING TAGALOG
Bahag-hari............................. ni Gerardo Chanco. Sa Tabí n~g
Ban~gín.................... " José Maria Rivera. Higanti at
Pagsisisi................... " Honorato H. de Lara.
¡Duwág!................................ " Gerardo Chanco. ¡Imbing
Kapalaran!..................... " Angel de los Reyes. ¡Halina sa
Lan~git!.................... " Gat-Dusa. Ang Mananayaw.......................... "
Ros. Almario. ¡Tadhana!.............................. " Democrita P. Antonio.
¡Sawíng Pagasa!........................ " Bb. Francisca Laurel. Larawan n~g
Pagirog.................... " Simplicio Flores. ¡Waláng Diyós!.........................
" Honorato H. de Lara. ¡Pinatatawad Kita!..................... " Matanglawin.
¡Parusa n~g Diyós!..................... " Angel de los Reyes.
Buhay.................................. " Aurelio Tolentino.
¡Enchang!.............................. " Honorato H. de Lara. ¡Kristong
Magdaraya!................... " Angel de los Reyes. Pan~garap n~g
Buhay.................... " Simplicio Flores. M~ga
Anak-Bukid........................ " Ros. Almario.
* * * * *
=Inyong paghanapin sa mga aklatan at makabibili sa makákayanan
upang huwag kayóng tamaa't masaktan sa mga kasunód na palo at
uñgal.=

MGA PAGUNITA
NA DAPAT NUYNUYIN

SA MAGLÍLIWALÍW SA
Bayan n~g Antipulo

Anim na binibini ang nan~gakálupasay sa lilim nang isáng puno n~g
manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng
magágandá; pawa siláng mahíhinhín; n~guni't ang katakátaká, ang apat
ay nakátawa at ang dalawá ay nakásiman~got. Sa lihim kong
pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay
nakápagdalá n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot.
Walang pagáalinlan~gan na yaóng di nakápagbaon ay siyáng
nakásiman~got, pagka't wala n~g masaráp na aliwan sa bayan n~g
Antipulo na para n~g magbasá n~g aklát. Maligo, pagkatapos ay
magduyan, bago magbasá n~g aklat: iyán ang buhay mayaman.
Kaya kayóng maglíliwalíw sa Antipulo, nang huwág kayóng
sumiman~got pagdatál doón, ay magbaon kayó n~g Pinatatawad kitá!,
Ang Mananayaw, Mga Anák Bukid, ¡Duwág! Sa tabi ñg bañgin,
¡Tadhana!, Halina sa Lañgit!, ¡SAWÍNG PAGASA!, Larawan ñg
Pagirog, Pañgarap ñg Buhay, ¡Walang Diyos!, ¡Higanti at Pagsisisi!,
¡Enchang!, ¡Kristong Magdaraya!, ¡Parusa n~g Diyós! ¡Imbing
Kapalaran! Bahág-Hari, ¡MILAGROS! at Lihim na pagluha! Sa gayón,
tan~gi sa maáalíw ninyó ang inyóng sarili ay makatútulong pa kayó sa
masisikap na kawal n~g pagpápalaganap n~g wikang minana natin.

ANG MGA PUMÁPATÁY SA
Kalulwá ñg Bayan
Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing n~g Ingglés; lalo na ang
wikang Kastila, ang saló n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang
habol n~g Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at
marunong magmahál sa m~ga kalulwá n~g kaníkaniláng bayan, na
alinsunod sa m~ga pantás na sinásamba n~g marami, ang wika, ay
siyáng kalulwá n~g bayan.
N~guni't ... sa bibíg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganitó ang
namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót n~g m~ga kahan~galán ang
lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila
at Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga

katha dito, n~guni't masdán mo ang aking m~ga nobelang Ingglés at
Kastila ay hindi na mabilang.
Iyán ang m~ga kaaway n~g bayan; pagka't silá ang pumápatáy sa
kalulwá nitó. Dahil sa kayaban~gang masabing sila'y nakaiintindí n~g
wikang dayo, ay ipinagpápalít na, ang kaniláng dan~gál....
¡M~ga kamánunulát! ¡Kahabághabág ang ating katayuan! ¡Sa lahát n~g
sandali'y nakaumang sa ating m~ga ulo ang tabák ni Damokles;
nanunuláy tayo sa pan~ganib na guhit n~g m~ga batás; kalaban natin
ang m~ga dayuhan at sampu n~g kalahi, ay kalaban pa rín!...

MABUTI KANG TAO NGUNI'T
Masama kang Kristiyano
--¿Bakit?
--¡Mangyari
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.