Masakím

Andrés Pacual
的
Masakím

The Project Gutenberg EBook of Masakím, by Andrés Pascual This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Masakím
Author: Andrés Pascual
Release Date: May 14, 2006 [EBook #18386]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK MASAKíM ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=Colegio "LA JUVENTUD"=
Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno.
Bajo la direccion del Prof.
=Perfecto del Rosario.
MORIONES, TONDO.--MANILA=
* * * * *
=Estudios de Primary school, Intermediate y Secondary y Especiales de Peritaje Mercantil, Mecanico y Agrimensor.
Reciben internos, medio-internos y externos.=
* * * * *
=Ang GAWAAN NG GUITARRA=
_ni Pedro Buencamino.
Calle Dulumbayan Blg. 139._
* * * * *
Ay gumagawa ?g sarisaring instrumento de cuerdas at nagbibili ?g ibat ibang cuerdas sa mababang halaga.
=Aklatang "HANTIK" ni J.D. Ampil at ka.=
* * * * *

=???MASAKíM!!!=
sinulat ni
=Andrés Pascual=
UNANG PAGKALIMBAG
=NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910.
Limbagan ni MANUEL MIRANDA=
Daang San Jacinto Blg. 50
* * * * *
="LA UNION"
SOMBRERERIA
RELOJERIA
AT PLATERIA
Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello, Punos, Korbata at iba pa.
Aring tunay ng kalahi.
A. RIVERA
Rosario, blg. 81 Maynila K. P.
May malaking pagbabawas sa pakiawan.=
[Larawan]

=I.
SINO KA?=
Hating gabi, madilim, ang mga dahon n~g halaman ay nangakayuko, ang mga ibon ay di man lamang humuhuni, sa mga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na ungol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap ng ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nangagpapahin~galay, ang m~ga hapó at ngaláy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele ng m~ga walang patlang at malalaking patak ng ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may pangkaraniwang laki.
Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang langit ay biglang nasabugan n~g mga maliliit na mata ni Bathala, noon mga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g mga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag.
Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig:
--Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas.
--Ako ... ang sagot naman.
--Sinong ikaw?
--Ako, ang iyong minamahal.
--Peping!
--Delang!
--Bakit ka naparito?
--Ayaw ka bang pumarito ako?
--Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong clase kayo bukas?
--Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko ng mga sariwang ala-ala.
--Baka sila magising?....
--Hindi.
Makaraan ang mga ilang mabayanad na yatiit ng sahig ay nabuksan ang tabing ng pinto at sa susungaw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na panginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningningan kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ?kay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad ng isá at isa ang nararapat ay nangagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim ng isang malabay na puno ng acacia.
--Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata.
--At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating binibini.
Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at mga lan~gitn~git ng sahig na muli ang narinig mulá sa itaas.
--?Nagising! ?Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa.
Isinoot na dali dali ng ating binata ang kaniyang capote_ at nagkanlong sa puno ng kahoy na nasa gawing likuran ng kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag ng mga mangyayari. Dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy ng umuwi at naghintay na lamang ng kinaumagahan.

=II.
Walang Dios? ?Nakapangíngilabot!=
Lingo.
Sa isang bahay-samahan sa nayon ng X ... ay nangagkakatipon na ang ilang mga binata ika-tatlo pa lamang ng hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang ng m~ga kasapi upang ipagsimula ng isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat ng mga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan ng dalawa na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.