Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 2

Cleto R. Ignacio
Iná.
Ayon sa canilang man~ga caasalan
na hilig ang puso sa toua at layaw

kung caya n~ga sila'y pinagtabuya'y
di ayos cristiano ang canilang
asal.
N~guni't si Clotindeng bunsong iniirog
na hipag nang Hari na si
Agabundos,
doon sa palacio'y nanatiling lubos
sapagca't may bait at
galang sa Dios.
Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin
sa, Dios, at uili sa
pananalan~gin,
caya n~ga namahal sa Haring amain
yaong si
Clotindeng may bait na angkin.
Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia
ay hindi cristiano at
man~ga gentil pa,
at ang Hari doon na kinikilala
na namamahala ay
si Clovis bagá.
Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim
na yaong Reyno nang
Borgoña'y bacahin,
caya n~ga't caniyang inutusang tambing
tanang
embajador nang ganitong bilin.
Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno
at ipatalastas ang
cahilin~gang co,
sa Haring lisanin ang pagca-cristiano
at sila'y
sumamba sa man~ga Idolo.
O, cung dili caya siya'y magbibigay
n~g buis sa baua't isang taóng
araw,
na ayon sa aking maguing cahin~gian
at siya'y sacop co ang
catotohanan.
Sa cahilin~gan co'y cung susuay siya
babahá nang dugò ang Reynong
Borgoña,
at man~ga pupucsa silang para-para
sa aking dadalhing
malaking armada.

Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay
sa Borgoña yaong man~ga
inutusan,
nang dumating doo'y sinabi ang pacay
sa mahal na Haring
macapangyarihan.
Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat
na bilin sa inyo nang Haring
nag-atas,
ay sabihin ninyong di co matutupad
ang ualang halagang
man~ga pan~gun~gusap.
Diyata't Dios cong tunay ang lisanin
at yaong Idolo ang aking
sambahin,
sa cahilingan niya'y ang aking patalim
siyang mananagot
sa balang ibiguin.
Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic
yaong embajador nang Haring si
Clovis,
ala-ála nila ay baca magalit
Haring Agabundos cung muling
magsulit.
Ay hindi mangyaring panoorin nila
yaong cagandahan nang bunying
Infanta,
pagca't sila'y hindi nacakikita pa
gayong cagandahang
naca-liligaya.
Na di iba't yaong Infanta Clotilde
na ang ganda't hinhin ay cauili-uili,

ualang capintasang sucat pang masabi
ang hirang na dilag sa
pagca-babae.
Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw
sa palacio niyong
embajadang tanan,
ay hindi mangyari nilang pagsauaan
ang sa cay
Clotildeng tan~ging carikitan.
Yaong tatlong araw ay nang maganap na
sa Hari ay nan~gag-paalam
na sila,
at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia
at sa Haring
Clovis humarap pagdaca.
At ipinagsabi yaong casagutan
niyong sa Borgoñang Haring
pinaglacbay,
at nang matapos nang canilang isaysay
ang lahat, sa
Hari ay sinabi naman.

Na sa palacio ay nan~gatahan silang
hustong tatlong araw, caya
n~ga't nakita,
ang dalagang ualang catulad nang ganda
at ualang
pangdamdam ang di maligaya.
Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan
anhin mo'y guinaua
nang balitang camay,
mata'y cung ititig at iyong pagmasdan
ay bató
nang pusò ang di matiguilan.
Lalo cung n~gumiti't siya ay man~gusap
ay isa nang toua nang
magcacapalad,
at cung sa pintuan siya'y lumalabas
anhin mo'y ang
talang bagong sumisicat.
Caya caming lahat ay natitiguilan
sa hindi maisip naming carikitan,

sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man
doon ay uala nang
maca-áagapay.
Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y
totoong malinis na di gaya dito,

ang man~ga babae ay di nabubuyo
tungcol sa lalaking
makihalobilo.
Sapagca't ang anyo nang man~ga binyagan
ay iba sa ating man~ga
inaasal,
ang man~ga babae ay iniin~gatan
ang puri't salamin ang
siyang cabagay.
Yaong camahalan nang canilang ayos
maguing pan~gun~gusap at sa
man~ga kilos,
anopa't cung ating man~ga-papanood
bulaan ang
hindi maganyac ang loob.
Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid
nabihag ang pusò nang
Haring si Clovis,
doon cay Clotildeng balita nang dikit
namahay sa
pusò ang laking pag-ibig.
Di na natahimic yaong calooban
at laguing ang dibdib ay gapos nang
lumbay,
dahil cay Clotildeng baca di macamtan
sa pagca at siya ay
hindi binyagan.

Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis
nang man~ga balita na
embajadores,
parang namamalas sa caniyang titig
yaong cay
Clotildeng cagandahang labis.
Uupo't titindig noo'y tututupin
saca magbubuntung hinin~gang
malalim,
hindi mapaghulo anhin mang isipin
ang lalong mabuting
paraang gagauin.
Sa bagay na yao'y cusang namalagui
siya, sa lubos na pagdadalamhati,

ualang matutuhang lunas na ipaui
sa gayong pagsintang
ikinalugami.
Caya't napilitang sumanguni siya
sa paham na Conde Aurellano baga,

pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na
cung caya n~ga yaon ang
siyang pinita.
Aniya'y Conde Aurellano'y icaw
ang siya cong lubos na inaásahan,

na siyang sa akin ay tutulong bilang
sa matinding dusang aking
pinapasan.
Dahil sa balitang Infanta Clotilde
na taga Borgoñang hirang na babae,

ay siya cong nasang maca-isang casi
caya isipin mong paraang
mabuti.
Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip
sa araw at gabi di icatahimic,

huag mong payagan di camtan nang dibdib
yaong si Clotildeng
pinaca-iibig.
Sapagca't icaw ang totoong magaling
umisip nang man~ga paraang
gagauin,
caya ang lubos mong caya ay gugulin
sa cahirapang cong
di macayang bathin.
Ano'y nang madin~gig ang sinabing ito
nang bantog na Conde na si
Aurellano,
ibig na sauayin sa pagca at moro
mahirap maibig nang
isang cristiano,

N~guni't siya nama'y tantong nan~gan~ganib
na baca ang Hari ay
magdalang galit,
caya ang uinica'y iyong itahimic
Hari, ang loob
mo't aco'y mag-iisip.
Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ
ay lilinin~ging co ang
paraang pauâ,
anang Hari nama'y icaw ang bahala't
tanang
cailan~gan ay nang maihanda,
Ang mahal na Conde ay napaalam na
at siya'y omuui sa tahanan niya,

inisip ang lalong paraang maganda
na macaulayaw ang bunying
Infanta.
Sa gayong caniyang man~ga pag-lilining
nacatuclas niyong paraang
gagauin,
na icausap sa himalang ningning
caya't sa palacio'y
naglacbay noon din.
Hari co aniyang macapangyarihan
aco'y mayroon nang maguiguing
dahilan,
pagca't sa veinte cinco nitong buan
nang Diciembre,
Pascua nang man~ga binyagan.
May ugali yaong Infanta Clotilde
na maglimos siya sa man~ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.