Justicia Nang Dios | Page 3

Mariano Sequera
hindi dinating n~g nin~gas n~g apoy, dahil n~g hilahil.
Sa lagay-na ito'y bigla siyang guinilic n~g dalauang tauong di niya nabatid, at siya'y dinala at cusang piniit doon sa conventong tirahan n~g ganid.
Sumunod na arao, ?ano ang gagauin! siya'y naroon na dapat n~g silain, gayong cahirapang, palad ay alipin n~g capua palad, na ualang cahambing.
Ang hunhang na cura'y siya'y nilapitan sa paghihimutoc siya'y niligauan, ?ang aspid na loob hindi na gumalang sa luha n~g batang ulila n~g tunay!
Aniya'y: Masdan mo sinapit dinating n~g calagayan mong aayao sa aquin, pag di pa pumayag sa aquing pag guilio mapapahamac ca di aco titiguil.
Ang sagot n~g bata: Aco ma'y mamatay, ay hindi papayag sa masamang daan; ang tugon n~g cura: Iyong pag-isipan, sa cuartong ito'y quita'y babalican.
Magbuhat na niyaon ang cahapis hapis na inaalipin n~g madlang hinagpis, sa arao at gabi'y nataas sa lan~git caniyang panaghoy na sanhi n~g saquit.
Caya't n~g magbalic ang curang ulupong ang ulilang bata'y hindi nahinahon; agad n~g guinamit ang ganitong tanong: ?Inisip mo na ba? ?at ano ang tugon?
Sumagot ang bata: Icao po'y mahabag sa abang lagay cong busabos n~g hirap, caya n~ga't dinguin mo itong paquiusap sa aquing confesor aco ay haharap.
Confesor na ito'y isa n~gang _clérigo_ may tunay na loob at mabuting tauo, ito ang marapat tauaguing ministro n~g Dios sa lan~git lubhang masaclolo.
Ang tugon n~g cura sa gayong pamanhic: Hindi mangyayari cahit mo ipilit, at hangang hindi ca na sagot sa sulit sagot na paayong aquing ninanais.
Sa sama n~g loob n~g batang na iyac tumugon n~g uicang lubhang mabanayad; Oo na po among mamaya tutupad caya't magbalic po at aco'y pápayag.
Sa bagay na ito'y ang curang bulisic sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis; guinaua n~g bata'y tumaanang pilit na di namalayan nino mang casanib.
Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap caniyang confesor na may puring hauac, pagcaquita niya'y agad n~g tumauag, may luha sa mata't siya'y napalin~gap.
Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic sa coventong yaon n~g curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa caniyang nais.
Caya n~ga't nangyari'y sabihin sa aquin n~g aquing matanto't siya ay usiguin; Cung gayon po'y tingnan, ang sa batang turing aquing dinaanan n~gayo'y sasalitin.
Aco po'y ulila sa guilio na ama at nalabing toua co'y pag-lin~gap ni ina, aming pagcabuhay tumangap toui na n~g tahiing damit mahal man ó mura.
N~guni't isang arao cami'y pinatauag n~g curaug hindi na natutong mahabag, at tuloy sinabing iuan co ay dapat yaong pananahing aquing paghahanap.
Acala ni ina'y mabuti ang nais, n~g curang sinabing, sa ami'y nagsulit, na aco'y gagaouing maestra sa pilit caya't ang salamat siyang ipinalit.
Dumating ang arao n~g capan~gacuan n~g cura sa aquing titulong sinaysay, caya po't nangyaring nagmaestrang tunay dito po sa guilio at nilac-hang bayan.
N~guni't isang hapon ang cura ay nanhic sa amin pong bahay pagdalao ang nais, ualang ano ano cay ina'y nagsulit n~g lubhang mahalay tungcol sa pag-ibig.
Sumagot si inang ano mang sapitin hindi siya papayag sa bagay na turing, sa lagay na ito'y ang lilo at soail, umalis na bigla't anaquin ay haling.
Pagcagabi n~ga po'y sinunog ang bahay niyaong monaguillo na caniyang utusan, doon po'y si ina ?Dios co'y namatay! natupoc sa apoy na dulot n~g hunghang.
Sa bagay pong ito'y, aco'y, naninimdim at sa isang suloc aco'y, napahimpil, ualang ano ano'y, lumapit sa aquin dalauang lalaquing may suot na itim.
At aco'y, dinala sa conventong tunay ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan, at n~g naroon na pinto ay sinarhan at aco'y piniit n~g ualang dahilan.
Pagca umaga po'y lumapit sa aquin ang curang doroon, nagsulit na tambing, aniya,y: Tignan mo, sinapit dinating n~g lilong ina mong palalong magturing.
Sa paghihinagpis aco'y niligauan ang luha n~g puso,y di man iguinalang ... pag ligao na yao'y inululang tunay saca nilangcapan n~g balang mahalay.
Caya po,t, sagot co siya ay magbalic at aco'y papayag sa ninasang lihis, saca n~ga n~g siya, doon ay umalis aco namang ito'y nagtanan n~gang pilit.
Caya po narito iyong saclolohan sa n~galan n~g Dios, huag pabayaan: sa lagay cong ito'y maaua pong tunay at yaong justicia ang hin~gi co lamang.
Ang sagot n~ga nitong caniyang confesor justicia, justicia, sa iyo'y aampon, caya't omoui ca, aco'y paroroon, cung hanapin ca pa n~g curang ulupong.
Paroon sa bahay n~g iyong magulang tiahin ó lelang ó caya pininsan, saca tumahimic sa sariling lagay aco ang bahala sa lahat n~g bagay.
Nang ito'y matanto n~g batang causap ligalíg na loob tumahimic agad, at tuloy omoui na cusang hinanap ang bahay n~g aleng labing camag-anac.
N~guni't hindi pa lumilipas halos ang arao na yaon, balita'y sumabog siya'y hinahanap n~g curang may poot dahil sa nag-asal n~g uala sa, ayos.
Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran ay doon inabot n~g cura't sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa toua'y uhao.
Nang siya'y maquita n~g curang bulisic pagdaca'y uinicang; ?oh babaying ganid! acala mo yata aco'y palulupig sa isang paris mong licó ang matouid.
Capag hindi ca pa sumama
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.