Justicia Nang Dios | Page 2

Mariano Sequera
convento nama'y man~gagtutuluyan: sasalubong dito ang among sa bayan at magpapahalic sa lahat n~g camay.
Dumating ang arao sa gayon n~g gayon, dalauang mag-ina'y, piniguil n~g among, aniya'y: Mag-antay at may itatanong sa iniyong dalaua'y, tila nauucol.
N~g mapag-iuan na niyaong caramihan dalauang mag-inang piniguil na tunay ang pag-uusisa dito na minulan n~g guinoong curang may asal halimao.
Aniya'y: ?Ano ba iniyong paghahanap, saan quinucuha cailan~gang lahat? ang sagot n~g ina:--Ang aquin pong anac tahiing damit sa bahay natangap.
Ang tugon n~g cura: anac mo'y, magandá ang bagay sa caniya'y, tauaguing maestra, aco ang bahala ilalacad siya,t, huag n~g manahi magpacailan pa.
Ang ina'y, sumagot, sa ganitong turing; --Salamat po among sa iyong pagtin~gin, cahimanauari icao po'y, gantihin n~g Dios sa lan~git sa gauang magaling.
Madali,t, salita dumating ang arao ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao, n~g isang sacristan, mag-inang tinuran sila'y, tinatauag n~g among sa bayan.
Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama sa doroong tauong alila n~g cura, ualang guni guni, ualang ala-ala cung di ang pan~gacong maguiguing maestra.
N~g sila'y, dumating sa harap n~g among at nacahalic na sa camay n~g ungoy, ang uica n~g cura'y: Tinangap co n~gayon ang nombramiento na aquing nilayon.
Caya n~ga at icao uica sa dalagá magbuhat na n~gayo'y, tunay n~g maestra, dito sa bayan mo, at iiuan mo na yaong pananahi na ualang halagá.
Tandaan mo lamang itong aquing bilin na sa arao arao huag lilimutin, ang lahat n~g bata ay iyong dadalhin dito sa _Convento,t,_ iharap sa aquin.
Sagot n~g _maestra'y_: Aquing tatandaan ang tanang bilin po n~g among sa bayan, pagcasabi nito, sila'y, nagpaalam ang toua n~g ina'y, ualang macapantay.
Sa pagca,t, di alam ang nasa sa loob n~g curang sinambit na nagmamaayos, ang acala niya'y ang gayon ay taos sa puso at dibdib n~g lilo't balaquiot.
Magbuhat na niyaon, sa gabi at arao Maguinoong cura'y laguing dumadalao, sa mag-inang ito't ang dinadahilan ay, ang pan~gan~garal n~g mabuting asal.
N~guni at datapua't manang isang hapon ualang ano ano'y nagsulit ang among aniya,y: Tingnan mo, sa ina ang tucoy, ang ninanasa co at dinguin mo n~gayon.
Malaqui ang aquing dalang pagmamahal sa anac mong iyan at magandang asal, caya't yamang cayo'y ulila n~g tunay sa aquin ay cayo,y mabuting pumisan.
Talastas mo namang maigui ang capit n~g sino mang tauong sa cura'y sumanib gayon din sa pilac ualang isusulit at sino mang _frayle'y_ sagana at sicsic.
Hindi ca daramdam n~g ano mang hirap igagalang ca pa n~g capua mong lahat, balana'y pupuga'y sa iyo't tatauag _macapangyarihan, papel ay malapad_.
Ang tugon n~g ina'y: Pangit pong malasin sa mata n~g lahat cung ito'y asalin, caya po't iurong ang nais na linsil ualang masasapit ano mang marating.
Mabuti pa po n~gang tauaguing mahirap, marumi ang damit, sa dan~gal ay salat, huag n~g maturan na aco'y may anac babaye n~g cura ... ?Dios co ay huag!
Sumagot ang cura sa ganitong sulit, aniya'y: Babaye, icao ay mag-isip, dapat acalain na cung aquing ibig, ni ang gobernador di maiaalis.
Pag nagcataon pa'y aco'y aayunan balang sabihin co'y mangyayaring tunay, caya't isipin mo itong isinaysay, bucas macalaua'y huag pagsisihan.
Tugon n~g babaye: icao po'y bahala balang ibiguin mo'y mangyayaring paua; sa ninanasa po'y ualang magagaua pagca't sinun~galing ang balat n~g lupa.
Malaqui mang lubha ang capangyarihan nino mang frayleng magcura sa bayan, ualang masasapit, cung pagpipilitang ilapat sa aquin ang pan~git na asal.
Itong sinabi co'y itanim sa isip at pagtitibayin buhay ma'y maamis, ?di co acalaing mag asal bulisic, ang isang _ministro ng Dios sa lan~git!
Nang ito'y marinig n~g curang causap sa pagcaupo n~ga'y tumindig caagad, at saca uinicang:--?Tandaan mong lahat, darating ang arao siyang pagbabayad!
Tuloy n~g nanaog n~g ualang paalam ang sucab na tauong may asal halimao, magbuhat na niyaon sa gabi at arao ualang iniisip cung di cahayupan.
Caya't sa convento n~g siya'y dumating yaong _monaguillo'y_ tinauag na tambing aniya'y: Susundin, itong ibibilin, gagauin mo agad, huag lilimutin.
Na mamayang gabi'y sunuguin ang bahay dalauang mag-inang quilala mo naman: ?Bahay n~g _maestra_? sagot n~g sacristan, oo, ang uinica n~g cura sa bayan.
--Aquin pong susundin ang mahal na utos, pagsunod na ito'y mapait sa loob, pagca't yaring puso'y uari'y natatacot sa sising darating n~g tunay na Dios.
Ang sagot n~g cura: Huag ca n~gang balio ibig mo pa yata'y man~guna sa aquin, narito ang UALONG PISO at tangapin, huag cang main~gay at aco ay sundin.
Tinangap ang pilac n~g saquim sa yaman nag ualang bahala sa lahat n~g bagay, caya't ang guinaua'y naghanda n~g tunay tanang gagamiting panunog n~g bahay.
At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic, tinun~go ang daan at cusang lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag-ina na cahapis hapis.
Saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa't sa apoy sila ay mabalot, ang batang babaye'y sa laqui n~g tacot taas n~g bintana'y nilucso't nilusob.
Naiuan ang inang natupoc sa apoy matandang babayeng napag-isa doon, caya n~ga't ang anac hindi napatuloy pag layo't pag alis, piguil n~g panaghoy.
Sa sama n~g loob siya'y napahimpil sa tabi n~g isang malapit na dinding, n~g calapit bahay, na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.