Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan | Page 2

Patricio Mariano

--¿Ano't hindi pa po natin utasín ang taong nakukulong sa ating
yun~gib?
--¡Matandang Pating! ang buhay n~g taong iyan ay mahal sa akin--ang
sabing matigás n~g ating binata--at ang sumalíng sa kahit isá niyang
buhók ay magkakamit n~g kaparusaháng ikadadala sa boong buhay.
¿Nalalaman mo kung sino ang taong iyán?

--Patawarin mo po akó capitán sa aking sinabi sapagka't ang nagduyók
sa akin sa pagtuturing ay ang han~gad na mawalán tayo n~g isang
binabantayan at ikaw po namán ay maalisan n~g kagambalaan.
--¿Alam mo ba matandang Patíng kung bakit ako nápalulong sa
pamumuhay na itong lubhang maligalig?
--Hindi po; at wala akong nalalaman, liban sa, ikaw po'y nakisama sa
amin at n~g mahuli ni Villa-Abrille ang ating pámunuang si Tankád ay
ikaw ang kinilalang kapitan n~g lahat n~g tao.
--Kung gayo'y pakingan mo at itaním sa puso ang aking isasalaysay.
Munting huminto ang nagsasalita; at n~g matapos na mahaplós ang
kaniyang noo na dinalaw mandin n~g isang pag-uulap ay itinuloy ang
pagsasaysay.
* * * * *
--Ako'y anak n~g isang dukha sa bayan n~g X ... at ang kabataan ko'y
nan~gabay sa maralitang tahanan, na, kahit dampá ay hindi sinisilayan
kailan pa man n~g kahapisan, sa pagka't ang kaligayahan nang isang
tunay na pagmamahalan ni ama't ni ina'y siyang tan~ging naghahari sa
aming kubo. Datapwa't sumapit ang isang araw, ako niyon ay may
labing dalawang taon na at marunong n~g bumasa at sumulat n~g
kauntí, na si ama'y nagkasakit at sa dahiláng kami'y mahirap ay
inutusan si ina na sin~gilin sa isang nagn~gan~galang kapitang Tiago,
ang kulang sa kabayaran n~g dalawang pung kabang palay. Si ina'y
umalís sa amin n~g magtatakipsilim at tumun~go sa bahay n~g
mayamang sisin~gilin, n~guni't nakatugtog na ang ánimas ay hindi pa
dumárating kaya't sa kainipán ni amá'y pinasalunuan sa akin. ¡Oh! n~g
ako'y papanaog na sa aming bahay ay siyáng pagdating ni iná, na
humahagulgol at ang pananamít ay halos gulagulanit. Aywan ko kung
anó ang nangyari, n~guni't n~g dumating ay napaluhód sa harapan ni
tatay na kasabáy ang sigaw na: «Ayokong pumayag, ayoko, datapwa't
pinagtulun~gan ako n~g pan~ginoon at dalawang alilang lalaki; ako'y
inahiga ni kapitang Tiago at ... ayoko; ayoko.» Si ina'y ay ulól n~g
umuwi. Sa lakí n~g kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at

natimbwang na walang diwa sa sahig n~g aming bahay. Nang makita
ang gayón ni amá at maunawa ang nangyari ay nagban~gon sa
pagkakahiga at tinalon halos ang aming hagdanan, na dalá ang isang
iták. ¿Anó ang nangyari? Aywan ko; dátapwa't n~g kinabukasan ay
wala na akong iná at si amá ay nabibilango, dahil sa kasalanang
pangloloob. ¿Saan akó tutun~go sa gulang kong labing dalawang taón
at papano ang pagpapalibing sa aking iná? Ako'y lumapit sa lahát n~g
aming kakilala at ipinanghin~gi n~g limós ang kahalagahan na
ipagpapalibing sa bangkáy n~g aking magulang, dátapwa't n~g ako'y
pauwi na sa amin ay násalubong ko ang taong sinin~gil ni iná at ako'y
ipinahuli sa dalawang civil na kasama, sapagkat ako'y anak n~g
mangloloob. Dinala ako sa cuartél at ipinasok ako sa calaboso; at doo'y
aking nakita na si amá'y halos naghihin~galo na lamang at ang
katawá'y tadtad n~g latay. ¡Gayón daw ang pahirap sa m~ga
magnanakaw!
Isang buntóng hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa
pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang
pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw
n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang titig
na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang
inaakalang nakakapamahala sa kalupaan. Ang titig n~g isang Lucifer
ang tumapon sa m~ga mata n~g isang may mukhang banayad.
--¡Magnanakaw si ama! ¡Ang taong maninin~gil, n~g puri't
kaligayahang nawalá'y mangloloob! ¡Ay anak ko! ang tan~ging
nasambit n~g aking kaawaawang magulang n~g ako'y matanaw na
umiiyak sa kaniyang piling. Ako'y napayakap sa katawan ni tatay na
pigta sa dugo at nawalan n~g diwa. Isang malakás na palo ng yantok
ang nagpabalik sa budhi kong tumanan. ¿Ilang sandali akong hindi
nagkamalay tao? Aywan ko, n~guni't n~g aking imulat ang m~ga mata
ay nakita kong ang bangkay ni amá ay na sa isang munting papag at
pasan n~g apat kataong maglilibing; susundán ko sana, dátapwa't ang
sakít n~g aking m~ga buto'y hindi nagpahintulot sa gayón, kaya't ako'y
naiwan sa calaboso, na, bukod sa salanta ang katawán ay isang araw
n~g sinkád na hindi kumakain. Isang gabí pa akong nakatulog doon sa
kalait lait na kulun~gang kinamatayán ni amá. Nang kinabukasan ay

pinalabás akó sa tulong n~g ilang paló pa, kaya't sa pamagitan n~g
muntíng lakás na nalalabí sa akin katawan ay naginót akong makaratíng
sa aming bahay na inabot kong bukás at wala ang bangkáy ni iná. ¿Sino
ang nagpalibing? Sa aking kamusmusán ay wala akong naisip liban sa
akalang baká dinalá n~g asuang ang bankay, sapagka't dito sa atin ay
karaniwan ang paniwalá sa gayón, lalong lalo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.