Masili o Ang pinuno ng tulisan,
by Patricio Mariano
Project Gutenberg's Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan, by Patricio
Mariano This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan
Author: Patricio Mariano
Release Date: August 29, 2004 [EBook #13320]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUAN
MASILI O ANG PINUNO NG ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng,
mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog
na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=PAT. MARIANO.
JUAN MASILI=
Ó
=Ang pinuno n~g tulisán=
MAYNILA
LIBRERÍA. LUZÓNICA Carriedo núm. 101.--Sta. Cruz.
=1906.=
JUAN MASILI
Ó
ANG PINUNO N~G TULISAN
Ang bayan n~g S. José at kanyáng m~ga nayon n~g lalawigang
Morong ay balot katahimikan at ang kadiliman ay naghahari sa m~ga
lansan~gan, kaparan~gan at m~ga bulu-bundukin.
Waláng gumagambalà sa piping kapanglawan n~g gabing nangyari ang
simulá n~g kasaysayang itó, liban sa tilaukan n~g m~ga manok na
nagsasabing ang sandalíng iyon ay hating gabi.
Walang anó anó, sa gitnâ n~g katahimikan ay nadin~gig ang yabag n~g
isang kabayo sa may hulo n~g nayong Masantol na nalalayo sa bayan
n~g may m~ga limang libong dipá.
Ang takbong matulin n~g kabayo'y humina n~g nalalapit na sa nayon,
at n~g natatanaw na ang unang bahay ay huminto at ang nakasakay ay
lumunsad.
Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa
hating gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabás pumasok sa
dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag
sa init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may
halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharáp; datapwa't
ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang
kaliwanagan n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa
pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g
isang mambisa at pantalong kulay abó, salakót na may palamuting
gintô at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw,
dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle.
Nang makahinto na't maitali ang kabayo sa isang puno ay pinagduop
ang dalawang kamay sa labi at ginayahang makaitló ang huni n~g
bahaw.
Hindi pa man halos napapawi ang tunóg n~g huni'y nagban~gon ang
isá katao sa isang buntón n~g yagít na nalalayó n~g may m~ga
dalawang pung hakbang ang agwat sa kinatatayuan n~g ating binata.
--Bigyán pó ni Bathala n~g magandang gabí ang aking kapitán--ang
bati n~g buman~gon sa buntón n~g yagít.
--¿Anó ang balita, kaibigang Patíng?
--Kung sa balita po'y marami, n~guni't kakaunti na ang panahón; kung
ibig mo pong masunód ang iyóng han~gád ay kailan~gang makarating
tayo n~g bayan sa loob n~g isang oras.
--Kung gayón ay may panahón pa akóng magpahin~gá n~g kaunti at
maisalaysay mo namán sa akin ang lahat n~g namatyagán sa bahay na
pinabantayán ko sa iyó. ¿Nakahandá na bang lahat nang tao?
--Opo.
--Kung gayón ay umupô muna tayo at ipagsabi mong lahát ang
nalalaman.
Ang dalawá'y nagtigisang putol na kahoy at nan~gagsiupo sa tabí n~g
isang puno n~g mangáng kalapít.
--Ang una ko pong ginawâ ay ang makituloy sa kalapít bahay ni
tininting Moneng at mula roon ay minatyagán ko ang m~ga nangyari.
Nakita ko pong sa maghapong araw ay walang hintô ang paghahanda at
pagyayao't dito n~g m~ga dalaw at kamag-anakan n~g dalagang
ikakasal; n~guni't ang binibini natin ay miminsang lumabas sa
kaniyang silíd at n~g makita ko'y may bakás na luhá ang m~ga pisn~gí
at ang namumugtong m~ga matá ay nagpapahayag n~g malaking
kadalamhatian. Sa pamagitan n~g may ari n~g baháy na aking
tinuluyan, na gaya n~g pagkaalám mo'y aking hipag, ay pinadatíng ko
sa dalaga ang sulat mo pong ipinabigay at inantabayanan ko ang sagót.
May m~ga isang oras at kalahating nagantay, bago ko nakitang
nabuksán ang bintana sa silíd at may isáng maputing kamáy na
naghulog n~g kaputol na papel na aking pinulot at binasa. Ang
napapalaman ay ganito: «Ikaw na wari'y nagdudulot sa maralita kong
buhay n~g isang maligayang lunas ay pinasasalamatan ko n~g labis,
n~guni't ... ¡ay!... mahirap n~g mangyari ang maiwasan ko pa ang
hulíng sandalíng ikapupugtó n~g aking pagasa. Gayón ma'y maraming
salamat» Matapos kong mabasa ang sulat ay inihanda ko na ang lahat
n~g tao at pinagbilinan n~g m~ga gagawing alinsunod sa utos mo.
--Mabuti kung gayón.
--N~guni't ipahintulot mo po sa akin ginoong kapitan ang isang tanóng.
--¿Anó iyon?
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.