catacá-tacá sa tacsíl at palamara, ang úlo'i, cun mapútol na naniniquit na mulí
pa.
Nang maguing tatlóng oras na ang canilang pagbabaca, cay don Juan ay nagbadyá ang
tacsíl at palamara.
Quita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng
tampalasan.
Sa príncipeng pagcalagay sa bintanang tapat naman, ang princesa ay dumungao at siya ay
tinauagan.
Don Juan ay abutín mo itóng mahal na bálsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapupútol na
úlo.
Ang balang úlong mapugay cahit siya'i, lumucsó man cun ma agád mong mabusan, di
mauulí sa lagay.
Quinuha na capagdaca ang mahal na balsamera, at mulíng naghamoc sila nang
serpienteng palamara.
Nang maputol na ang anim na úlo nang lilo't, tacsíl, at di na mauling tambing cagalitan ay
sabihin.
Lalo nga ang cagalitan dito sa princesang mahal, at biniguian si don Juan nang
bálsamong cagamutan.
Anang serpiente at badyá dini sa úlo cong isá, na ngayo'i, natitirá pa sa búhay ninyo'i,
cucuha.
Ang dalaua'i, nagsagupa umulit silang nagbangá, ang úlong natitirá nga nalaglág agád sa
lúpa.
Capagdaca ay binusan nang bálsamo ni don Juan, siya nangang pagcamatáy nang
serpienteng tampalasan.
Ani don Juan at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintáy mo pa at hindi umalís
quitá.
Sa pagmamadaling tunay nang princesang matimtiman, ang lobo niyang aliuan ang
na-isucbit na lamang.
Diamanteng singsing niya ay naiuan sa lamesa, nagsi-alis nanga sila dalauang magcasi't,
sintá.
At canilang dinaanan si doña Juanang marangal, ang tatló'i, nalis naman at sa lúbid
nagtuluyan.
Nang sila ay dumating na sa lúbid na laan bagá, sila ay nangagtáli na at hinila capagdaca.
Nang dumating sa ibabao ang tatló'i, magcacasabáy, si don Diego ay nagsaysay narito na
si don Juan.
Cay don Pedrong maquita mariquit na Leonora, tinablán agád nang sintá púso niya't,
ala-ala.
Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora.
O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa
lamesa ay naiuan.
Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing
nang princesa.
Ani doña Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong
ala-ala.
Ang uinica ni don Juan yao'i, masamáng maiuan, aquin ngang pagbabalicán at aco'i,
nahihinayang.
Sa hindi ngani mapiguil itong príncipeng butihin, ay nagtali nangang tambing lumusong
na magtuloy rin.
Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd capagdaca ni don
Pedrong palamara.
Di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na
tampalasan.
Nang maquita nang princesa guinauá sa casi't, sintá, halos manao ang hininga sa baló'i,
tatalóng sadyá.
Agád siyang hinauacan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan aco'i, narito
rin naman.
Ang nasoc sa ala-ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualán
bagá.
Quinuha na sa sucbitan at inihulog sa húcay, nguni't, bago binitiuan caniyang
pinagbilinan.
Cun nasactan si don Juan gamutin mo capagcuan, siya'i, aquing hinihintay sa caniyang
caharian.
Umalis at lumacad na magcapatid na dalaua, sampong dalauang princesa ina-oui sa
Berbania.
Atin munang pabayaan ang paglalacad sa parang, at ang aquing ipagsaysay ang hari
nilang magulang.
Yaón ang napanaguimpán nang haring Fernandong mahal ang anác na si don Juan
pinag-lilo at pinatáy.
Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na
naglalacád.
Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa
haring amá.
Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang
pinagdaanan.
Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya
naming nacuha.
At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't,
serpienteng hunghang.
Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i,
dinalá.
Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i,
benendicionan.
Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác
na cay don Juan.
Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua.
Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang
timtiman.
Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing
ipagbabadyá.
Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong
minamahal.
Aco'i, biguian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon co tutuparin ang panata
cong gagauin.
Nang ito ay mapaquingan nitong haring matimtiman, caniyang ipinaayunan sa princesang
cahingian.
Inilagay nangang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata
niyang hiling.
Si don Diego't, doña Juana iquinasal capagdaca, catuaa'i, sabihin pa boong reino nang
Berbania.
Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng
daquilang monarca.
Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg
ang catauán.
Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.