Ibong Adarna | Page 7

Not Available
balóng sacdal
dilím.
Tinalian capagdaca ang bunsóng capatid nila, sa baló'i, inihulog na nang capatid na
dalaua.
Ang sa historia ngang saysay na sa balóng calaliman, mahiguit sa isang daan na dipá ang
casucatán.
Nang siya nga'i, dumating na sa fondo nang balón bagá, ay quinalág capagdaca ang lubid
na tali niya.
Lumacad na capagcuan ang príncipeng si don Juan, isang pintó ang binucsán pumasoc na
nagtuluyan.
May isang campong maluang doo'i, caniyang dinatnán, linis ay ualang cabagay nang
lupang tinatapacan.
Ang sari-saring bulaclac naroo't, namamacetas, diquít ay ualang catulad bangó'i,
humahalimuyac.
Doon sa pag-libot niya sa macetas at sampaga, may bahay siyang naquita diquít ay
ualang capara.
Tumauag na capagcuan ang príncipeng si don Juan, siya naman ay dinungao nang
princesang na sa bahay.
Nang maquita'i, binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon
nang tanang sampaga.
Anang princesa'i, ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong
pagcaparito.
Sagót nang príncipe't, uica abá mariquit na tala, pagcaparito co'i, bigla dalá nang sintang

gahasa.
Inalipád sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo'i,
lumagpác.
Caya mahal na diosa huag cang mag-ala-ala, sa Dios ito'i, talagá tangáp ang hain cong
sinta.
Ang sagot ni doña Juana na cun may tapang cang dalá magtulóy na pumanhic ca at dini
mag-usap quita.
Pumanhic na capagcuan ang príncipeng si don Juan, at nuha nang silla naman ang
dalaua'i, nag-agapay.
Ang uica nang princesa doon sa hain mong sinta, malaqui cong ala-ala sa loob bagáng
mag-isa.
Saan quita ilalagay na iyong pagtataguan, at baca icao ay datnan nang giganteng
tampalasan.
Yaong lilo at cuhilá sa aqu'i, nag-aalaga, malaqui co ngayong aua sa buhay mong
mauauala.
Isinagót ni don Juan ualin mo sa gunam-gunam at hamac sa aquing camáy ang giganteng
tampalasan.
Sa pag-uusap nila nang príncipe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng
palamara.
Sa hagdan nang dumating na tinauag si doña Juana, amóy manusia aniya dito'i, may tauo
cang ibá.
Si don Jua'i, sumagót nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadyá sa princesa
mong alagá.
Anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong
icabuhay.
Isinagót ni don Juan yao'i, sucat mong asahan, cun aco'i, iyong mapatay pagsil-in ang
aquing bangcay.
Anang gigante at badyá cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada't,
naghamoc na.
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng
tampalasan.
Anang príncipe at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis
quita.
Ang sagót ni doña Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si
Leonora.
Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang
serpienteng matapang.
Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora.
Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i,
nacasisilao.
Ang hagda'y, gintong lantay cauili-uiling titigan, na cun sa lupang ibabao ualang catulad
cabagay.
Napatauo capagdaca itong príncipeng masiglá, siya namang pagdungao na nang princesa
Leonora.
Nang cay don Juang maquita ang cariquitan at ganda, ito'i, lumalo aniya doon cay doña
Juana.

Big-yan nang Dios na mahal niyong pong magandang arao, sagot nang princesa naman
ay capua maquinabang.
Nguni aco'i, namamangha ó príncipeng daraquila, lugar na ito'i, lihim nga ay baquin mo
naunaua.
Isinagót ni don Juan ay abá palabang Buan, paquinga't, aquing tuturan ang sa aquin ay
nagtaglay.
Isang bungang panaguimpan sa pagtulog co'i, pumucao, ang catulad co't, cabagay ang
isang pinag-ulapan.
Ang sa bungang tulog co nga na pumucao sa pag-higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong
isang tála.
At sa aquing pangangarap aco'i, agád inalipad, camuc-há'i, ibong may pacpác dito aco
inilagpac.
Hindi co nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na calooban cun caya po
natutuhan.
Cayá mahal na princesa huag cang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá cayá tangáp
yaring sintá.
Sagót nang princesa't, sulit magtulóy ca pong pumanhíc, at nang iyo pong mabatid
handóg mong sintá sa dibdib.
Pumanhíc na capagdaca itong príncipeng masiglá, sa silla ay umupó na nag-usap silang
dalauá.
Isinagót ni Leonora tungcól sa alay mong sintá, malaquí cong ala-ala serpiente'i, cun
dumating na.
Saan quitá ilalagáy na sucat mong pagtaguan, nang hindi ca maamuyan niyong lilo't,
tampalasan.
Sagót nang príncipe't, badyá huag cang mag-ala-ala, ang bahala ay acó na sa tacsíl at
palamara.
Ano ay caguinsa-guinsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang
serpienteng palamara.
Sa hagdana'i, lumapit na tinauag na si Leonora, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang
ibá.
Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong tagláy aalis nang
iyong búhay.
Anang serpiente'i, ganitó iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoó icao ay
bibihaguin co.
Ano pa nga at nag-laban ang capua lacas, tapang, ang príncipe'i, di tamaán nang
serpienteng tampalasan.
Ang isang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 24
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.