Ibong Adarna

Not Available

Ibong Adarna

The Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Ca
Author: Anonymous
Release Date: July 1, 2005 [EBook #16157]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK IBONG ADARNA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan. Dedicated to the three Filipino comedians Dolphy, Panchito and Babalu who made this folklore memorable in a 1970s film adaptation.

IBONG ADARNA
AKLATAN NI JULIANA MARTINEZ 116 P. Calderon, Manila
CORRIDO AT BUHAY NA PINAGDAANAN NANG TATLONG PRINCIPENG MAGCACAPATID NA ANAC NANG HARING FERNANDO AT NANG REINA VALERIANA SA CAHARIANG BERBANIA
Virgeng In��ng mariquit Emperadora sa Langit, tulungan po yaring isip matutong macapagsulit.
Sa aua mo po't, talaga V��rgeng ualang macap��ra, acong hamac na oveja hulugan nang iyong gracia.
Dila co'i iy��ng talasan pauiin ang cagaril��n, at nang mangyaring maturan ang munting ipagsasaysay.
At sa tanang nangarito nalilimping auditorio, sumandaling dinguin ninyo ang sasabihing corrido.
Na ang sabi sa historia nang panahong una-una, sa mundo'i nabubuhay pa yaong daquilang monarca.
At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si do?a Valeriana.
Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang Berbaniang caharian.
Ang haring sinabi co na ay may tatl��ng an��c sila, tuturan co't ibabady�� nang inyo ngang maquilala.
Si don Pedro ang panganay na an��c nang haring mahal, at ang icalaua naman si don Diego ang pangalan.
Ang icatlo'i, si don Juan ito'i siyang bunsong tunay, parang Arao na sumilang sa Berbaniang caharian.
Ito'i, lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang haring am��.
Para-parang nag-aaral ang manga an��c na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang magulang.
Ay ano'i, nang matuto na yaong tatl��ng an��c niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca.
Lumapit na capagcuan ang tatl��ng pr��ncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan.
An��ng hari ay ganit�� caya co tinauag cay��, dito sa itatanong co ay sabihin ang toto��.
Linoob nang Dios Am�� na cayo'i, nangatuto na, mili cay�� sa dalaua magpare �� magcorona.
Ang sag��t nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona't, cetrong mahal.
Nang it�� ay maringig na nang haring canilang am��, pinaturuan na sila na humauac nang espada.
Sa Dios na calooban sa canilang pag-aaral, di nalao'i, natutuhan ang sa armas ay pagtangan.
Ito'i, lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbady�� itong daquilang monarca.
Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihig��n niyang banig.
At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang an��c na si don Juan pinag lilo at pinatay.
Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumat��y, inihulog at iniuan sa bal��n na calaliman.
Sa pananaguinip bag�� nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihig��n niyang cama.
At hindi nanga na-idlip sa malaqui niyang hapis, sa hirap na masasapit niyong bunsong ini-ibig.
Ito ang niyang dahil��n nang sa bungang panaguimpan tuloy ipinagcaramdam at sa banig ay naratay.
Nagpatauag nanga rito marurunong na m��dico, dili masabi cun an�� ang saquit nang haring it��.
Sa gayong carami bag�� medicong tinauag nila, ay ualang macapagbady�� sa saqu��t na dinadal��.
Ay mayroon namang is�� na bagong cararating pa, siyang nagpahayag bag�� saquit nang bunying alteza.
Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimp��n, sa iyo'i, aquing tuturan ang iyo pong cagamutan.
May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcant�� ang saqu��t mo'i, guiguinhaua.
Sa Tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan Piedras Platas ang pangalan.
Cun arao ay uala roon itong encantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapaui nang gutom.
Cun gabing catahimican ualang malay ang sino man, ay siyang pag-oui lamang sa Tabor na cabunducan.
Cay�� mahal na monarca yao'i, siyang ipacuha, gagaling pong ualang sala ang saqu��t mong dinadal��.
Nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca'i, inutusan ang an��c niyang panganay.
Si D. Pedro'i, tumalima sa utos nang haring am��, iguinay��c capagdaca cabayong sasac-y��n niya.
Yao nanga't, lumacad na cabunducan ang pinunt��, at hahanaping talag��, mahal na ibong Adarna.
Mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa p��rang, at hindi nga maalaman ang Tabor na cabunducan.
May dinatnang land��s siya mataas na pasalung��, tumahan capagcaraca itong pr��ncipeng masigl��.
Sa masam��ng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i, namat��y.
Di anong magagaua pa uala nang masac-y��n siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad capagdaca.
Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na cabunducan.
May cahoy siyang naquita na tantong caaya-aya, sa caagapay na ib�� siyang tangi sa lahat na.
Ang daho'i, sacdal nang inam para-parang cumiquinang, diamante'i, siyang cabagay sa mata'i, nacasisilao.
Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumiguil bag�� itong pr��ncipeng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 23
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.