Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)
Project Gutenberg's Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922), by Honorio L��pez This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)
Author: Honorio L��pez
Release Date: September 5, 2005 [EBook #16656]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DIMASALANG KALENDARIONG TAGALOG ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
DIMASALA~G
Kalendario~g Tagalog
(_DATI'Y LA SONRISA_)
NI
Don Honorio L��pez
SA TAO~G
1922
=Ang Aklat na Ginto=
Ang AKLAT NA GINTO hindi isang aklat lamang na kakikitaan n~g m~ga kaalaman sa panggagamot na walang gamot sa katawan n~g tao, hindi isang aklat na kababasahan lamang n~g m~ga paraan n~g panghuhula at iba pa; kundi isang aklat na katutunghayan n~g mahahalagang bagay na nauukol sa kapangyarihan n~g ating diwa, siyang kaluluwang ibinigay sa atin n~g Diyos upang tayo'y maging tao at gumawa nang parang tao na inilarawan n~g Diyos na Maykapal sa kanyang ayos at katayuan. Sa makatwid tayo'y larawan n~g Diyos na katulad niya na hindi n~ga lamang makagawa n~g katulad n~g kanyang m~ga gawain pagka't hindi natin kilala ang kalihiman n~g kapangyarihan n~g diwang isinangkap niya sa atin. Sa AKLAT NA GINTO mababasa ninyo ang kalihiman nito, upang ang diwang iyang ibiniyaya sa atin n~g Diyos ay ating magamit sa maraming bagay upang mapapaginhawa n��tin ang katawang ito natin at ang ating kabuhayan; matan~gi pa sa ibang mababasang paraan n~g panghuhulang gamit n~g m~ga yogi, n~g m~ga hesuita, m~ga monha, ibp, sa panghuhula n~g nawalang kasangkapan �� natatagong kayamanan, ang pangpalubay loob ang mapasunod niya ang ibang tao sa bawa't ibigin n~g kalooban, makapanggamot n~g walang gamot, ang malaman ang m~ga orasyon n~g Pap�� Leon XIII na naging anting-anting ni Carlo Magno n~g panahon n~g Dose Pares at iba pang kalihiman.
LIMANG PISO ang halaga sa lahat n~g Libreria at ang taga probinsiyang magpadala n~g lilimahing pisong papel sa pamamagitan n~g sulat na ipadala kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap n~g isang AKLAT NA GINTO sa pamamagitan n~g "correo certificado."
* * * * *
=Aklat ng Kabuhayan=
Ang AKLAT NG KABUHAYAN ay pihong lalabas na hanggang Marzo n~g 1922. Anim na piso ang halaga. Ang aklat na ito ang dapat na basahin n~g lahat, pagka't ito ang aklat n~g kaligtasan n~g tao sa lahat n~g kapahamakan at kamatayan. Natitipon dito ang m~ga arte �� paraan n~g panggagamot nila Tisot, Sta. Maria, Kusiko, Tavera, Delgado (hesuita), nila Dr. Villefond, Carvajal at iba pa. Hindi lumabas n~g nakaraang taon pagka't pinakaaayos ang yari.
=DIMASALANG=
=KALENDARYONG TAGALOG=
NG
Kgg. Honorio Lopez
nag-konsehal, sa siyudad ng maynila
_Licenciado sa Leyes. Bachiller sa Artes. Agr��nomo. Agrimensor_ na may titulo n~g Gubierno. Publicista. _Tent. Coronel_ sa Hukbong Pilipino n~g nagdaang Himagsikan. Kasapi sa _Los Veteranos de la Revulucion,_ Naging _Asesor-Tecnico_ sa Union Agraria de Filipinas, Kasaping Pandan~gal sa Kapisanang Conciencia Libre sa Madrid, Espa?a
=SA TAONG=
=1922=
NAGSIMULA NG TAONG 1898 IKA 24 TAONG PAGKAKAHAYAG
Dapat Tandaan:--Gulang ng taon, 27. Epakta, 22. Katitikan Linggo, A. at Kabilan~gang Gint?, 4.
* * * * *
=Alin ang gulang ng babae na dapat sabihing matanda na?=
Kung may magsasabi na ang gulang na kahilihili sa is��ng babae, ay ang gulang na tatlong pu't limang taon, n~guni't hind? rin nawawalan n~g ibang nagsasabi na kapag ang babae'y sumapit sa tatlong pung taong gulang, ay matanda na.
Marahil nagkakaagawan ang dalawang kur��kur�� sa dami n~g magkasangayon; n~guni't dapat unawain na ang dami n~g babaeng hinan~gaan sa gand�� sa kasaysayan n~g Sangsinukuban n~g Pagibig at pagmamagara, ay sa gulang na tatlong pu't limang taon.
Si Ninon de Lenclos nagkaroon n~g maraming man~gin~gibig n~g siya'y may anim na pung taon at sa gulang na siyam na pung taon ay may pumapalike pa.
Si Cleopatra sa gulang na tatlong pu't walo niya, n~g aglahiin sa pagibig ang m~ga hari.
Si emperatris Josefina na bumihag sa pus? ni Napoleon I, ay matanda kay sa gulang nito, n~g siya'y mapakasal na ang lahat ay nagsasabi na siya'y lalong bata sa emperador sa pagmumukha.
Ang balitang nobelistang si J. Sand, ay lalong kaaakit n~g makaraan sa tatlong pung taon at sa gulang na lalong naulol sa kanya sa pagibig si Chopin.
Si Elena de Troya nagkaroon n~g p? p?ng man~gin~gibig n~g may apat na pung taon na, at si Adelina Patti nagkaroon n~g maraming manglilingkod sa kanyang kariktan hangga n~g mamatay.
Sa n~gayon, kagalanggalang na dalagang kagulan~gan, bakit ka paghihinagpis sa iyong pagtanda? Huag mong ipanglungkot ang pagiiwan sa iyo n~g kasariwaan n~g kabataan, pagka't kailan ma't
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.