Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922) | Page 2

Honorio López
magilas kayo at sinusunod ninyo ang m~ga aral sa pagpapaganda at pagpapakikinis n~g balat na itinutur? ng _Aklat ng Kabuhayan ni Honorio Lopez, ay hind? kayo mawawalan n~g m~ga kandidato na laging aawit sa inyo n~g kirileson n~g Dios n~g Pagibig.
* * * * *
=PARAAN NG PAGGINHAWA=
M~GA MAHALAGANG ARAL NG PILOSOPONG HAPONES NA SI MR. TUSE-KARI
Marami n~g kahatulan ang naitur? n~g m~ga pantas at m~ga may pinagdaanan sa pamumuhay ukol sa paraan n~g pagginhawa. Naririyan ang m~ga mararalitang nagsiyaman na n~gayo'y itinatanghal n~g magandang kapalaran sa kaaya-ayang pamumuhay; nariyan din naman ang iba't ibang marurunong sa Europa at Amerika at ang m~ga pantas sa Indiya na nagtur? at han~ggang n~gayo'y nagtuturo n~g m~ga kaparaanan n~g pagginhawa. N~guni't sa n~gayo'y isa namang paham na hapon, na tumutugon sa n~galang Tuse-kari, ay siyang naglathala n~g isang kaparaanan �� nagpapatibay n~g karunun~gan napuputi sa kalihiman n~g pagiisip, upang magamit ito sa bawa't ibigin ukol sa gawang mabuti, lal? na sa ikagiginhawa.
Ang "Pagiisip" san~gayon kay Tuse-Kari, ay makakamtan ang lahat n~g bawa't ibigin n~g tao na matatamo niya, sa kabuhayan sukat na gamitin lamang ang pagiisip sa boong lakas na ankin. Ang sabi niya'y ganito: ?Kayo baga'y may dinaranas na sama sa kabuhayan �� may dinaramdam kayong sakit? Ang dapat gawin--ang tur? niya--isipin ang pagbalikuas �� ang paggaling sa tuw? na, at sukat, upang umigi sa sakit.
Sa pagkakaroon naman n~g anak na lalake �� babaye na ibigin n~g magasawa, ay sinasabi ni Tuse-Kari, na ang babaeng may isang buan at kalahati n~g pagdadalang tao na gumawa sa arao arao, sa sinkad na labinglimang arao, sa tuwing gabi bago matulog, na ang mata'y nakapikit at ang boong dili dili ay malaya sa ibang isipin �� alalahanin at gayon din sa pagkagising na sasambitin sa boong katimtiman n~g loob ang m~ga sumusunod: "Lalaki ang aking magiging anak" (kung ito n~ga ang nasain) ay pilit na ito ang ipan~gan~ganak. N~guni't lalong mabuti na uulituliting sabihin at sabihin sa boong maghapon n~g makaapat o makaitlong ulit.
Ang ganitong nasain n~g naturang hapones, ay nasubok sa Hapon n~g 1907, na sa 2513 haponesa na nagbuntis na gumawa nito at n~g man~ganak n~g 1908 ay 1942 ang nan~ganak n~g pawang lalake.
?Ibig ba ninyong matalos �� malaman ang kalihiman n~g pagginhawa, upang yumaman �� magkaroon n~g magandang kabuhayan, maibig n~g iniibig, kagaanan n~g loob, kalugdan n~g sino man at mapapalarin sa anomang negosyo? ay kailan~gang bumasa at magaral na mabuti sa Karunungang Lihim at sa Aklat na Ginto ni G. Honorio Lopez. Ang Karunun~gang Lihim ay 2 piso ang halaga at ang Aklat na Gint? ay 5 piso naman. Kapua mabibili sa lahat n~g libreria sa Maynila. Hanapin ang sinulat ni G. Honorio Lopez at siyang makabuluhan at malaman. Kung kayo'y taga probinsya n~g huag n~g mapagod n~g pagparoon sa Maynila ay ipadala ang kuartang papel de banko sa pamamagitan n~g "Correo Certificado" kay G. Honorio Lopez, daang Sande 1450 Maynila at pagkatanggap niya n~g kuarta ninyo ay ipadadala sa inyo ang aklat na kailan~gan.

=Pagilag sa Kulog=
Sa m~ga siyudad, ang m~ga "parrarayos" �� "tigilanglintik" ay nakakapan~gilag sa marami upang huag tamaan n~g lintik at malayo sa kasakunaan. N~guni't lalong mabuti ang m~ga nakasira sa m~ga bahay na bato ang sila'y lumagi sa silong n~g bahay samantalang kumukulog, ipinid ang m~ga bintana �� patangwa huag gagamit n~g telepono, huag lalapit sa m~ga kawad n~g dagitab, sa simenes �� palabasan n~g usok.
Kung abutin sa gitna n~g bukid �� parang, masama ang tumakb�� at tumayo, pagka't ang lahat n~g nakatindig sa lupa ay umaakit sa pagputok n~g lintik lalo na kung gumagalaw. Ang mabuti'y dumapa ihagis ang mga hawak na bakal �� patalim, katulad n~g payong, araro, ibp., masama ang pumiling sa tabi n~g poste, sa punong kahoy, �� iba pang mataas na tinatakbuhan n~g tubig, gayon din sa m~ga mandala n~g palay �� gayami. Palalayo ang kailan~gan sa m~ga kakahayan at dumapa.
* * * * *
ANG TIBAY. Ang mapaggawa n~g m~ga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos na pang BAGONG TAON at Pangmatagalang Panah��n.
[Tala: KATUBUSAN: Gawaan n~g sigarillo at tabako. Samahang ganap n~g Pilipino. Daang Clavel at Barcelona San Nicolas, hanapin ninyo sa bawa't imbakan at tindahan ang kanyang m~ga masasarap at nakawiwiling hititin tabako]
[Tala: Lagay ng Panahon. Alan~ganin. Malalakas na han~gin. �� ulan sa Sil��n~ganan]
=INERO.--1922=
1 Linggo Ang unang pagtul�� ng dug? ng ating mahal na Mananakop; Ss. Magno mr. at Eufrosina bg. (Pistang dakila sa Kiapo).
2 Lun. Ss. Macario ab. at Isidro ob. m. at Marciano ob. mga kp.
3 Mar. Ss. Antero papa mr. Genoveva bg. at Daniel mr.
4 Mier. Ss. Tito ob. cf. Aquilino at Dafrosa ms. Pagkabaril sa m~ga pinagpalang paring Inocencio Herrera, Severino Diaz, at Gabriel Prieto; Florencio Lerma, Macario Valentin, Macario Malgarejo, Canuto Jacob, Cornelio Mercado, Domingo Abella, Rafael Gutierrez at Francisco Balera Mercedes, 1897.
5 Hueb. Ss. Telesforo papa at mr. Simeon Estilita at Emiliana at Apolinaria bg.
6 Bier. [krus]
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.